Chapter 13

84.1K 1.3K 64
                                        

SPG~

NAKAUPO LANG AKO SA buhangin habang pinagmamasdan si Zacreus na kinakausap ang dalawang lalaki. Mukang 'to yata yung judge na pinapunta niya dito sa Isla.

Natuon ang tingin ko sa mukha ni Zacreus na magka salubong ang kilay habang kausap ang dalawa. Alam kong galit siya sa sa 'kin.

Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari lalo na kapag nalaman ng mama niya. Ang alam din ng mga taong naka paligid samin ay magkapatid kami. Ano nalang ang sasabihin nila pag nalaman nilang may namamagitan samin ni Zacreus.

Napabuga ako ng hangin habang nakatitig parin kay Zacreus na wala talaga sa mood.

Agad akong napalingon ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Si kuya Reagan 'yun at umupo 'to sa tabi ko. "Bad trip jowa mo, lil sis." Sabi niya ng makaupo siya sa tabi ko.

Napanguso tuloy ako saka tumingin ulit kay Zacreus. "Zacreus, love you so much, lil sis." Biglang sabi ni kuya Reagan kaya lumingon ako sakanya.

"Alam ko 'yun dahil sobrang baliw na baliw sa'yo ang kuya ko." Dagdag na sabi ni kuya Reagan kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Naalala mo pa ba n'ong nawala bigla ang school uniform mo na hinubad mo sa laundry?" Naka ngiting tanong ni kuya Reagan. "Halos pagalitan si ate Susan ni mommy dahil hindi mahanap ang uniform mo. Pero ang totoo no'n na kay Zacreus lang ang uniform mo. Sa sobrang baliw niya sa 'yo pati pawis mo inaamoy niya kaya pinakuha niya sa 'kin ang hinubad mong uniform." Mahabang sabi ni kuya Reagan. Mas lalo tuloy nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya Reagan. Tandang -tanda ko pa kasi na bigla nalang nawala ang uniform ko noon.

"Lagi ka ding sinusundan niyan. Kahit saan ka mag punta nandoon siya. Naalala mo pa ba ng maaksidente ka sa school at napilayan ka?" Tanong sa 'kin ni kuya Reagan dahilan para tumango ako.

"Sa sobrang pag-aalala ni kuya sa'yo, iniwan niya ang ka business meeting niya na sobrang mahalaga sakanya masiguro lang niya ang kalagayan mo." Sabi ni kuya Reagan. Napayuko naman ako habang nakatingin sa mga paa ko.

"See? Mahal na mahal ka ng kapatid ko. Sinabihan ko na siya na ibaling sa iba ang pagtingin niya pero hindi niya magawa. Alam mo bang ilang beses ko ng hinanapan 'yan ng babae para lang mabaling ang pagtingin niya sa'yo. Kaso sumuko nalang ako dahil hindi naman niya sinisipot." Natatawang sabi ni kuya Reagan.

"Kaya sana, wag kang matakot mahalin ang kuya ko. Alam kung mahal mo siya, nakikita ko 'yun sa mga mata mo, Herrah." Seryosong sabi sa 'kin ni kuya Reagan.

"Paano kung.. paano kung magalit si mama Isabel
sa 'kin." Sabi ko sa mahinang boses.

"Hayaan mo si mommy. Alam ko namang hindi ka pababayaan ni Zacreus kapag nagkataon. Ilalaban ka ng patayan ng kuya ko. Ganyan ka baliw ang gago kong kuya sa'yo." Natatawang sabi ni kuya Reagan saka tinuro si Zacreus kaya tumingin ako.

Nagkasalubong ang tingin naming dalawa pero agad na umiwas si Zacreus sa 'kin. Galit talaga siya.

"Suyuin mo na. Ayaw kong magka black eye ulit, sister in law." Naka ngiwing sabi ni kuya Reagan
sa 'kin. Tumayo siya sa tabi ko saka pinagpag ang pantalon niya para matanggal ang buhangin.
"Nasa likod niyo lang ako kahit anong mangyari." Naka ngiting saad ni kuya Reagan bago siya umalis sa harap ko.

Tumayo narain ako saka naglakad papunta kay Zacreus. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya agad ko siyang niyakap mula sa likod niya. Natigilan pa siya ng maramdaman niya ang katawan ko na dumikit sa likod niya.

"Wag mo kong yakapin." Sabi niya sa galit na boses. Hindi ko naman pinakinggan ang sinabi niya. Lumingon naman siya sa 'kin na magkasalubong ang kilay kaya natawa ako.

Wicked Billionaire Series 2: Zacreus Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon