Trace Clifford's POV
Naglalakad ako sa loob ng subdivision pauwi ng bahay, pumunta kasi kami sa Windows Club para magenjoy at magpalipas oras. Wala akong kotse, kinuha ni Dad.
Buo ang pamilya ko. May nanay, may tatay, may kapatid kaya lang patay na siya. Namatay siya sa isang sunog. Hindi ko siya nailigtas, kaya siguro malaki ang galit ni Dad at Mom sa akin. Paano kaya kung ako yung namatay, magagalit kaya siya kay kuya. Siguro hindi, kasi hindi naman ako malaking kawalan hindi katulad ni Kuya.
Nang makarating na ako sa bahay ay nakita ko yung mga gamit ko sa labas nakalagay sa malaking malita. Anong nangyayari. Nagdoorbell ako at agad namang lumabas ang isang matandang babae.
"Sino po kayo?. Bakit nandito sa labas ang mga gamit ko.?"
"Ako yung bagong may-ari ng bahay at ang sabi ng nagbenta nito nagmigrate na daw sa U.K. yung may-ari, at yung mga natirang gamit ay pinalabas nalang namin." anong pinagsasabi ng matandang 'to.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo." seryosong sabi ko sa matandang babae.
"Hindi din ako nakikipagbiruan sayo." pumasok na yung matanda sa loob at ako hindi ko parin alam kung pano magsisink-in lahat ng 'to sa utak ko.
Iniwan ako ng sariling magulang ko. Hindi man lang nagpaalam. Kahit sinong tao, hindi rin 'to maiintindihan.
*ring*
Kinuha ko yung phone sa bulsa ko at sinagot.
"Hello Trace, kita tayo sa playground, now na." hindi lang ako nagsalita at ibinaba ko na yung phone.
Pumunta ako sa playground na parang nanlulumo. Nang makarating ako ay nandun na silang apat.
"Tara punta na tayo sa inyo." sabi ni Kiel sa akin ng makita niya ako.
"Iniwan na nila ako. Nagmigrate na sila sa U.K.. Hindi man lang sila nagpaalam. Umuwi ako kanina sa bahay at yung mga gamit ko nasa labas na at yung bahay ibinenta na pala nila." bigla nalang tumulo yung mga luha ko at niyakap ako ni Kiel.
Sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko, kasi sila, hindi nila ako iniiwan at lagi silang nandiyan para sa akin.
"Call Shane, she might help us." sabi ko kay Kiel.
Si Shane ang bestfriend ko at ang babaeng pinakamamahal ko.
Sinunod ni Kiel ang sinabi ko at mga 20 minutes ay dumating nadin siya.
"Oh, bakit dala niyo yung mga gamit niyo.?" tanong ni Shane sa amin.
Hindi ko siya tinitingnan nakayuko lang ako. Nagtatampo kasi siya sa akin ngayon.
"Pinalayas kami." masiglang sagot ni S. Nagtawanan silang apat pero nakayuko lang ako.
"Oh, pinalayas kayo. Ang saya naman." sabi ni Shane at nagfake laugh.
"We need your help. Kulang yung pera namin para maghotel, nagbar kasi kami nung nakaraang araw, hindi naman kasi namin alam na mangyayari 'to. kaya....tara na sa bahay niyo." sabi ni Kiel at inakbayan si Shane. Sino ang nagsabi sa lalaking 'to na pwede niyang akbayan si Shane.
"Tumigil ka nga Kiel, hindi pwede sa bahay. Nandun yung parents ko, baka pwede kayo sa pinsan ko kaya lang kakausapin ko muna siya." at tinanggal ni Shane ang pagkakaakbay ni Kiel. Good.
Inilagay namin yung mga bagahe namin sa car kaya lang di kami kasya at meron pang natirang bagahe sa labas kaya yung ibang bagahe at si Kiel ay iniwan muna namin. Kinuha ko yung susi at buti nalang ibinigay sa akin ni Shane. Ang pangit kasi tingnan na kamin ang pinagmamaneho niya.