CHAPTER 03

445 15 3
                                    


TAHIMIK lang akong nag hahanda ng mga gagamitin ko mamaya, para after kong maligo ay diretso bihis at kain nalang. Ewan pero hindi ko siya kayang harapin ngayon. Kung gusto niyang kumain, may hinanda naman akong pagkain para sa kaniya.

I was about to go to shower when I suddenly heard a knock. Pumunta ako sa pinto ng kwarto ko kung saan galing ang katok at binuksan ko iyon.

Pagkabukas ko ng pinto ay kaagad na bumungad saakin si Luke "Wala kabang planong pakainin ako?" He asked.

"Ahh, m-may hinanda na akong pagkain sa kusina kung nagugutom ka. Kailangan ko kasing pumasok sa work ngayon"

"I don't want to eat your over cooked fish" he said

Hindi naman kasi ako marunong mag luto eh, saka nakakatakot kaya ma talsikan ng mantikan, masakit.

"S-sorry, hindi kasi ako marunong mag luto" naka yukong sabi ko "ano nalang... Kumain ka nalang sa malapit na restaurant sa work ko"

"I'm too lazy for that" aniya.

Bigla akong nainis sa sinabi niya, kung ayaw niyang kainin yung sunog kong niluto at ayaw niya rin kumain sa restaurant na inireto ko sa kaniya. Edi mamatay siya sa gutom! Bahala siya!

"Kung ayaw mong kumain, suit yourself then" I sasarado ko na sana ang pinto, but he blocked his foot so I couldn't close the door. I looked at him annoyed.

"what's with those looks?" He asked me.

"Inis..." Diritso kong sabi "kasi kung ayaw mong kumain, bahala ka hindi ko na problema yan kaya huwag mo na akong sturbohin kasi nag mamadali ako. Okay?"

He gives me a smirks "Manang said there is someone who will be with me, who will take care of me here. So I don't have to worry, and you are the only one here. I think she's lying. should i fire her?" He said.

Natigilan ako sa sinabi nito. Dapat ba akong ma inis o mag alala? Bakit ba kasi sinabi ni manang sa lalaking 'to na ako ang mag aalaga sa kaniya? What the heck!? Bakit ko naman aalagaan ang isang to? Pero ayaw ko rin naman mawalan ng hanap buhay ang matanda.

"Ayaw lang kitang pilitin, kung ayaw mong kumain. Edi wag! Pero kung gusto mo, mamili kalang. Ulamin mo yung isda sa baba o kumain sa restaurant na sinuggest ko sayo?"

Siguro tatawagan ko nalang si manang about dito. Hindi ko alam kung anong pang sinabi niya kay Luke.

"how can I eat at the restaurant if you don't guide me there? you might have forgotten, I'm new to this place"

Mariin kong kinuyom ang aking kamao "Okay. I will accompany you. Sir" mariin kong sabi sa kaniya
‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍
"NANDITO na tayo" I said, nakita ko pa ang pag silip niya sa lugar bago e park ang sasakyan na minamaneho niya.

"I thought it was a restaurant?" he asked me in surprise.

"Well it's Karinderya, but look..." Itinuro ko ang nakataling tarpulina sa ibabaw ng Karinderya "the name of this Karinderya is RESTAURANT"

he looked at me without emotion "are you kidding me?"

Umiling ako "Luke, I know you are not familiar with these, but give it a try. I promise it's delicious and you'll be full" I said before going inside first.

"Oh! Inday, Bakit wala ka kahapon? Nag luto pa naman ako nung paborito mong dinugo-an" Tanong ni Manang Paula saakin.

Napadalas na akong kumain dito kaya medyo kilala na ako sa mga nag ta-trabaho dito sa kainan na ito. after living alone in this place, little by little I felt that it's nice to get to know, and make friends with, other people who have good intentions towards you. And because of that, I feel like I can smell the fresh freedom in my life.

"Oi teka! Sino yan?" Singit naman ni Rosalie, sabay turo pa kay Luke na ngayoy naka upo sa bakanting upuan gamit ang nguso nito "Boyfriend mo?" Tanong ulit nito.

I shook my head "hindi, dinala ko lang dito kasi walang makain"

She gave me an incredulous look "we? Eh sa porma't itsura palang parang mayaman" aniya.

"I mean, nagugutom na siya pero ayaw niyang kainin yung niluto ko kaya dinala ko siya dito" I answered while opening and looking at the dishes displayed on their table.

"Pero Inday, sa tingin ko mayaman siya. Bakit hindi mo nalang siya dalhin sa mga restaurant?" Tanong naman ni Manang saakin.

Ngumiti ako sa kaniya "Manang, nandito na kami sa sinasabi mong restaurant"

Tumawa ito "ang ibig kong sabihin, doon sa mga mamahaling restaurant kung saan siya nababagay"

"Ate Rose, ito nga saka ito..." Itinuro ko ang dinugo-an saka adobo bago tinignan si Manang Paula "Manang, bakit pa kami pupunta doon kung meron na itong best restaurants mo? Saka bakit pa kami mag hahanap ng mahal kung andito namana ang masarap na at mura pa? Diba Ate Rose?" Tanong ko kay Ate Rose

"Agree!!" Pag sang-ayon naman nito.

Tumawa uli si Manang Paula "oh siya! Rose ipaghanda mo na sila ng order nila, wala ng bayad to kasi binayaran mo na ako ng mga mabulaklakin mong mga salita"

"Naku po! Hindi ako papayag, mag babayad po kami. Pambili niyo po ng gamot 'to"

"Oh siya! Sige, umupo kana doon at hintayin mo yung order nyo" ani ni Manang at binigyan pa ako ng matamis na ngiti.

"Sige po" I said before going to the table where Luke was sitting and waiting.

Nang makarating na ako sa mesa namin ni Luke ay kaagad niya akong tinignan kaya taka ko rin siyang tinignan "what?" Taka kong tanong.

"make sure I get enough of it, if not. I will eat you myself" he said

I couldn't say another word because of what he said, my brain suddenly turned green.
‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍
...

MAFIA BOYS SERIES #2 : LUKE WILLOW Where stories live. Discover now