Chapter # 1
*dingdong*
Nililigpit ko yung mga gamit ni mama at nilalagay sa kahon ng may nagdoor bell. Agad akong pumunta sa gate at binuksan ito.
"Hi Alana, good morning." bati sa akin ng Tito ko/lawyer ni mama at nagbeso kami.
"Good morning din po Tito, bakit po kayo nandito?"
"Babasahin ko yung last will ng mama mo, remember?"
"Ay,oo nga pala,tara po sa loob." pumasok na kami ni tito at naupo sa salas.
"Ikaw lang ba ang mag-isa dito.?" tanong ni Tito nang makaupo na siya.
"Opo, bago pa man po mamatay si mama, pinaalis niya na po ang mga katulong pati po si Yaya Salvi." tumango-tango lang si Tito.
"Babasahin ko na hah." i smiled at him and slightly nod.
To my beloved daughter,
Alam mong mahal na mahal kita at kahit na wala na ako lagi mong iisipin na lagi lang akong nasa tabi mo. Dahil sa mahal na mahal kita,wala akong iniwang pera as in wala.
"Nagbibiro lang po siya diba?" i interrupt. Tito smiled at me and continue reading.
Kung akala mo nagbibiro lang ako , hindi. Ang bahay at kotse lang ang iiwan ko, dahil hindi ko naman kaya na maging homeless ang mahal kong anak.
Pero meron pang pag-asa na makuha mo ang mana mo. Mag-aral ka sa Bradford Academy.
"Hin..." i interrupt again but Tito interrupt me too.
Ooops, bawal maghindi, alam kong ayaw mo, kaya nga ito nalang ang naisip kong paraan. Kapag nakapagtapos ka sa Bradford Academy , pwede mo nang makuha ang mana mo, kaya kailangan mong pumasok at mag-aral doon. Anak, dahil sa wala akong iiwang pera sayo kaylangan mong maging responsable at matutong mabuhay sa sariling sikap. Please anak, sana masunod mo ang huling hiling ni mama para hindi masayang ang mga pinag-ipunan ko.
Sana anak maintindihan mo ako, pinapangako ko sayo ,sasabihin ko kay Lord na magkita kayo ni mais na lagi mong ikinukwento sa akin.
Love,
Mama
Napanganga ako sa huling sinabi ni Tito. "Last Will niya po ba talaga yon?" tinawanan lang ako ni tito sa tanong ko.
"Simula sa monday pwede ka nang pumasok sa shool. Wala ka nang dapat pang alalahanin sa mga bayarin doon, hanggang sa magcollege ka."
"Hayy, ano ba ang pumasok sa isip ni mama at kaylangan sa Bradford pa.? Pwede bang sa ibang school nalang tito, ayaw ko talaga dun." pagmamakaawa ko kay Tito.
"Im sorry A pero kayl pangan mong sundin ang last will ng mama mo kung gusto mong makuha ang mana mo." sabi ni tito at inabot sa akin isang papel at uniform. "Gusto mo bang sa bahay ka nalang tumira, matutuwa ang pinsan mo."