Chapter 2

6 4 0
                                    

CASSANDRA JANE

"AHHHHH" narinig ko na naman ang sigaw ng lalaki.

Ano ba iyan, bakit ba naman dito pag may pag gawi ng sigaw. Aniya ko sa isip ko, hindi ininda ang kaba na nararamdaman

Sa aking kyuryosidad ay sumilip ako sa may bintana, wala akong nakita. Sumigaw ulit ang lalaki at sa palagay ko ay sa harap ng bahay namin nanggaling ang tunog na iyon.

Kung sino may iyong nantitrip na iyon ay malalagot saakin, nakakagulat ang pag sigaw sigaw niya. aniya ko ulit sa aking isipan.

Kunot noo akong pumunta sa may pintuan upang buksan ito at hanapin ang sumisigaw sa labas.

Bago kopa mabuksan ang pinto ay may kumalabog sa may kusina.
Kinabahan ako. Sino naman kaya iyon.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa may kusina, habang daladala ko ang latigo sa aking kamay.

Kung sino man iyon ay makakatikim ng palo mula saakin. Pinapakaba niya ako. At ang lakas ng loob niyang pumasok rito sa aming pamamahay.

Ng ako ay nasa tapat na ng kusina, nakita ko ang aming pusa. Kinakain niya ang ulam namin.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil pusa lamang ito. Akala ko naman ay kung ano na. Magagamit ko na sana ang latigo ko.

Dali dali kong kinuha ang pusa at kinarga.

"Bakit ka naman nanggugulat menggay, muntik na tuloy kitang malatigo" aniya ko sa pusa. Umingaw lamang siya at parang nagtatanong ang mukha.
"Wag muna uulitin yun menggay ha" pag papaalala ko sa kaniya, umingaw lang ulit ito.

Nagpunta ako sa may sofa habang binibitbit si menggay. habang hinahagod ko ang katawan ni menggay ay muntik na akong makatulog. Hays nakakapagod pala pag wala kang ginagawa. aniya ko sa isipan ko.

Habang hinahagod ko ang likod ni menggay ay pa ulit ulit na bumabalik ang sinabi sa aakin ni Felix. Totoo kaya iyon. Bakit nanaman kaya. Pakana nanaman ito ng gobyerno.

Ng pumasok sa utak ko ang gobyerno ay hindi ko mapigilang alalahanin ang mapait na nakaraan. Nawalan ako ng mga magulang dahil sa gobyerno. Sila ang dahilan kung bakit napasama ako sa nag rebelde.

—FLASHBACK—

"Mama, tignan mopo ang ganda ng bulaklak, may nakadapo din po na paro paro" masiglang sambit ko sa aking nanay.

Ngumiti siya saakin, "Oo anak, ang ganda nga. Pero mas maganda ka anak ko" Masayang aniya saakin.
Sinuklian ko iyon ng matamis na ngiti.

"Mama kelan po tayo lilipat sa Manila? Diba sabi mopo aalis tayo" nagtatanong na ani ko.

"Anak, sa makalawa aalis na tayo dito. Tiis lang anak ha, makakauwi din tayo doon" saad ni Mama habang nakangiti.

"Oh sya pumunta na kayo rito'ng mag ina. Kakain na tayo!" wili'ng sambit naman ni Papa.

"Papa, pabuhat daw po si mama, ahaha" natatawang sabi ko kay papa. Tumakbo ako at nagpahagad kay mama na ngayon ay tumatawa.

"Ikaw talagang bata ka, halika rito at kikilitiin kita" agad na sabi ni mama saakin habang hinahagad ako.

'Nakihagad naman si Papa, pero imbes na ako ang hagarin nila ay sila ang nag hagadan.

"Oy ang mag asawa oh naghahagadan" tukso ko sa kanilang dalawa.

'Napatigil sila at napatingin sa isa't isa.
Parehas silang tumango at tumingin saakin. Hahagadin nila ako hala!

Mabilis naman akong tumakbo habang tumatawa. Hinagad nila ako at mabilis nakuha ang braso ko ni papa. Papa talaga e ang bilis tumakbo.

Kiniliti nila akong dalawa hanggang sa mapahiga kami sa damuhan.

"Mama, Papa, tama na po ahahaha" aniya ko at humagikhik
Halos mangiyakngiyak ako ng tigilan nila ako.

"Bumangon kana riyan Sandra kakain na tayo" aniya ni papa habang nakangiti.

Ng makarating ako sa mesa ang agad akong nilagyan ni mama ng kanin sa plato, si papa naman ay nilagyan ako ng paborito kong ulam.

"Papa, mama, salamat dahil dinala ninyo po uli ako rito, sana makapunta ulit tayo dito!" magiliw na aniya ko

"Syempre naman anak pupunta at pupunta tayo rito pag may oras" si papa ang tumugon. "Ngayon kumain muna tayo at baka lumamig ang pagkain" tugon naman ni mama.

'Sa kakagitnaan ng aming pag kain ay may naramdaman akong nakanasid saamin. Naramdaman din iyon ni papa at mama.  Lumapit saakin si papa at mama, may ibinulong sa akin si papa na nagpakunot ng noo ko.

"Anak Sandra, mag pasyal ka muna ha, sa malayo dapat ha" Sambit ni papa habang may nakapaskil na pekeng ngiti sa mukha .

"Papa dipa po ako tapos kumain oh" aniya ko at tinuro ang pagkain ko.

"Anak sundin mo nalang ang papa mo ha, susunod kami mamaya" sabi naman ni mama saakin ng may pekeng ngiti sa mukha.

'Habang naglalakad ako paalis ay hindi ko maalis saaking pandama ang mata na nakatingin saakin. 

Hindi pa ako nakakalayo masyado ay may narinig akong putok, putok ng baril galing sa pinanggalingan ko.

Nanlambot ako bigla ng marinig ko ang sigaw ng aking mama. Bakit? Anong ginagawa nila sa magulang ko?

Nagtatakbo ako paalis sa lugar na iyon ng may makita akong papalapit sa gawi ko. May hawak itong baril! Sh*t katapusan kona ba?

Agad akong nagtago sa may punong malaki. At humikbi ng palihim. Bakit kailangang kami pa? Tahimik lang naman ang buhay namin? Bakit?!
Ang magulang ko. Panigurado akong pin-tay na sila! Bakit kailangang ako ang mawalan ng magulang?!

Habang humikibi ako ay may narinig akong kaluskos sa malapit sa akin. Tumakbo ako paalis roon. Hanggang sa makarinig ako ng putok ng baril. Natamaan ako at nahulog sa damuhan. Nakita ko ang mga pulis at sundalo. Nagtipon sila sa harap ko. Sa pagbagsak ng luha ko ay pagbagsak rin ng talukap ng aking mga mata.

———— "Jane, anak" dinig kong tawag ng kung sino. Pag dilat ng aking mata ay tumambad sa aakin ang nag aalalang mukha ni Inay at ni Itay.

"Inay, Itay dumating na po pala kayo" aniya ko habang inaayos ang upo ko, nakatulog napala ako sa sofa.

"Kumain na po ba kayo? anong oras na" tanong ko at tinignan ang oras.

Alas tres na ng hapon. Ang tagal kong nakatulog.

"Kadadating lang namin anak, kumain kana ba? bakit ka umiiyak anak? naaalala mo nanaman ba ank?" nag aalalang tanong saakin ni inay.

"Hindi kopo maiwasan inay, pilit po na naalala ko" naiiyak kong sabi at yumakap kay Inay.

Agad namang yumakap pabalik si Inay at dumalo naman si itay.

"hush anak makakalimutan mo rin iyan" pag papatahan sa akin ni inay.

"Tara na at kakain na tayo anak" pag aya saamin ni itay.

Ang swerte ko, silang ang nakakita at nag alaga sa akin. Tinuring nila ako na parang tunay na anak.

"Anak tara na kakain na" sigaw ni inay saakin

"Opo inay andyaan napo" magiliw ko na saad

—/—/—/—/—

Forbidden Dalliance (ONGOING)Where stories live. Discover now