Chapter 6

401 7 0
                                    

✧RYAN✧

Para akong mababaliw maghapon sa Lee Tower dahil sa mga trabahong hindi naman bukal sa puso ko. Idagdag pa ang pagiging lutang ko maghapon dahil sa pag-iisip kung sino ang walang'yang Joseph na binanggit ni Ryza habang tulog siya.

Agad kong dinukot ang cell phone ko nang mag-beep 'yon. Habang nasa elevator, binasa ko muna ang pumasok na text.

"Instead of 6, let's meet at 8 pm. -Wynter."

Hindi naka-save sa 'kin ang number niya, pero dahil nagpakilala siya, hindi na ako nagtanong pa. Hindi rin ako nag-reply dahil wala naman akong balak sumipot.

Ang naging usapan namin ni lolo ay hindi na niya ako pipilitin makipag-date kay Wynter as long as may mapili na akong pakasalan agad sa mga ipinakilala niya sa akin. At ngayong buwan daw ay kailangan ko na itong ipakilala sa kaniya.

He knew about me dating Ryza Samson pero alam niyang hindi pa kami official. At ang sabi niya sa akin, kung sasagutin daw ako ni Ryza, they will arrange our marriage right away. Pero kung hindi naman, they will arrange me to someone else instead at ang option nilang 'yon ay alam kong walang iba kun'di si Wynter Juarez.

"You're going home?" Kalalabas ko lamang sa elevator nang marinig ang boses ni Tito Philip—daddy ni Kuya Asyong—kaya tumigil muna ako saglit para lingunin siya sa likuran ko.

"Yes, sir." Sabay niyuko ko nang bahagya ang aking ulo para magbigay galang. Kasama niya kasi ang asawa niya—stepmom ni Kuya Ace—si Margarette na impaktita. Mukhang pauwi na rin sila. Sabagay, uwian naman na.

"You don't have to call me sir. Tito is fine." Bahagya siyang ngumiti sa akin. Palagi niya 'yon sinasabi pero hindi ko magawang sundin. Alam niyo kung bakit?

"Kapag narito tayo sa company, he needs to address you properly, honey," baling ng impaktita kay Tito Philip. And she was the reason kaya hindi ko magawang tawagin ng tito lang ang daddy ni Kuya Ace rito dahil kapag narinig niya 'yon ay iba na agad ang tingin na ipupukol niya sa akin. Kung lalaki nga lang siya ay baka binato ko na siya ng black shoes kong may kaunting takong.

"Mauna na po ako." Kay Tito Philip lang ako nakatingin. "Kina Kuya Ace po muna 'ko uuwi ngayon. They're expecting me for dinner, so I gotta go." Ngumiti ako nang bahagya bago tuluyang tumalikod.

Ang totoo, mabait naman sa 'kin si Tito Philip. Ang asawa niya lang talaga ang problema. At kahit nabanggit na sa kaniya ni lolo noon ang tungkol sa pagkatao nito ay hindi niya nagawang hiwalayan. Patuloy pa rin silang nagsasama dahil ang sabi niya ay nakaraan na raw 'yon at nagbago na raw ang impaktang 'yon. Napaniwala kasi siya nito sa ginawa nitong paghingi ng tawad sa akin noong nalaman namin na siya ang nag-deposit ng milyong pera sa account ko para pag-isipan ako ng masama ni lolo. Personal din itong humingi ng tawad sa ginawa niyang pag-uutos kay Nelia—katulong sa mansyon—para lagyan ng lason ang pagkain ko.

Pero hindi naman ako bobo o tanga para paniwalaang ayos na kami dahil malakas ang pakiramdam ko na ginawa niya lang 'yon dahil kay lolo. Para mawala ang galit nito sa kaniya. Pero alam kong kahit si lolo ay hindi na gano'n katiwala sa kaniya. Pansin ko ang panlalamig nito simula noong nalaman nila ang mabahong pagkatao niya. Pinakikisamahan na lang siya ni lolo dahil kay Tito Philip.

"Tito Betlog!" Sumalubong agad sa akin ang tatlong itlog nang marinig nila akong dumating. Kapapasok ko lamang sa pinto. Si Summer din ay nakikitakbo-takbo na palapit sa akin.

Pero sa halip na salubungin ko sila ay tumakbo ako palayo. Alam ko kasing kukubabaw na naman ang mga kurimaw na 'to sa kin. Lalo na si Hope na gusto ay laging sumasakay sa batok ko.

"Teka! Pagod ako!" Umiwas ako sa kanila at tumakbo papunta sa sala, pero tumakbo rin sila para sundan ako. Si Summer ay tuwang-tuwa pang nakikisali sa paghabol sa akin at may pagtili-tili pang kasama. "Teka lang! Para naman kayong mga itik na humahabol sa inahin!" Nagdesisyon na akong huminto at umupo na lamang sa couch dahil mas lalo lang akong mapapagod sa pagtakbo kung hindi nila ako titigilan. "Oh, ayan! Sige! Come to papa!" Ibinuka ko ang mga braso ko para salubungin sila.

MARRYING RYAN DELA CRUZ (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon