DALAWANG TAON ANG lumipas hanggang ngayon ay nandito parin kami ni Apollo sa Europe. Nasanay narin naman ako dito kaya nakapagtrabaho ako.
Gusto sana ni Apollo na sa company niya ako mag trabaho. Umayaw ako dahil gusto kong subukang maghanap ng trabaho sa Europe na walang tutulong sa 'kin. Agad naman akong na hire sa isang malaking companya dito sa Europe.
Ayaw magpatawag ni Apollo sa 'kin ng kuya dahil umamin kasi siya na may gusto siya sa 'kin. Naiilang tuloy ako sakanya ng malaman ko 'yon. Pinipilit niya akong wag siyang tawaging kuya kaya hinayaan ko nalang.
Nang makapag ipon ako ng pera ay agad akong lumipat ng ibang apartment. Naiintindihan naman 'yon ni Apollo kaya hindi niya ako pinigilan.
Kararating ko lang galing sa trabaho kaya agad akong umupo sa kama saka ko hinubad ang suot kong jacket. Humiga ako sa kama dahil pagod na pagod ako ngayong araw. Nagugutom din ako pero mas nangi-ngibabaw ang antok ko kaya matutulog nalang ako.
Hindi ko din alam kung babalik pa ba ako ng Pilipinas. Nasanay narin naman ako dito at wala narin naman akong babalikan pa do'n. Hindi na Salazar ang gamit kong apelyido, binalik ko na sa dating Ortega kahit pa nga hindi pa kami divorce ni Zacreus.
Nakikipag date naman ako kay Apollo pero hanggang do'n lang talaga 'yon. Hindi pa ako handang pumasok muli sa isang relasyon. Ayaw ko ng masaktan pang muli. Sinabi ko naman 'yon kay Apollo kaya naiintindihan naman niya at hindi niya ako pinipilit.
Napalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko. Agad kong kinuha ang bag ko saka kinuha ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag saka ulit humiga sa kama.
"Naka uwi ka na?" Bungad sa 'kin ni Apollo ng masagot ko ang tawag niya.
"Yeah," tipid kong sagot.
"Kumain ka naman ba? Baka hindi kana naman kumain, Herrah." Sabi niya sa pagalit na boses.
"Stalker ka talaga," natatawa kong sabi.
"Sabi ko na eh, hindi kana naman kumain." Sabi niya saka bumuntong hininga sa kabilang linya.
Bumangon ako sa kama saka naglakad papunta sa lamesa. "Ito na, kakain na ko." Sabi ko.
"Good. Video call tayo." Sabi niya.
"Para kang tanga!" Sagot ko saka pinatay ang tawag. Wala pang three minutes ay tumawag sa 'kin si Apollo kaya napa-iling nalang ako saka sinagot ang video call niya.
Isinandal ko ang cellphone saka ako umupo para kumain. "Oh, kitam.. kumakain kaya ako," sabi ko sabay pakita ng tinapay.
"Kumakain ka nga, tinapay naman. Magkanin ka!" Sabi niya.
"Tinatamad na ako mag saing." Walang buhay kong sagot sakanya.
"Gusto mo date tayo bukas?" Tanong niya sa 'kin.
"May alam akong bagong bukas na restaurant malapit sa company. Ang sabi masarap daw do'n kaya try natin." Nakangiti niyang sabi."Sige ba, basta libre mo. Pagpayag ko naman.
"As if naman papayag akong ikaw ang mga bayad." Natatawa niyang sani.
"Nga pala, kailan balik mo sa Pilipinas?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Next month. Anong plano mo, Herrah? Ayaw mo na ba talagang umuwi ng Pilipinas?" Tanong niya
sa 'kin.Nalukot naman ang mukha ko saka ako kumagat ng tinapay. "Hindi ko pa alam. Bahala na." Sagot ko.
"May kailangan ka pang ayosin do'n di 'ba? Akala ko ba gusto mong mag-aral dito sa Europe?" Tanong ni Apollo.
![](https://img.wattpad.com/cover/334288502-288-k691741.jpg)
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 2: Zacreus Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance⚠️Warning: Matured Content|| 🔞SPG-18|| [✅Complete] Zacreus Salazar the black sheep of the family Salazar.