entry 2

49 0 0
                                    

Tinitingnan ko yung sarili ko sa salamin na suot yung uniform ng Bradford Academy. Ngayon ang first day ko sa school nayon, kinakabahan na ako pero kaylangan kong gawin 'to. I need to prove that i can do it. Huminga ako ng malalim at lumabas na ng kwarto. I wear my shoes at lumabas na ako ng bahay. Binitbit ko muna yung bike ko sa labas at nilock ang gate.

Nagsimula na akong magpedal. Kinakabahan talaga ako sa pagpasok ko sa Bradford Academy.Karaniwan sa mga nag-aaral dun ay anak ng mga kilalang negosyante sa pilipinas at sabi din nila na madaming mga bully at social climber, kaya hindi ko talaga alam kung bakit pinagpipilitan ni mama na dun ako mag-aral bukod sa kadahilanang gusto niya kaming magkita ni Mais, ang aking dating First Love as in dati.

Nang makarating na ako sa school ay nag-dadalawang isip ako kung papasok ba ako hindi. Bumaba na ako sa bike at binitbit ito papasok kaya lang 1/4 palang ng gate ay parang umaatras na ang mga paa. Kukunti nalang ang mga tao at nag-iisip parin ako kung papasok ba ako hindi, hay naku mama, nakakainis ka.

"Ms. papasok ka ba, isasara ko na 'tong gate at parang nagsimula na yata ang klase" nagising ang diwa ko ng nagsalita ang guard at wala na akong ginawa kundi pumasok sa impyernong 'to.

 Nang mapark ko na ang bike ko ay hinanap ko ang building na nakasulat sa papel na ibinigay ni Tito. Grabe ang laki ng school, mahigit 10 minutes ko nading hinahanap yung building nang sa wakas ay makita ko narin. Umakyat na ako sa 3rd Floor at hinanap ang classroom ko.

Nasa sa loob na ang teacher at nagsasalita nang kumatok ako sa nakasarang  pintuan. "Excuse me po Maam, I'm sorry i'm late." pabebe kong sabi sa teacher.

"You are the new transferee, right?" mahinahong tanong niya.

"Yes Maam."

"You are Ms. Alana Santos, go inside." pumasok na ako sa loob ng room at lahat ng mata ay nakatingin sa akin, nakakpressure.

"You may take your seat beside Mr. Aiken." at tinuro niya ang isang lalakeng nakaupo sa second to the last na upuan na pamilyar ang mukha sa akin. Tama, siya yung tumulong sa akin sa mall kahapon. Si singkamas.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Ngumiti siya sa akin at nginitian ko din siya. Naalala niya pa kaya ako.

"Hi I'm Zay, diba ikaw yung napahiga kahapon sa mall.?" naalala niya pa ako.

"Uhm, oo ako nga yun,I'm Alana but you can call me "A", salamat nga pala ulit." he smiled. ang cute naman ng lalaking 'to smiley face.

Nagpali-linga ako sa loob ng classroom at napansin ko ang limang upuan na bakante sa pinaka na pinaka likod.

"Bakit nga pala bakante yung upuan sa likod?" mahinang tanong ko kay Zay, dahil nagsisimula ng magturo ang teacher.

"That sit is for the son's of Big Five." bulong niya sa akin.

"Big Five, ano yun?" tanong ko ulit.

"Ang pinakamayamang negosyante sa buong pilipinas."

"Nasaan sila? Bakit wala sila diyan?." tanong ko nanaman pero nagkibit balikat lang si Zay.

Tumahimik narin ako at nakinig, baka kasi makulitan sa akin si Zay.

----------

*break time*

"Gusto mong sumabay.?" nakangiting tanong sa akin ni Zay.

Sasagot palang sana ako ng may lumapit na babae sa amin at inangklo ang kamay niya kay Zay. Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo at tumingin ulit kay Zay.

Living with 5 boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon