Hindi ko alam ang gagawin, na guguluhan ako.
Dapat ko bang komprontahin si Nica? Aawayin ko kaya siya? Sampalin ko kaya siya ng maraming beses ? O bigyan ko ng uppercut si Marc dahil ang landi landi niya sa pinsan ko!!
Tssss. Busett!! Badtrip naman!! >_____<
Ehh kasi naman eh, sino ba ang hindi maapektuhan kapag ganon eksena ang naabutan mo? Okay lang sana eh kaso hindi pala okay sa akin. GRRRRR!!
hindi ko talaga 'to ma-take!! Hindi ako makatulog. Anong oras na kaya?
Tinignan ko yung orasan sa cp ko. 1:46AM
Syettta!! Madaling araw na pero hindi pa din ako makatulog. Maaga pa naman pasok ko.
Tinignan ko yung katabi ko. Si Nica ang himbing ng tulog. Mukhang payapa at parang walang prinoproblema.
Takpan ko na kaya ng unan ang mukha para hindi makahinga? Sige na, sige na. Ako na ang malademonyong pagiisip. >:)))))))
Eh kasi naman naiinis talaga ako. Hindi ko akalain may mangyayaring hindi maganda. At isa pa maapektuhan sa relasyon namin ni Marc.
Teka nga? Wala pa nga kaming relasyon ni Marc eh. Nagsisimula pa lang kami tapos masisira na agad. AGAD AGAD?
Hindi ako paapayag.
Kung kinakailangan kong gawin ang isang bagay gagawin ko. Aba, desperado na din ako no! Dumating na ang taong mahal ko kaya hindi ako papatalo. Sabi nga nila 'fight for your love'
Eh pano kung di ka naman niya gusto? tanong ng boses sa isip ko.
Hmp. Gusto niya ako no! Liligawan niya ba ako kung hindi.
Kaso mukhang mahal niya pa sa Nica.
Hindi no!! Mali lang ako ng pagkadinig dun. May tuga ang tenga ko!!
Muling tinignan ko si Nica na natutulog.
"Hindi ako papatalo sayo, my dear cousin."
Next day.
Magkasabay kami kumain ni Nica. Hindi ako nagsasalita.
"Ate, kayo na ba ni Marc?" tanong niya
Aba bakit niya tinatanong? Siguro gusto niya talagang sirain kaming dalawa.
"Oo bakit!!" agad na sagot ko.
Ngumiti naman siya bigla. Mukhang masaya siya pero teka, baka fake smile niya 'to Kunyaring masaya at suportado siya sa akin kaso titirahin naman niya patalikod.
Teka nga?! Bakit ko nga ba pinagiisipan ng masama itong pinsan ko. Wala pa naman siyang ginagawang masama sa akin. Siguro, misunderstanding din yung nangyari kagabi.
After nun, sabay na din kaming umalis papasok ng school. Naisip kong, kakalimutan ko na lang ang lahat ng hindi maganda sa isipan ko.
After class, paglabas ko sa room ng last subject ko nakita ko si Marc, naghihintay sa akin.
Natuwa ako kasi sinusundo na niya ako, "Marc! Kanina ka pa naghihintay sa akin?"
"Ah hindi naman, kararating ko lang din." tinulungan niya ako sa pagdala ng mga libro ko.
"Ah ganun ba, so uuwi na ba tayo agad?"
Huminto siya sa paglakad at humarap sa akin.
"Tara, punta tayo sa mall."
Awwyeeaa!! It's a date!! He's asking me again to go out with him? Wala ng sasaya sa araw ko!! HAHA. I love my life!
"Okay! Sure."
umalis na kami at pumuntang mall. Pagdating doon, dahil gutom na kami pumunta kaming Mcdo.
Napansin ko habang kasama ko siya, hawak niya madalas yung cellphone niya. Hindi naman siya ganyan dati. Pero bakit ngayon? May katext siya siguro?
"Ako na pipila, anong gusto mo?" tanong niya
"Gusto ko ng Mcfloat lychee flavor, tapos Large fries."
"Sige, my princess. Masusunod." ;) after nun umalis na siya at nag order sa may counter.
Ayiie. Ayan na naman siya!! Haha.
Siguro misunderstanding ko lang yung narinig kong usapan nila ni Nica kagabi.
I felt relieved.
Pagbalik nya, ang dami nyang inorder? Fries at Mcfloat lang naman ang inorder ko pero bakit may cheeseburger at 2 large fries pa? Meron pang rice. Si Marc kakain nito? Di ko akalain matakaw siya. Haha xD
"Kakainin mo ang lahat na 'to?" tanong ko
"Nope.." sabi naman nya
"Ehh sino? Hindi ko din kayang ubusin yan."
"Hello guys!" narinig kong may isang boses ang tumawag sa amin.
Paglingon ko, nakita ko si Nica!! What the hell is she doing here? This was supposed to be a DATE with my papa Marc! Bakit andito siya?!
"T-teka?! Anong ginagawa mo dito Nica?"
"Syempre, kakain ako dito. Marc invited me." She said then she brightly smile.
Whuuut?!! Inimbitahan siya ni Marc, without letting me know?
Tumingin ako kay Marc at nakita kong nakangiti rin si Marc.
YUNG TOTOO?!! PINAGLOLOKO BA NILA AKO??
I'm starting to pissed off.
Hindi na lang ako umimik.
Yung seating arrangement naming is ganito.
Marc-Nica
-Me- *loner*
Yes, I'm all alone. Silang dalawa ang magkatabi.
"Do you remember Ma'am Lopez?" tanong ni Marc kay Nics.
YES. SUPER OP AKO DITO!! REUNITED MEETING BA 'TO NG MAG-EX? BWIS*T. >:((
"Of course!! Siya ang tumutulong sa ating magkaayos kapag nagaaway tayo. Bwahaha!!" sagot naman ni Nica.
"Ay, Jane? Okay ka lang ba?" Marc asked me.
FINALLY!! Napansin din nila existence ko.
Sasagot na sana ako ng maunang magsalita si Danica, "Of course, Ate Jane is fine. Right ate Jane?" she said to me with a smile.
FAKE! BACKSTABBER!!
"Naman. Don't worry. I will not be bothered by you, Couz." Idiniin ko yung pagkabigkas ng 'COUZ'
Simula sa araw na 'to, ituturing na kitang rival Danica.
BINABASA MO ANG
Jane's Goal
RomanceJane Cabrera loves only two things in life: Eating and Sleeping. So when her cousin Danica challenge her to find a boyfriend for 100 days, convincing her to be a difficult task. She still accepted it. One day, she met Marc. The man of her dreams. Sh...