RYAN's POV
Paalis na sana ako sa bahay para pumunta sa tagpuan namin ni Ryza nang bigla niya akong tawagan at sabihing male-late raw siya—mga dalawang oras.
May date kasi kami ngayon. Buti nga ay um-oo siya, noon kasi sa tuwing nag-aaya akong lumabas ay lagi niyang dinadahilan na busy siya. Well, totoo naman din dahil hindi lang isang branch ng café nila ang inaasikaso niya. Mas nadagdagan pa 'yon at nagkaroon na rin sa mga kalapit na city.
"Sige. Sino ba naman ako para umangal?" paawa kong sabi sa kaniya. Pero kunwari lang naman. Baka sakaling lambingin ako nito.
"Sorry talaga, Ryan. See you later." Oh, see? Hindi niya talaga ako nilambing. Sana all pusong bato.
Napailing na lamang at saka na nagpaalam sa kaniya. At yayamang ayoko rin namang maghintay nang matagal sa meeting place namin kaya mamaya na lang din ako pupunta.
Pero ayokong ma-bored dito sa bahay nila Keycee kaya naisipan ko na lang lumabas. Dito na naman kasi ako natulog kagabi. Ayoko sa bahay dahil nai-stress ako sa mga ipinapagawa sa akin ni Tito, daddy ni Kuya Ace.
Simula kasi noong maka-graduate ako ng college, I mean kahit hindi pa nga ako nakakatapos ay kinailangan na nila akong i-train sa company dahil wala naman daw silang ibang aasahan na magtataguyod no'n kun'di ako. Ayaw kasi ni Kuya Asyong.
Pero parang hindi kinakaya ng utak ko ang mga trabaho sa kompanya dahil nabo-boringan ako. Mas naliligayahan pa ako sa vlogging. Napaka-natural lang. Hindi katulad sa kompany na kailangan ko pang magpanggap na matino at disente. Ang hirap kaya magpanggap na normal kapag natural kang abnomal. Masakit sa gulugod.
Pasakay na sana 'ko sa kotse nang tumunog ang cell phone ko. Si Keycee ang tumatawag kaya agad ko 'yon sinagot.
"Nasa'n ka?" bungad niya sa 'kin.
"Nasa bahay? Pero paalis na," sagot ko.
"Pakisundo mo muna ang mga pamangkin mo sa school. Medyo male-late kami ng uwi ng Kuya Ace mo."
"Nasaan ba kayo?"
"Sasaglit lang sana kami sa puntod ni lola. Pero pinapadaan kami ni mama sa mansyon dahil miss na nila si Summer."
Oo nga pala, two years ago ay binawi na ng Maykapal ang buhay ng lola niya. Rest in peace po kung nasaan ka man. At si Summer naman ay ang babae nilang anak na ngayon ay dalawang taon na mahigit.
"Sige. Ako na bahala. Pero umuwi kayo agad. May date ako mamaya. Baka magpumilit na naman sumama sa 'kin si Hope, kakaltukan ko na talaga 'yon!" sagot ko. Sa tatlo kasi nilang anak, si Hope ang maka-Tito Botleg.
Sa tuwing nasa kanila ako, hindi humihiwalay sa akin ang isang 'yon. At sa tuwing wala silang pasok, kapag narito ako sa kanila at maririnig niya akong aalis, tatakbo na 'yon habang sumisigaw ng 'sama kooooo!' May pagkakataon pa ngang magkaiba ang sapatos niyang naisuot noong minsan na humabol sa akin dahil sa pagmamadali. Kapag hindi mo naman isinama, ikaw pa ang masama.
Matindi rin ang kalokohan ng Hope na 'yon noong minsan na may date kami ni Ryza Samson at nagpumilit din siyang sumama. Sinadya niyang umutot at saka niya ako biglang pinagbintangan. Nasa magarang restaurant pa naman kani nu'ng time na 'yon kaya hiyang-hiya ako. Haay. Hindi ko nga alam kung kanino siya nagmana samantalang hindi naman loko-loko ang mga magulang niya.
***
"Tito Betloooog!" Malayo pa ay dinig ko na ang pagsigaw ni Hope sa pangalan ko. Naka-park ako sa gilid ng daan, sa harap ng school nila habang nakasandal sa hood ng kotse ko.
"Maka-Tito Betlog ka na naman! Gusto mong stapler ko 'yang bibig mo? Nasa'n 'yung mga kapatid mo?" tanong ko nang abutin ko ang bag niyang de-gulong at ipinasok 'yon sa compartment sa likod.
BINABASA MO ANG
MARRYING RYAN DELA CRUZ (R18+)
RomanceRyan Dela Cruz, the heartthrob clown. He loves to sing, dance, and play jokes on his friends. He is not a natural academic, but his thoughtful insight and surprising wisdom serve him and his friends well. As the second grandson of a wealthy family...