Chapter 7

8 0 0
                                    

'Hanggang sa makatapos kumain ay hindi parin natigil ang maingay na si Felix. Tatapon ko na to sa Mars e .

"Alam mo Felix, pag hindi ka tumigil makakatikim ka talaga sakin", pinanlakihan ko sya ng mata, inirapan lang ako.

"Nako ate, tara nalang sa training site natin no' nakaka bored naman kasi dito", maarte nitong aniya, bakla talaga ata to e.

"Felix, yung totoo? bakla kaba?", natatawang saad ko rito. Naknam parang tanga naman to.

"Hindi ate, gusto mo ligawan kita e", nakangisi nitong aniya. Aba itong bata na to.

"Sige totoy, tapos mamaya nilalangaw na bangkay mo malapit sa may ilog", seryoso kong aniya rito.

"Ate naman, apaka seryoso mo naman, parang di nag grade 2 e",  tugon nito.

"Seryoso ako sa buhay totoy, kaya tigil tigilan mo yang kahibangan mo sa buhay, makikita mo talaga, nako" saad ko rito.

"Oo na", nakanguso nitong aniya.

"Para kang pato, itigil mo yan, dika cute",  at humalakhak ng mas lalong humaba ang nguso nito.

"Hay nako, tara na lang sa bundok totoy. Alam ko namang bored kana sa buhay", ngumiti ito at nag ayos ng sarili.

Nag ayos na rin ako. Inayosan ko na rin ng itsura 'tong bata na kanina pa kumakalabit sakin. Ang cute, taba ng pisnge.

Nang naglalakad kami papunta sa traingin area namin ay maraming tao na nagtatakbuhan. Kumunot ang noo ko at tumingin kay Felix, tumingin din ito sakin at nag kibit balikat.

'No nanaman nangyayari dito. Sa pag tataka ko ay nagtanong ako sa isang taong tumatakbo sa direksyon namin.

"Ano po ang nangyari? Bakit ho kayo nagsisitakbuhan?", tanong ko habang naka kunot ang noo.

Halata rito ang takot, pangamba, at pagod. "May mga sundalo na nag iikot, may kasama silang mga police na armado", agaran nitong sagot at biglang tumakbo.

Police. Sundalo. Pinaka ayaw ko sa lahat ng namumuhay.

"Ate tara na, wag na nating bigyan 'yan ng pansin", aniya ni Felix at tinapik ako.

Alam nya nga pala na ayaw ko sa mga pulis at sundalo.

Nag patuloy kami sa paglalakad, nakakunot parin ang noo ko. May kumalabit saakin, yung bata.

Tinignan ko ito, "Mi, pabuhat.", aniya nito, binuhat ko ito.

Umepal nanaman itong si Felix. "Alam mo ate, 'dipa tayo nakakarating sa training site natin",

"Tara na nga paiyak kana e", aniya ko rito at nagsimula ng maglakad.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang ngumiwi dahil sa bigat nitong bata na karga karga ko.

Nasa kalaghatian palang kami ay nangangalay na agad ako. Hays, ganito pala ang pakiramdam ng may responsibilidad sa mundo. Nakakapagod.

"Felix. Nakakapagod. Dalhin mo muna itong bata", aniya ko rito at tumigil sa paglalakad.

"Ang bigat bigat nyan ate eh", habang naka murot ang mukha. Reklamador din pala to.

"Dali na, hala sige wag ka ng sumama sa training site natin", pananakot ko rito.

"Akin na nga yan. Syempre kaya ko yan. Bata lang naman yan e, cute cute nga nitong bata na ito eh", aniya nito at kinuha sa akin ang bata.

Umirap ako ng palihim. Plastik neto, maid in china.

Ng makarating kami sa aming patutunguhan ay walang tigil ang bunganga nitong si Felix.

"Ate Jane, hindi mo naman sinabi na sobrang bigat pala ng batang iyan", reklamo nito.

"Ang payat payat ko na nga tapos pagbubuhatin mo pa ako ng mabigat. Wala kang awa ate!", madrama nitong dagdag.

"Edi sana sinabi mo kay Tulfo, para maaksyunan agad yan diba", sarkastikong aniya ko rito.

"It's so hurtenings you know ba yun ate?!", madrama nitong aniya.

"Hindi ko alam, wala rin akong pake", inirapan ko ito.

"Wag na tayong mag training, pagod ka na ata eh", dagdag ko.

"Oy hindi ah, tignan mo nga oh kayang kaya ko pang buhatin tong si damulag", aniya nito at binuhat ang bata.

"Hoy, wag mong idamay yang bata sa katarantaduhan mo. Malilintikan ka sa akin", at tinignan ko ito ng masama.

Aba tarantado tong bata na to ah, binoombastic side eye lang ba naman ako?!

Hindi ko na ito pinansin at tumakbo nalamang paikot sa aming ginawang munting field.

Sarap talaga sa pakiramdam na makapag exercise.

"Ate Jane! May mga pulis at sundalo! Tara na, yung bata!", sigaw nito na ikinagulat ng buong sistema ko.

Agad kong kinuha ang bata sa upuan at tumakbo.

Eto na naman. Ang pinaka ayaw ko.


A/N: Hellow po. Please vote mwa🥰

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden Dalliance (ONGOING)Where stories live. Discover now