Chapter 26

64.5K 1.1K 81
                                    

HINDI KO MAPIGILAN ang paghikbi nang makita ko ang kwarto namin ni Zacreus. Malinis at halatang hindi pinabayaan.

Napansin ko na may mga sticker note na nakadikit sa malaking salamin na nasa gilid ng kama namin kaya agad akong naglakad papunta do'n  saka kumuha ng isang note.

Mommy, miss na miss na kita. Sana makasama kitang muli.

Ibinalik ko ang note sa salamin ng mabasa ko 'yun saka ako kumuha pa ulit ng ibang note.

Happy first wedding anniversary, mommy. Nandito ako nag ce-celebrate sa kalsada habang may dala akong cake. Alam kung nasa Europe ka kaya hindi ka pa pwedeng makabisita sa anak natin. Kaya ako na muna ang bibisita sakanya. Kahit pa nga napagkakamalan na ako ng mga tao na baliw dahil bumubulong ako mag-isa.

Mapait akong ngumiti saka idinikit ulit ang note sa salamin. Napadako ang tingin ko sa isang note at halos nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko 'yun.

Alam kung gusto mong makapagtrabaho, mommy. Kaya kinausap ko ang may-ari ng pinag-aaplayan mo at naki-usap ako na ihire ka. I love you so much, mommy. Lagi lang akong nasa likod mo handang sumuporta sa'yo. Mag-ingat ka sana palagi, kumain ka sana ng marami dahil ang payat muna. Wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo. Thank you nga pala mommy, dahil tinanggap mo ang pagkain na binigay ng ka officemate mo. Actually, sa 'kin galing 'yun kaso natatakot ako na baka magalit ka kapag nakita mo ko kaya pina-abot ko nalang sa ka trabaho mo.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil naalala ko ang mga pagkain na binigay sa 'kin ng ka trabaho ko. Ang akala ko pa nga no'n ay tomboy si ate at baka may gusto sa 'kin, 'yun naman pala sa asawa ko galing.

Mommy, bumili ako ng apartment kanina. Muntik pa akong magwala dahil gusto ko 'yung katabi ng apartment mo kaso naunahan ako kaya no choice ako. Pero ayos lang, isang kwarto lang naman ang pagitan ng apartment natin.

"Zacreus.." Sambit ko sa pangalan niya habang hinahaplos ang mga note na nakadikit sa salamin.

Dali-dali akong lumapit sa walk in closet namin para kumuha ng damit niya. Kailangan ako ng asawa ko ngayon, kailangan kong bumalik agad sa tabi niya. Diyos ko, sana walang mangyari sa asawa ko.

Lahat ng damit na naiwan ko two years ago ay nandito parin. Maayos ang pagkakatiklop nito pati narin ang iba pang mga gamit ko.

Kinuha ko ang isang travelling bag saka naglagay ng damit ni Zacreus. Kumuha pa ako ng mga kailangan ko at pati damit ko ay naglagay narin ako. Ayaw kong umalis sa tabi niya kaya kailangan kong dalhin ang mga kailangan.

Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng kwarto  saka ako bumaba ng hagdan.

Lumabas ako ng bahay at siniguradong naka lock ang pinto bago ako tuluyang lumabas ng gate. Lakad-takbo ang ginagawa ko para makarating sa gate ng subdivision at agad pumara ng taxi.

Sumakay agad ako ng taxi at agad nagpahatid sa Herreros hospital kung saan dinala si Zacreus. Wala akong ginawa kundi magdasal na sana maging ligtas siya.

Nang makarating kami sa harap ng hospital ay agad kong inabot kay manong ang pamasahe ko saka ako lumabas ng taxi. Takbo ang ginagawa ko habang papasok ng hospital.

Nakita ko agad si kuya Reagan na nakaupo sa bench kaya lumapit ako sakanya.
"Mabuti naman at naka balik ka na." Nakangiti niyang sabi ng makalapit ako sakanya.

"Anong balita kay Zacreus? Kamusta na siya?" Tanong ko kay kuya Reagan. Bigla akong kinabahan ng makita ko ang reaction ng mukha niya.

"W-wag mong s-sabihing.. wala na si Zacreus.. kuya Reagan." Naiiyak kong sabi sakanya.

Wicked Billionaire Series 2: Zacreus Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon