DAHAN-DAHAN KONG minulat ang mga mata ko at agad pinalibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Doon ko lang napagtanto na hindi pala kwarto 'to kundi nasa hospital room ako.
Medyo malabo pa ang paningin ko kaya kinurap-kurap ko ang mga mata ko para luminaw 'to. Nakita ko ang isang nurse na lumabas ng kwarto at ang sumunod no'n ay pumasok ang isang lalaking doctor.
Hindi ko marinig ang mga sinasabi nila. Tanging ang ginagawa ko lang ay nakatitig sa mukha ng doctor na parang pamiliar sa 'kin.
"Naririnig mo ba ako Ms. Ortega?" Tanong sa 'kin ng doctor habang winawagay-way niya ang palad sa harapan ko. Tumango ako dahil narinig ko ang tanong niya.
"A-ang b-baby ko.. po doc.. kamusta na po ang lagay niya?" Nauutal kong sabi dahil pakiramdam ko ay namamaos ang lalamonan ko.
Hindi agad sumagot ang doctor sa tanong ko. Nakatitig lang siya sa 'kin kaya hinawakan ko ang tyan ko saka ako nagsalita ulit. "Nandito pa po sa tyan ko a-ang baby ko po doc di 'ba?" Tanong ko ulit sa doctor.
Huminga siya ng malalim saka tumingin sa mga mata ko. "I'm sorry, Ms. Ortega. Ngunit hindi nakaligtas ang baby mo na nasa sinapupunan mo." Mahinang sabi ng doctor sa 'kin.
Naluluha akong nakatingin sa mukha ng doctor habang pinapakinggan ang mga sinabi niya. Hindi ko na pigilang bumangon sa pagkakahiga saka ako nagsalita. "H-hindi po totoo 'yan di 'ba? Nandito pa po ang anak ko sa tyan ko di 'ba?" Umiiyak kong tanong sa doctor na inalalayan akong maka-upo.
"N-andito pa po ang anak ko doc di 'ba?" Tanong ko ulit habang humahagolhol ng iyak.
"I'm sorry." Sabi ng doctor kaya mas lalo akong umiyak.
Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak habang hawak-hawak ang tyan ko. Pinapatahan ako ng dalawang nurse ngunit hindi ko sila pinakinggan.
Bakit ang anak ko pa.. siya na nga lang ang meron ako pero iniwan din ako.
Napatigil ako sa pag-iyak ng yakapin ako ng doctor saka tinapik ang likod ko. Mas lalo lang yata akong umiyak ng ma-realize ko na wala pala akong karamay sa pagkamatay ng anak ko. Dahil ang asawa ko ay gusto na akong mawala sa landas niya. Kung hindi ko lang sana hinabol si Zacreus n'ong araw na 'yun, hindi sana 'to mangyayari. Hindi ko sana napahamak ang anak ko. Hindi sana siya nawala
sa 'kin ngayon.Sa kagustuhan kong mabawi si Zacreus ay nawala ang anak ko. Gusto kung ipaglaban siya dahil mahal ko siya. Ayaw ko siyang sukuan kaya hinabol ko siya ng araw na 'yun para sana halikan. Nagbabakasakali ako na baka maalala niya ako sa pamamagitan ng halik. Pero dapat pala.. hindi ko na ginawa. Nakakapagod din palang ipaglaban ang pagmamahal ko kay Zacreus.
Nakatulala ako habang nakahiga lang sa kama.
Mag-isa lang ako sa private room na 'to dahil sa doctor na 'yun. Nakilala niya ako dahil nakita niya ang id ko na nasa sling bag ko. Hindi ko inaasahan na magkikita ulit kami ng tinatawag kong kuya dati sa bahay amponan.Si Doc. Apollo De Silva ang doctor na nag opera
sa 'kin n'ong na aksidente ako. Nalaman ko din mula sa nurse na tatlong araw na akong hindi nagigising.Mapait akong ngumiti ng maisip ko kung alam ba ni Zacreus ang nangyari sa 'kin. Nagtanong pa ako sa isang nurse kung may lalaking pumunta dito sa hospital room ko or may naghanap man lang ba
sa 'kin ngunit walang bumisita kahit isa man lang.Napalingon ako sa pintuan ng bumukas 'to at pumasok si Doc. De Silva. "Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong niya habang naglalakad papunta
sa 'kin."Bumubuti naman po kuya." Sagot ko. Sanay akong tawagin siyang kuya dahil mas matanda siya sa 'kin ng pitong taon.
"Kuya Apollo.. pwede na po ba akong lumabas ng hospital?" Tanong ko sakanya. "Ngunit.. wala po akong pangbayad sa bill ko kaya mas gugustuhin kong lumabas na para hindi na lumaki ang bill ko dito." Dagdag kong sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/334288502-288-k691741.jpg)
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 2: Zacreus Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance⚠️Warning: Matured Content|| 🔞SPG-18|| [✅Complete] Zacreus Salazar the black sheep of the family Salazar.