MATIWASAY AKONG nakarating ng Pilipinas ngayong araw. Nauna sa 'kin si Apollo umuwi two weeks ago kaya panay ang kulit niya sa 'kin na umuwi na.
May party kasi sa bahay ng mga magulang niya at balak niyang isama ako do'n. Ayaw ko sana kaso dakilang makulit si Apollo kaya wala na akong nagawa.
Naglalakad ako palabas ng airport ng may bumangga sa balikat ko. Mahina lang naman 'yun kaya hindi ko nalang pinansin saka naglakad ulit.
Paglabas ko ng airport ay bumungad agad sa 'kin ang mainit na panahon. Summer kasi ngayon kaya sobrang tirik na tirik ang araw.
Agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa hotel. Umayaw kasi ako sa offer ni Apollo na sa bahay niya muna ako titira. Dapat sa isang linggo pa ako uuwi pero naalala ko na 'to ang araw ng mawala ang anak ko kaya gusto kong bisitahin ang lugar kung saan ako na aksidente dati. Gusto kung magtirik ng kandila sa gilid ng kalsada para sa anak ko.
Nang makarating ang sinasakyan kong taxi sa harap ng hotel ay agad kong inabot ang bayad ko. Bumaba ako ng taxi saka naglakad papasok ng hotel.
Inasekaso naman agad ako ng staff at agad ibinagay sa 'kim ang susi ng hotel room ko. Sumakay lang ako sa elevator para makarating sa room ko.
Bumukas ang pintuan ng elevator kaya agad akong lumabas saka hinanap ang room 128. Nang makita ko 'yun ay agad kong binuksan ang pintuan saka pumasok sa loob.
Napangiti ako habang nililibot ko ang room ko. Malinis at maaliwalas kasi 'to kaya tama lang na dito ako nag book. Medyo may pagkamahal siya pero ayos lang naman.
Inilapag ko ang maleta ko sa kama saka ko 'yon binuksan. Kumuha lang ako ng damit saka ako pumunta ng banyo para maligo.
Pumasok ako ng banyo at agad hinubad ang mga damit ko saka pumailalim sa shower.
Nang matapos akong maligo ay agad akong lumabas ng banyo habang nakasuot ng bath robe.
Nagbihis agad ako saka umupo sa kama at pinupunasan ang buhok ko gamit ang maliit na towel. Sakto namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'to saka tinignan kung sino ang tumatawag.
Sinagot ko agad saka ko niloud speaker. "Nakarating kana ba?" Bungad niya sa 'kin ng masagot ko ang tawag niya.
"Kararating ko lang." Sagot ko naman.
"Nasa hotel kana ngayon?" Tanong niya ulit.
"Oo. Kaliligo ko nga lang eh," sagot ko.
"Sige. Magpahinga ka nalang muna dyan. Pupuntahan kita mamaya para dito ka nalang mag dinner." Sabi sa 'kin ni Apollo.
"Sige, may jetlag din ako kaya gusto kong matulog."
Sabi ko saka inilapag sa bedside table ang towel na ginamit ko."Okay, sige na. Matulog ka muna. Bye!" Sabi ni Apollo.
"Bye!" Sagot ko saka pinatay ang tawag.
Humiga ako sa kama kahit basa pa naman ang buhok ko. Mamayang hapon nalang ako lalabas para bisitahin ang kalsada kung saan ako na bangga.
Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyan akong nakatulog.
Nagising lang ako dahil tumunog ang cellphone ko kaya napabalikwas ako ng bangon. Sasagotin ko na sana ang tawag ng mamatay 'to ng kusa.
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 2: Zacreus Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance⚠️Warning: Matured Content|| 🔞SPG-18|| [✅Complete] Zacreus Salazar the black sheep of the family Salazar.