Chapter 14

72K 1K 20
                                    

PABALIK NA KAMI ng Manila ni Zacreus. Four days lang kami sa Island niya dahil may pasok pa ako. Dapat nga kahapon pa kami uuwi pero 'tong si Zacreus ay humirit pa ng isang araw.

Wala naman siyang ginawa kundi angkinin lang ako sa Isla. Medyo mahapdi ang pagkababae ko sa pinag gagawa sa 'kin ni Zacreus.

Nakaupo kaming dalawa sa backseat habang ang driver namin ay ang secretary ni Zacreus. Hindi kasi kami nasundo ni kuya Reagan kaya ang secretary nalang ni Zac ang tinawagan niya.

Naka pulupot ang mga braso ni Zacreus sa beywang ko habang ang mukha niya ay nasa dibdib ko. Nagpapalambing na naman sa 'kin kaya mahina kong hinahaplos ang buhok niya.

Buong byahe ay walang ginawa si Zacreus kundi halikan ang pisngi ko habang sinasabihan ako ng mahal niya ako. Napapangiti nalang ako sa ginagawa niya.

Nag stop over muna kami ng makaramdam ako ng gutom. Dali-daling inutusan ni Zacreus ang secretary niya na maghanap ng restaurant na agad namang sinunod ng secretary niya.

Naunang bumaba si Zacreus sa kotse saka niya ako inalalayang bumaba. Magkahawak kamay kaming dalawa na naglalakad papasok ng restaurant.

"What do you want to eat, wife?" Tanong sa 'kin ni Zacreus ng iabot samin ng waiter ang menu.

Nakanguso ako habang binabasa ang menu nila. Nandito din ang secretary ni Zacreus na pumipili din ng pagkain.

"Wala akong magustuhan sa menu nila," saad ko sabay tingin kay Zacreus. Hinalikan naman niya ang pisngi ko saka ngumiti sa 'kin. "Gusto mo bang lumipat tayo ng restaurant?" Tanong ng asawa ko.

Umiling nalang ako dahil tinatamad na akong tumayo. "Ikaw nalang bahala umorder sa 'kin ng pagkain." Sabi ko. Agad naman siyang tumango saka tinignan ulit ang menu.

Hinintay lang namin ang mga inorder namin na mabilis naman dumating. Agad akong sinubuan ni Zacreus ng pagkain na mabilis ko naman tinanggap.

Nang matapos kaming kumain ay agad naman kaming tumayo para bumyahe na dahil medyo malayo pa ang byahe namin.

Nakasandal ako sa balikat ni Zacreus ng makapasok kami sa kotse. Hinahaplos naman niya ang buhok ko at pinahiga sa lap niya. "Matulog ka muna, wife. Medyo malayo pa tayo." Malambing na sabi ni Zacreus sa 'kin habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na nga akong hinila ng antok.

Nagising nalang ako ng maramdaman kong buhat-buhat ako kaya minulat ko ang mga mata ko at nakita agad ang mukha si Zacreus. Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya saka siya inamoy. "Bakit hindi mo ko ginising?" Malambing kong tanong sakanya.

"Mahimbing ang tulog ng baby ko eh," naka ngiti niyang sagot. Ibinaba lang niya ako ng makapasok na kami sa bahay. Saktong 2PM kami nakarating sa bahay.

Umakyat ako sa hagdan dala ang bag ko at tinungo ang kwarto ko. Narinig ko naman ang mga yapak ni Zacreus na sumunod sa 'kin.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sabay hawak sa braso ko.

"Sa kwarto ko," naka kunot nuo kong sagot.

"Wife, doon kana matulog sa kwarto ko simula ngayon," seryoso niyang sabi.

"Hindi pwede, Zacreus. Tsaka, magkatabi lang naman ang kwarto natin." Sabi ko at agad na pumasok sa kwarto. Sumunod naman siya sa 'kin na hindi ko nalang pinansin.

Umupo ako sa kama saka tinanggal ang suot kong sandals. Lumuhod naman si Zacreus sa harap ko saka 'to yumakap sa tyan ko. "Asawa na kita ngayon kaya dapat lang nasa iisang kwarto na tayo, baby." Sabi niya habang naka subsob ang mukha niya sa tyan ko.

Wicked Billionaire Series 2: Zacreus Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon