Cassandra Jane
"Jane anak yung paalala namin sayo ng inay mo, isara mo ang pintuan at ikandado mo para wala masamang tao ang makapasok" habilin sa aakin ng aking itay.
"Itay keri ko na ito, kung sino man ang mapangahas na papasok sa ating bahay ay makakatikim ng malupit kong pamalo!" Saad ko naman sa aking itay habang natatawa pa.
"Nako ikaw talagang bata ka, kung ano ano ang nalalaman mo. Manang mana ka sa iyong Inay", Nakangiting sambit ni itay, habang nakatingin sa Inay.
"Syempre naman Itay, maganda ang inay e, maganda din dapat ako" natatawang saad ko naman
"Kayo talagang mag ama, oo, sya Rogelio tayo na at baka tayo ay abutin na ng init" saad ni inay. "Oh Jane ha, sundin mo ang pinapagawa namin sa iyo, mag iingat ka rito sa bahay" dugtong pa niya habang kinukuha ang gamit.
"Inay ako na ang bahala. Kayo po ang mag iingat, lalo na sa ibaba ng bundok ay sobrang magulo. Ingat kayo Inay at Itay" paalam ko at kumaway na sa kanila .
Hays ano naman kaya ang gagawin ko rito? Maglilinis nalang muna siguro ako. konti lang naman ang lilinisan ko itong labas lang ng bahay.
Kinuha ko ang walis at nag umpisa ng mag walis ng bakuran. Habang nagwawalis ang may tumawag sa aking pangalan.
"Ate Jane! magandang umaga!" sigaw na bungad ni Felix, isa sa kaibigan ko rito.
"Magandang umaga rin Felix, Ang aga mo naman atang napasyal rito?" saad ko."Ah ano kasi, may ipinapadala kasi si tatay na ulam, hehe" aniya habang iniabot ang plastic ng ulam na kaniyang daladala.
"Ganoon ba? Halika pasok ka muna sa bahay at ng makapagkape ka" aniya ko sa kaniya habang dinadala ang plastic ng ulam sa loob ng bahay.
Ng makapasok sa loob ng bahay ay umupo na siya sa may sofa. Feel at home ang ferson, joke. Sanay na kasi sya , halos nung bata yang si Felix ay dito sa saamin yan tumira kaya ayos lang kahit dito iyan matulog.
"Ate Jane, asan nga pala sina itay at inay?" tanong niya habang nakaupo sa sofa at may kinakalikot.
"Nasa bayan, may pinuntahan sila roon. Maya maya pa ata ang rating nila" aniya ko, "Buti na lang at ikaw ang dumating Felix may kasama nako" dagdag ko at ibinaba ko ang tinimpla kong kape sa lamesa naming maliit. Dalawa iyon, syempre akin ang isa. Coffee is life tayo e ahaha.
"Ate, tara mag training sa tuktok ng bundok mamaya" aniya habang nakatingin sa mga sandata namin na nasa bungad lamang.
"Ano kaba Felix, kita mo namang sobrang init sa labas tapos mag tetrainning ka?" aniya ko habang nakakunit ang noo.
Napa labi naman ito sa sinabi ko.
"Oo nga no? sabi ko nga dito nalang tayo sa loob ng bahay nyo, kwentuhan nalang tayo ate hehe" magiliw sa sabi niya.
"Naku ikaw talaga Felix, sya diba sinabi mo saakin nung isang araw na may nililigawan ka?" tanong ko ng maalala ulit iyon nang may ma topic naman kami.
"Ah oo ate, si Jillian" nakangiting sabi niya.
Ay wala na na fall na nga si anteh.
"Kamusta naman?" tanong ko. "Alam mo ba kaming mga babae ayaw namin sa lalaking pabaklabakla ang kilos, kaya ikaw maging macho ka totoy, para naman magustuhan ka non" dugtong kopa.
"Okay lang naman ate. Bakit ate macho naman ako ah? oh tamo kita mo ba to ate? macho oh!" aniya nya habang ipinapakita ang mapayat nila muscle kuno. Natawa ako ng malakas dahil roon.
"BWAHAHAHA. Gag0 LT, anong macho dyan eh buto buto ka nga" sabi ko habang tawang tawa na nakatingin sa kaniya.
Tumigil ako sa pagtawa ng makita ko ang mukha nya. Seryoso na ito.
Nagsalita akong muli, "Alam mo Felix kumain ka ng marami at mag vitamins ka para naman mag ka laman ka. At doon ka mag exercise". seryoso kong saad.
"Ate alam mo bang ang dami dami ko ng kumain? tanong mo pa kay nanay!" sabi nya with matching serious voice, naks naka english oh
"Ayan ganyan nga totoy magpalaki ka ng lubos, ibinibigay ko saiyo ang aking mahiwagang salita. MAG KAKA MUSCLE KANA!" naka ngiti kong sabi sa kanya
Lalo namang sumimangot ang mukha nito.
"Ate naman e, pag ako talaga nag ka muscle hihiliin kita ng muscle ko" pagmamayabang niya, na para bang meron na siya nito.
"Sige nga pag ikaw hindi nagkamuscle tatawanan kita totoy" aniya ko sabay tawa
"Ate yung kape ko, iinomin ko muna ah? lalamig na kasi e sayang.Inumin mo na rin saiyo ate"sabi niya "Ate wala ba kayong tinapay isasawsaw ko lang sa kape ko, hehe" saad nito sabay kamot ng batok
"Ay oonga yung kape. Inumin mo muna ang kalahati, kukuha lang ako ng tinapay sandali lamang" aniya ko at tumayo at pumunta sa kusina.
Habang nilalagay ko ang tinapay sa lalagyanan ay may narinig akong sigaw ng lalaki sa di kalayuan ng aming bahay
Ano nanaman kaya to, sana huwag maulit.
Kinuha ko na ang tinapay atbumalik sa may sofa. Agad kong nakita si Felix. Halata sa kaniyang mukha ang pagtataka kung saan nanggaling ang sigaw.
"Ate alam mo ba kung saan galing ang sigaw na iyon?" tanong kaagad ni Felix ng makaupo ako sa sofa.
Nag kibitbalikat ako. "Hindi ko alam e, huwag nalang nating indtindihin iyon. Kumain kana riyan ng tinapay " sabi ko sabay kagat ng tinapay.
"Ate Jane, alam mo ba narinig ko kina tatay kanina, may mag iikot raw na mga pulis at sundalo" aniya habang nginunguya ang tinapay.
Napakunot ang noo ko at mabilis na napatingin sa gawi niya. Potek naman hate na hate ko nga ang mga nag lilingkod sa gobyerno tapos may mag iikot pa rito na mga pulis at sundalo. Nakakawalang gana naman oh.
"Totoo ba iyan Felix?" tinanong ko ito.
"Oo ate kanina lang habang papunta ako rito" agad naman niyang sagot."Ate Jane, mauna na ako ha. Baka kasi hinahanap ako ni nanay, alam mo naman yung ayaw mawawala ang pogi niyang anak" paalam niya at bumungisngis sa huli.
"Sige, mag iingat ka sa daraan mo Felix, gayong sabi mo saakin ay may mag iikot na mga sundalo rito, maging alerto ka" paalala ko sa kaniya
Narinig ko ang pagsara ng pintuan.
Habang naglilinis ako ng pinag-inoman ng kape ay hindi ko mapigilan ang pag iisip ng matindi.
Bakit nanaman kasi sila mag iikot? wala namang nagaganap rito na kung ano man.
Saad ko sa isip ko.Sa gitna ng aking pag iisip ay may sigaw na nagpagulat sa aakin. Sigaw ng isang lalaki.
-Author's Note
Sorry sa maling pag gamit ng mga salita.
YOU ARE READING
Forbidden Dalliance (ONGOING)
RandomCassandra Jane nakatira sa isang magulong lugar. Puro putukan ng baril sa paligid, maraming ang mga taong tumalikod sa gobyerno. Sanay na siya. Kabilang rin ang pamilya niya sa mga rebelde. Sanay rin siya sa bundok, sanay siyang lumaban para sa kani...