Chapter 3: First Time

85 3 0
  • Dedicated kay my cousin J
                                    

Part 3

[2 weeks later]

[at SM Manila, Saturday, 6PM]

Omgsh. THIS IS IT!!! Eto na ang pinakahihintay kooo! Ang first EVER 'official date' naming ni Fafa Marc! Ahihihihi :"""> Kilig Much! Siguro nagtataka kayo kung bakit ang bilis namin no? Well, ako pa syempre. He can't resist my beauty *i-wagayway ang buhok*

I'm on the way to meet him at 4th Floor. Dun daw sa may tapat ng Cinema! Yeees! Manunuod kami ng sine. At siya ang nagyaya sa akin.

Kinikilig pa rin ako tuwing naaalala ko kung pano niya ako niyaya noon..

[Flashback, Friday]

Nasa school ako nun, wala pa kaming class noon ni Gina. We decided to go at the Cafeteria and spend there our lunch break.

Ang daming tao ngayon sa Cafeteria, especially tanghali. Sabay sabay ang kainan ng mga tao.

Since madaming tao, naghanap kami ng mauupuan.

"Anong gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Gina

Tumingin ako sa paligid. Maraming food store, maraming pagpipilian. Hindi ko alam kung anong kakainin ko. Ang daming choices eh! Let see.. may pizza, tacos, fries, shake, at meron din kanin na may iba't ibang ulam.

"Oy Jane!" nagulat ako sa boses ni Gina

"Ow bakit? Nakakagulat ka naman!" sabi ko

"Ano ba kasing kakainin mo? Tinanong kita kanina hindi ka naman sumasagot."

"Eh iniisip ko pa eeehhh.."

Tinapik niya lang ako sa may shoulder ko.

"Okay. Mauna na ako bumili. Madaming tao." Paalam niya.

Tumango ako at naiwan na akong magisa.

Napansin ko yung grupo malapit sa pwesto ng kinauupunan ko.

They were laughing out loud na para bang solo nila 'tong lugar.

They're also eating some fried rice. Hmm, yummy. Yun na lang ang bibilhin ko.

Saktong nakabalik na si Gina. Nilapag na niya yung dala-dala niyang pagkain.

Nagpaalam ako na bibili lang ako saglit.

Pumunta ko dun sa bilihan ng Fried Rice.

@Verni's Food, that's the name of the store.

Hindi naman kahabaan ang pila kung 3 tao ang nasa unahan mo pero para sa akin mahaba na 'to. I'm really not good at waiting. Pero konting tiis, para sa special fried rice na 'to!

Hmm.. the smell~ Ang bango naman! Lalo na akong natatakam. Napapikit ako! Naiimagine ko na nilalantakan ko na yung fried rice koo!

After 10 mins.. YES! Ako na ang mag-oorder! Sa wakas din! :D

"Ano po order niyo?" tanong sa akin nung babaeng tindera

"I want to order one Beef Fried Rice and one strawberry shake.."

"Make that two.." sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki.

I turned around to look who said that.. and it was Marc!

Wow!! He is handsomely charming with matching sparkling pa sa backround. (This is only my imagination, ganito talaga pag malandi. Matindi ang imagination!)

He looks cool in his blue spongebob shirt. Wow, favorite cartoon character ko din yun ehh. :D

"Ohh.. wag ka naman ganyang tumingin at baka matunaw ako." Sabi niya habang nakangiti.

Jane's GoalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon