CASSANDRA JANE
Hays kainis naman e, bakit kasi sakin pinadala itong sulat na ito.
Pupuntahan kopa si Raze. Pa'no na 'to?
'Tay kasi eh,Napatigil ako sa paglalakad ng may mabunggo akong isang matigas na pader.
'Tangina dami dami ko na ngang iniisip mababangga pa ako dito, k/ngina naman oh!
Mangiyakngiyak kong hinimas ang akin noo. Ang sakit talaga huhu.
Napatigil ako sa paghihimas ng aking noo ng may narinig akong tumatawa sa aking likuran.
Agad ko'ng tinignan ng masama ang t*ngang tumawa habang ako ay nauntog sa matigas na pader.
Agad na nanliit ang mata ko ng makilala ko kung sino ito. Si Raze!
"BWAHAHAHAHAHA" humagalpak ito ng tawa habang nakahawak na kaniyang tiyan.
"Gusto mo bang malibing ng buhay Raze" naiinis na saad ko habang nakataas ang isang kilay.
Humagalpak ulit ito ng tawa at hindi inintindi ang sinabi ko.
Hmmp! makaalis na nga, bahala siya riyan tumawa ng mag-isa.
Habang naglalakad ako ay nakabusangot ang mukha ko. Ng biglang may pumulupot na braso sa aking tiyan.
"Sorry na" naka labi nitong sabi saakin."Ang cute mo kasi kanina eh" dagdag pa nito.
"Anong cute roon e nauntog na nga ako sa pader" naiinis ko pa ring sabi, hindi iniintindi ang kilig na ramdaman ng yakapin niya ako.
"Bumitiw ka nga, may pupuntahan pa ako" sabi ko rito habang binabaklas ang kamay niya sa akin.
"Saan kaba pupunta? pasama naman ako" sabi nito na parang nagtatampo.
"May ipinapadalang sulat si itay sa kaniyang mga kaibigan sa baba ng bundok" saad ko, "Bawal ka roon, baka magalit ang kaibigan ni itay pag nakakita ng pulis doon" mahaba kong lintaya sa kaniya
"Susubaybayan nalang kita, baka kung anong gawin saiyo ng mga iyon" saad niya.
"Sige, basta huwag kang magpapakita kahit kanino, baka ako sisihin mo pag nabugbog ka" babala ko sa kaniya.
"Oo na, mauna ka" sabi niya
Ng makarating sa ibaba ng bundok ay kaagad kong hinanap ang kaibigan ni Itay. Ng makita ko ito ay agad ko itong tinawag.
"Tiyo Filipe!" sigaw ko upang marining ako.
"Oh Jane naparito ka sa ibaba" sabi niya.
"Ah Tiyo, may ipinapabigay po na sulat si Itay" agad kong saad, at ibinigay ko na ang sulat."Ganon ba, sige salamat iha" pasasalamat niya, "Walang anumaman po Tiyo. Mauna na po ako" sabay alis ko.
"Mag-iingat ka iha!" dinig ko pa na sigaw niya.
Hindi pa ako nakakalayo sa agad akong nakarinig ng putukan ng baril.
Agad na na alarma ang mga tao. Napuno ng takot ang mga tao, ang mga bata ay nag iiyakan na.Naging alerto ako at agad na nag tago sa isang malaking puno.
May nakita akong batalyon ng mga sundalo, at mga pulis.
'T*ngina! mura ko sa aking isip, Sino naman kaya ang mapangahas na nagsumbong sa mga alagad ng gobyerno.
Nagulat ako sa lumapit sa akin na tao, kasamahan namin ito.
"Jane, magtago ka!" sigaw niya saakin, habang nakikipag palitan ng putok ng baril sa mga sundalo.
Agad akong tumakbo ng mabilis. Kailangan kong makaligtas, hindi ko pa keri makita si lord!
Hinanap ng aking mata si Raze, ngunit wala akong makita kahit saan, ang tangi ko lamang nakikita ay ang mga taong hindi magkaintindihan sa paghahanap ng mapagtataguan.
Habang ako ay tumatakbo, may isang binatilyo ang papalapit saakin. May dala itong baril!
Ngunit napako ang paa ko sa lupa ng may bumaril dito. Tumalsik ang dugo niya saakin. Napaupo ako sa lupa, hindi makapaniwala sa nasaksikahan.
Ngayong lamang ako nakasaksi ng taong nabaril mismong sa harapan ko! Mangiyakngiyak ako habang pinagmamasdan ang kawawa nitong hitsura. Agad hinanap ng aking mata kung sino ang t*ngang bumaril sa kasamahan ko.
Ngunit sa hindi inaasahan. Nakita ko ang isang taong akala ko ay iba. Akala ko ay hindi niya magagawang paslangin ang isa sa aking mga ka grupo.
Bakit? Bakit ikaw pa, sa dami ng pwede, bakit ikaw?!
sigaw ng utak ako habang nakatingin sa walang emosyon ng mukha.Bakit Raze?—
YOU ARE READING
Forbidden Dalliance (ONGOING)
RandomCassandra Jane nakatira sa isang magulong lugar. Puro putukan ng baril sa paligid, maraming ang mga taong tumalikod sa gobyerno. Sanay na siya. Kabilang rin ang pamilya niya sa mga rebelde. Sanay rin siya sa bundok, sanay siyang lumaban para sa kani...