Note: (Nasa MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND ang chapter na ito. Kinuha ko lang para bumalik sa inyo ang pangyayari at para hindi kayo malito. Lalo na sa mga hindi nakabasa ng MSTIMH at nag-jump agad dito kay Ryan.)
✧RYAN✧
Alas siete ng gabi noong dumating ako sa hotel na binanggit sa 'kin ni lolo. Nasa ika-apat na palapag ako, sa restaurant kung saan kami nakatakdang magkita ng anak ni Mr. Juarez. Si Wynter.
Nakatitig ako sa suot kong relo at pinagmamasdan ang pag-ikot ng mahabang kamay ro'n. Nakakadalawang salin na rin ng tubig sa goblet ko ang waiter pero hanggang ngayon ay wala pa ang katagpo ko.
'Wag n'yang sabihing tatanggihan n'ya 'ko? Hindi p'wede 'yon! Ako ang dapat na tumanggi sa kan'ya kaya kailangan namin magkita ngayon.
"Hi." Nag-angat ako ng tingin sa babaeng bumati sa 'kin. Nakatayo siya sa tapat ko. Naningkit naman ang mga mata ko at saglit ko siyang pinagmasdan.
Nakasuot siya ng dress na kulay pink at formal coat na kulay puti. Hindi gaanong matangkad. Mga 5'2 siguro. Maikli ang buhok, may pagka-morena at...hindi ko masasabing maganda, pero hindi ko rin masasabing pangit. Sakto lang. Swak pack.
"Miss Wynter Juarez?" paninigurado ko.
"Oo." Naupo siya sa katapat na upuan. Kasunod no'n ay ang paglapit sa amin ng waiter, inabutan kami nito ng menu. Noong nakapili na kami ay agad namin 'yon ibinalik sa kaniya.
Ilang sandali lang ang hinintay namin bago dumating ang aming inorder. At habang kumakain, napansin kong tahimik siya. Hindi niya 'ko kinakausap at madalang siyang mag-angat ng tingin sa 'kin.
At noong nabibingi na 'ko sa katahimikan, hindi na 'ko nakatiis at kinausap ko na siya. Tinanong ko lang siya ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili niya. Tulad ng edad, birthday, educational background at about sa family niya. Para lang kahit papa'no ay hindi kami mukhang tanga na hindi nagkikibuan.
Nang masagot na niya lahat ng tanong ko—siya naman ang nag-angat sa 'kin ng tingin. "Ikaw? Ano nga pala'ng pangalan mo?"
Papasok na sana ang kutsara sa bibig ko pero nabitin pa dahil sa tanong niya. Salubong ang kilay ko siyang pinagmasdan.
Bakit hindi n'ya alam ang pangalan ko? Pumayag s'yang makipag-blind date sa lalaking ni pangalan ay hindi muna n'ya inalam?
"Akala ko alam mo na ang pangalan ko bago pa tayo magkita."
"Hindi pa. Hindi naman kasi binanggit sa 'kin ni—" saglit siyang natigilan, "ni daddy. Gusto kasi n'ya na ako raw mismo ang magtanong sa'yo." Natawa pa siya nang bahagya, pero halatang pilit lang.
"Gano'n ba?" Tumango siya habang ako naman—nag-iisip ng pangalan. "I'm TB."
"TB? Tuberculosis?"
"No. Just TB. TB Dela Cruz. Walang meaning 'yon."
Joke. Tito Betlog talaga ibig sabihin no'n. Wala akong maisip na pangalan kaya 'yon na lang ang binanggit ko.
***
Isang oras lang ang itinagal namin sa restaurant at nagpaalam na siya sa 'kin. Syempre, pabor ako ro'n dahil gusto ko na rin umuwi kaya tumayo na rin ako.
"Sabay na tayo palabas."
"Hindi na!" Nagulat ako sa lakas ng boses niya. Pati ang ibang nasa restaurant na malapit sa amin ay napalingon sa direksyon namin. "A-Ang ibig kong sabihin...h-hindi pa kasi ako uuwi. May kaibigan ako na naka-check in dito. Dadaanan ko muna s'ya para makapag-bonding kami saglit."
BINABASA MO ANG
MARRYING RYAN DELA CRUZ (R18+)
Roman d'amourRyan Dela Cruz, the heartthrob clown. He loves to sing, dance, and play jokes on his friends. He is not a natural academic, but his thoughtful insight and surprising wisdom serve him and his friends well. As the second grandson of a wealthy family...