Chapter 5

7 1 0
                                    

"Sandra, mahal ko. Mahal na mahal kita tandaan mo iyan"

"Mahal rin kita Raze"

Napabaligwas ako ng bangon at luminga sa paligid.
Una kong nakita si inay at itay, nakita ko naman si Felix na nasa bangkuan.

"Inay, ano po ang nangyari?" Tanong ko kay inay.

"Nag collapsed ka kanina ate Jane, buti na nga lang at nasalo kita. Kung hindi ay baka mabagok pa ang ulo mo" si Felix ang sumagot.

"Anak mabuti na lamang at gising kana, kamusta ang pakiramdam mo anak?" tanong ni Inay saakin ng may pag aalala.

"Maayos na po ako Inay, asan po yung bata?" tanong ko pabalik.

"Ah yung bata, naandon siya sa sofa natin, pinapakain ko. Mukha kasing gutom" sagot naman ni Itay.

"Sino ba ang bata na iyon Jane? Saan mo iyon nakita?" agaran na tanong ng Inay.

"Nakita kopo iyan na nakamasid saakin sa may talon" sagot ko naman.

"Ah ganoon ba anak, sya kumain ka muna at ilang oras ka rin nawalan ng malay anak" aniya ni Inay.

"Felix, samahan mo na ang ate Jane mo. Mag uusap lamang kami ng Inay ninyo"  Sabad naman ni itay.

"Ate Jane, tara na nagugutom nako e, ikaw kasi nahimatay-himatay kapa e, edi sana nakakain ako" parang inis na aniya saakin ni Felix

'Aba itong batang to, hindi ko naman siya pinapabantay saakin, nagrereklamo pa.

"May sinabi ba akong bantayan moko ha?!" Inis na bulyaw ko rito.

"Hindi, hehe sorry na" mangiti ngiti naman nitong saad.

"Sorry not sorry" sabay irap ko rito.
"Tayo na nga at baka mag wala na yang bulate mo sa tiyan, sisihin mo pa ako" Aniya ko rito.

'Nang maka bangon ay dinaluhan ako ni Felix sa paglakad.

"Ayos na ako Felix, salamat nalang" aniya ko rito.

"Hindi ate, ang magandang katulad mo ay dapat inaalalayan ng poging katulad ko" mayabang nitong saad.

'Juice colored naman tong bata nato oo. Hinayaan ko nalang ito sa pagiging mahangin nito at lumabas na sa silid.

"Chlyn!" magiliw kong sigaw sa bata ng makita ko siya sa may sofa, kumakain.

'Agad itong tumayo at ngumiti, malinis na ito at nakapagpalit na ng damit. Malaki ngalang. Niyakap niya ang baywang ko. Natuwa ako rito at niyakap ko rin.

"Ay gagi, ano to, nanonood ba ako ng teleserye sa TV? ano to mag inang nawalay sa isa't isa tas nagkita unexpected?"

"Wag ka ngang epal" ismid ko eito at umirap. "Saka anong pinagsasa-sabi mong mag inang nawalay sa isa't isa ha, diko nga kilala tong bata na to e" dagdag ko pa

"Oo nga naman, teka nga ate Jane, bakit ka nya tinawag na mami sandra?" naguguluhan itong tumingin sakin

"Nako huwag mo ng isipin yun, baka nagkamali lang ang bata" usal ko naman rito habang kumakain ng nakahain na pagkain

"Ay oonga, hoy bata kanino kang anak? bakit ka nandito? baka spy kid ka ha, kunwari yung batang walang muwang pero may nakakabit pala na device sa katawan mo sige ka" mahabang lintaya nito sa bata. Tinignan lang ito ng bata ng inosenteng tingin.

Sinamaan ko ng tingin si Felix "Hoy ikaw Felix, alam mo namang bata yan diba? bakit kung ano ano tinatanong mo dyan ha" sabay dilat ko rito ng mata, napaayos ito ng upo at kumain nalang.

wala pang isang minuto ay nagsalita nanaman itong si Felix, juice colored naman ang daldal talaga nito. "Pero ate magkamukha nga kayo e, siguro anak mo yan ano? So bakit mo tinatago?" papalduhin ko na to mamaya.

"Alam mo Felix hindi pa ako nakakapaldo ng bata eh, ngayon palang ata. Gusto mo bang mapaldo ng halit ha? Hindi na matigil yang bibig mo sa kasasalita e" na nanakit kong sambit dito at iniamba ang aking kamao

Pinalag naman nito ang kamay nya, "Tatahimik na nga po ate, hehe sorry na" parang maamong tuta na aniya nito at bumalik na sa pagkain.

Ng matapos kaming kumain ay nag stay pa kami roon ng matagal. At ang bata ay nakakalong na saakin. Tatanongin ko sana ito ng lumabas na sa kwarto sina itay at inay.

"Kamusta kana anak, nahihilo kaba?" nag aalalang tanong agad ng inay saakin at tinabihan ako sa sofa.

"Maayos na po ako Inay, ano po ang pinag usapan nyo ni itay kanina?" tanong ko habang tinatapik tapik ang bata sa aking kanlungan na tulog na ngayon

"Wala iyon anak huwag mo ng intindihin. Ang intindihin mo ay kung paano mo maiibalik ang batang iyan sa bayan" si itay ang sumagot.

"Huwag kayong mag alala itay ibabalik ko po itong bata na to sa bayan kapag ka sinabi na niya" aniya ko naman "Ihihiga ko lang po ito sa kwarto ko inay 'itay" paalam ko at pumunta na ng kwarto.

'Ng maihiga ko ito sa kama ay tinitigan ko ito. Matangos ang ilong, maputi, maganda ang pilik mata, mamulamula ang ilong at pisnge sarap pisilin. Bakit ba ang cute ng batang ito? Napansin ko rin na may suot itong kuwintas. Shala yayamanin ata si totoy naka gold necklace

'Umakyat sa sistema ko ang pagtataka, kung mayaman man ang batang ito, bakit ito napadpad dito samin? May nagbabalak kaya sakin, kaya nila ginagamit ang bata na to?

Winaksi ko lahat ng iniisip ko at inisip ko nalang na bata lang ito at baka naligaw o nahiwalay sa magulang niya.
Tinabihan ko ang bata at agad naman itong yumakap kaya niyakap ko ito pabalik at nakatulog.

"Anak... anak... andito na kami ng papa mo" nakita ko si mama na nakatayo at nakabukas ang dalawang braso, inaantay akong yakapin siya

"Anak na miss mo ba kami ng mama mo?" si papa

sa tuwa ko ay niyakap ko sila. ang mama at papa ko bumalik na sila

Lumitaw ang isang lalaking pogi matangkad at maputi.

"Sandra, Mahal ko. Andito nako. Kamusta ka mahal ko?" aniya nito

ang boses nya nagpapaalala ito ng dati ko na ring minahal at binigay ang aking birhen na pag aari.

Zedrick.. ang mahal ko.

Niyakap ko ito at umiyak sa bisig niya.

"kamusta ang anak natin?" sa tanong niya na iyon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sasagot sana ako ay nawala na silang tatlo.

Paalam Sandra

Forbidden Dalliance (ONGOING)Where stories live. Discover now