CHAPTER 14

214 9 3
                                    

"ANONG ginagawa mo dito?" tanong ko nang tuluyan ko na makaharap ang pinakaayaw kong tao. I would also like to ask how he found me pero nang mahagip ko si Ms. Valdez. Parang alam ko na.

"can i come in?" tanong ni Dad.

"Dito na natin taposin lahat. Ano bang kailangan mo?" Tanong ko dito.

"Is that how you treat me now? After all-"

"All what? Bakit pano mo ba kami trinato dati? Hindi naman kita tatratohin ng ganito kung trinato mo kami ng maayos" putol ko sa sasabihin niya.

"okay, let's just..." Huminga siya ng malalim at pilit na nginiti-an ako. "Let's just move on about that"

I smirk "importante siguro yang kailangan mo no? Kasi this is the first time that I see you smiling"

"Lily, I'm here because I need you to come back to where you came. Gusto kong bagohin lahat kung ano man ang mga pagkakamali na nagawa ko sainyo ng mommy mo"

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at nanatiling nakikinig. Hindi naman siguro masamang bigyan ang tao ng isang pagkakataon kung talagang gusto nilang bagohin lahat.

Gusto kong pagbigyan siya, pero natatakot ako na baka ginanito niya rin si Mommy kaya hindi siya nito magawang iwan.

"Sasama ako..." Nakita ko ang pagngisi niya.

"Pero sa isang kondisyon"

Naglaho ang ngiti sa kaniyang labi at nag alinlangang sagutin ako. Pero kalaunan tumango din naman "sure, isa lang naman"

"Wag mo akong pigilan sa mga gusto kong gawin. Just give me freedom and let's just live like we don't see each other"

"Dalawang kondisyon na ang hiningi mo"

"Then bigyan mo nalang ako ng kalayaan. that's all"

"sure"

PAGKATAPOS nang usapan namin, payapa akong sumama sa kanila at nanatiling tahimik. Hindi na ako nagpaalam kina Manang Paula dahil baka pag umalis nanaman ako sa impyernong pupuntahan ko ngayon madamay pa sila, at baka sila pa ang gulohin at kukulitin paghindi ako nagpakita sa kanila ulit.

"Your sister is getting married" pagbasag ni Dad sa katahimikan na namuo sa kotse na sinasakyan namin ngayon.

"Step..." Bulong ko, pero alam kong narinig niya ito "well, good for her" ani ko sabay labas ng masamang hangin.

"And I already asked her na gawin kang maid of honor sa kasal nila"

I looked at him in disbelief "without asking me?"

"Well I want to ask you the day that I called you, pero you hung up the call"

"Pag-iisipan ko nalang" ani ko at piniling manahimik nalang.

NANG makarating na kami ay agad akong pumasok sa kwarto kung saan ang dating kwarto ni Mommy noong nagkasakit siya.

Napakalinis pero dama ko ang lungkot sa paligid. Ayaw kong mag stay dito pero gusto kong balikan kung paano ako suklayan ni Mommy dito. Naaalala ko pa, she always stay here kaya ako na mismo ang pumupunta sa kaniya para suklayan at kwentohan ako hanggang sa akoy makatulog.

"Ayaw mo sa kwarto mo?"

nilingon ko kung kaninong boses nanggagaling iyon. And she's my step mom.

"welcome home, lil. Your father didn't tell us na dadating ka, ipinaghanda na sana kita"

"I'm fine, saka sayang naman kung maghahanda ka pa hindi ko rin naman kakainin" sagot ko dito bago siya talikoran para hanapin ang mga gamit ni Mommy sa drawer niya.

But...

"Looking some trash? Ipinaligpit na ni Dad mo yung mga gamit ng Mommy mo last year pa"

"Saan?"

"I don't know, because I don't care. Maybe nilagay na yun kung saan ang mga yun nababagay. Sa BASURAHAN" sabi niya na maydiin pa sa huli.

"Ahhhh sa lugar kung saan ka napulot ni Dad?" I sarcastically ask her.

She laughs "I'm an antique, not a piece of trash"

"So inamin mo na rin na ganyan ka na kaluma?"

"inamin mo narin ba na basura ang Nanay mo?" She asked me.

"my mom is not a trash. She's a decent, classy and mature girl who live in palace before she meet the man who ruin her life"

Nakita ko ang pagikot ng mga mata niya "blahblahblah, so asan na 'yang classy and decent girl na sinasabi mo? You know what? you should go and find her things sa mga-"

"I will"

hindi ko na siya pinatapos at agad na umalis at hinanap si Daddy para tanongin kung saan niya inilipat ang mga gamit ni Mommy.

Hindi ko talaga sila mapapatawad kung ipinatapon niya na iyon ng walang paalam.

Bumaba ako para hanapin siya doon. And hindi si Dad ang natagpu-an ko, kundi ang sinasabi ni Dad na KAPATID ko.

"hinahanap mo ba si Daddy?" She ask.

Hindi ko ito pinansin.

"Kakaalis niya lang, may emergency daw kasi sa kompanya" sagot niya.

Ang galing, mas alam pa nung HINDI tunay na anak kung saan siya.

Babalik na sana ako, pero...

"I'm France. Magkasing edad lang daw tayo" sabi niya.

Nanatili lang akong nakatalikod pero mga ilang segundo ay hindi ko na siya pinansin at  bumalik na ako sa kwarto para makapagpahinga na. Nang makarating na ako doon ay agad kong isinara ang pinto at agad na humiga sa kama.

I miss them.
I miss mom.
I miss Luke.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may update na ba galing kay Luke. Pero wala. Ni hindi niya nga sineen yung last message ko sa kaniya.

Sinubukan ko siyang tawagan para ipaalam na andito na ako sa City at baka pwede na kaming magkita. Pero wala paring nagbago. Ring lang ito nang ring.

Sinubukan ko ito nang paulit-ulit pero wala parin. Kaya naisipan ko na matulog nalang dahil pagod din ako galing sa byahe.

"AALIS KA?" tanong ni France nang mapansin ako. Tumango lang ako at tinawag ang isang guard para ipaghanda ako ng sasakyan.

"Ma'am?"

"ihanda nyo na yung sasakyan, ako na magmamaneho" utos ko sa guard.

"san ka pupunta?" Tanong ni Dad sa likuran ko kaya napaharap ako rito.

"somewhere" sagot ko dito.

"Are you serious?" He asked again.

Ibinaba ko ang suot kong Eyeglasses "You agree with my condition" at isinuot uli. Sakto naman na nasa harapan ko na ang sasakyan kaya agad kong nilahad ang kamay ko sa guard para hingin ang susi, na kaagad naman nitong ibinigay.

kasabay ng pag-upo ko ang siyang pagring naman nung cellphone ko. "I'm on my way, mag hintay ka" ani ko dito bago ihung up ang call.

...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAFIA BOYS SERIES #2 : LUKE WILLOW Where stories live. Discover now