Chapter 2: First Move

120 3 2
                                    

Part 2

[At School]

"Haaaaay." =_______=

"Oh, grabe ka naman makabuntong-hininga. Anong problema mo?"

Napatingin ako sa bestfriend kong si Gina.

"Eh kasi.. nakuuu. Hindi ko na alam ang gagawin ko!" napakamot ako sa ulo ko.

"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na."

"Kasi.."

So ayun, kwinento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Pati yung tungkol sa usapan namin ni Nica.

Biglang natawa naman si Gina.

"Ahahaha! Baliw ka talaga, Jane!" sabi niya habang tumatawa

Aba, tinawanan din ako nito?! Kahapon si Nica, ngayon si Gina. Mga baliw, tawa ng tawa =,=

"HOY hindi ako baliw! Ikaw nga 'tong baliw eh"

"Halaaaa!! Nabasa mo yung isipan ko? Physic Reader ka ba?"

"Tangeks. Ang lakas mo kaya makabulong. Kinakausap mo ata sarili mo eh."

Ohh di nga?

"Anyway, ano ba naman yang pinasukan mo, Jane? Saan ka makakahanap ng bf sa loob ng 100 days. Ayy minus one na kasi counted na yung date ngayon."

Napayuko ako. In 99 days?! Syeeettt!!

"Ginaaa! Baka may kilala ka naman diyan na pwede kong maging boyfriend! Kahit after lang ng usapan namin ni Nica, tapos magbreak din kami." Sabi ko

"Huuy baliw. Ayaw ko nga! Maghanap ka! Tska, ano kaya yun? Break agad. Seryosohin mo naman."

"Eehh. Magprepretend na lang kami."

Binatukan ako ni Gina.

"Aray!"

"Gagita! As if naman kaya mong utuin yung pinsan mong brutal. Baka malaman niya pa. Parang di mo naman kilala yung sarili mong pinsan."

Napaisip ako. May punto si Gina. Pilyang babae pa naman yun si Nica, delikado. Kelangan ko nga talaga ng totoong boyfriend. Pero sino naman kaya? Sa maigsing palugit, makakahanap kaya ako?

"Teka, diba may mga nanliligaw naman sayo? Bakit hindi mo na lang sila sagutin?" Suggestion ni Gina

"A-ANOO?! Ayoko nga."

Kilala ni Gina kung sino yung mga nanliligaw sa akin.

Sila Jet, Rovin at Alex. Silang 3 lang naman ang nagtangkang manligaw sa akin.

Si Jet, jusko ano bang masasabi ko sa isang 'to? Lalaking tamad magpapapasok sa klase. Palaging nag-cucutting. Walang patutunguhan ang isang 'to. Kaya... EEENNNNGGGGGGKKKKKKKK~

FAILED!

Si Rovin naman, hmm. Wala naman problema sa grades. Infairness matalino ang isang 'to. Pero malaki ang problema pagdating sa mukha. Ang mean ko! Pero totoo naman kasi, mukha siyang cro-magnon. Yung mga sinaunang tao! Eto na yung tinatawag nilang FACIAL DISCRIMINATION. HAHAHA

Sorry Rovin pero NO ako sayo!

Punta naman tayo kay Alex, sa face okay naman. Sa grades, sakto lang din. Pero ang problema! Eto na naman tayo sa problema. >.<

Babaero naman! Ayaw ko naman magboyfriend na lolokohin lang ako no! Gusto ko, ako lang!

Haaay. Wala talagang perfect. Lahat sila may problema. Pano na kaya 'to?!

Jane's GoalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon