RYZA LOPEZ
(Wynter Juarez)
Naglalakad-lakad ako sa garden habang dinarama ang preskong ihip ng hangin. Mas gusto ko rito sa labas kaysa sa loob ng mala-mansyon naming villa.
Iba't-ibang klase ng mga halaman na may magagandang bulaklak ang natatanaw ko. Nakaka-relax. Nakakawala ng stress. Ito na lamang ang nagpapagaan sa loob ko sa tuwing makakaramdam ako ng takot at pag-aalala.
Ang sabi ni Kuya Hanz, isang taon lamang daw akong mananatili rito at p'wede na akong umalis at pumunta kahit saan ko gusto. Pero f*ck! Limang taon na ang lumipas at narito pa rin ako sa impyerno.
Ilang beses kong sinubukan na tumakas pero natutunton ako ng mga tauhan ni daddy. Ibinabalik nila akong pilit dito sa villa.
At sa limang taon na 'yon, unti-unti kong nakikita ang pagbabago sa kalusugan ng ama ko. Humihina na siya. Sa pagkakaalam ko wala naman siyang sakit noon pero parang iba ang lagay niya ngayon. His taking medication. Minsan ko ring sinubukang magtanong sa kaniya kung ano ang sakit niya pero ang sabi niya ay wala raw akong dapat ipag-alala.
Si Kuya Hanz ang umaalalay sa kaniya sa tuwing dadalaw rito ang personal doctor niya at sila-sila lamang din nila mommy ang nasa kwarto. Bawal kaming pumasok nila Ate Sophie at Ate Bianca.
"Hindi ka ba napapagod?" Monet snapped me out of my thought. Alam kong kanina niya pa ako sinusundan. Nasa gawing likuran ko siya. Hindi ako huminto at hindi ko rin siya pinansin. "Hindi ka pa ba gagayak? Ngayon kayo magkikita ni TB, 'di ba?"
"It's Ryan!" Sabay baling ko sa kaniya kaya napahinto rin siya sa pagsunod sa akin. "Ilang beses ko nang sinabi sa'yo 'yan, 'di ba?"
"Eh s'ya naman kasi ang nagsabi na TB ang pangalan n'ya," giit nito.
"H'wag kang maniwala sa unggoy na 'yon! Puro kalokohan ang pagkatao no'n!" I said, and that's a fact. Sabihin ba naman niya kay Monet na TB ang pangalan niya porque hindi ko ito na-orient bago sila magtagpo sa hotel noon. Duh!
"Okay. Sige. Ryan na kung Ryan! Pero wala ka bang balak makipagkita sa kan'ya ngayon? Oras na, oh!" Sabay naming itinaas ang aming pulso kung saan nakakabit ang aming relo. "Alas tres na. Hindi ba alas sais kayo magkikita?"
Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad bago sumagot. "Alas sais pa 'yon. Mahaba pa ang oras."
"Ano'ng mahaba pa? Maliligo ka pa, gagayak at bibiyahe. Ikaw nga 'yang matagal magpaganda." Muli kong naramdaman ang pasunod niya sa akin.
"Sino ba kasi ang nagsabi na maliligo at magpapaganda pa 'ko? Ganito na lang akong haharap sa kan'ya!" Ibinaba ko ang tingin ko para sulyapan ang suot kong mickey mouse na dress na pang-bahay. Kulay puti iyon at may malaking mickey mouse sa harap at may nakasulat pang, 'OH NO, IT'S MONDAY ALREADY'. Ang buhok ko naman ay hindi ko na sinuklay pa kanina at basta ko na lamang itinali ng pa-bun sa itaas.
"Seryoso ka?" takang tanong ni Monet.
I sighed. "Oo. Kahit naman ano'ng pagpapaganda ang gawin ko, hindi pa rin s'ya papayag na pakasalan ako dahil may iba s'yang gusto. Kaya bakit pa ako mag-e-effort? Mapapagod lang akong mag-ayos sa wala." Napairap pa ako.
Oo. Alam ko naman talaga na walang pag-asa na magustuhan niya ako. Dahil unang-una, masama ang naging imahe ko sa kanila dahil sa isang pagkakamaling nagawa ko kay Keycee. Na alam kong sooner or later ay pagbabayaran ko rin in some other ways. Pangalawa, alam kong iba ang gusto niya ngayon at iyon si Ryza Samson. It's really obvious dahil palagi niya itong pini-flex sa social media niya.
Yes. Ini-stalk ko siya minsan. Madalas pala. At sa mga story niya, doon ko madalas makita 'yung kapangalan ko. Ang unfair nga, eh. Kung magkakagusto rin pala siya sa nagngangalang Ryza—bakit hindi pa sa akin?
"Ikaw ang bahala, Wynter," tugon ni Monet na naging dahilan para muli akong mapatigil sa paglalakad. Oh, right. Hindi nga pala talaga kasi Ryza ang pangalan ko. It's Wynter. Wynter Juarez. "Pero sa tingin ko hindi papayag ang mommy mo o ang mga kapatid mo na makipagkita ka kay Ryan nang gan'yan."
"Wala silang pakialam." Humarap ako sa kaniya. "My life. My choice. Period." Tumuldok pa ako sa hangin bago siya tuluyang talikuran.
Pero habang naglalakad ako pabalik sa loob ng villa, kusa na lamang nagtubig ang mga mata ko. Ang daling sabihin ng mga salitang, 'My life. My choice' pero bakit hindi ko magawa?
Bakit hindi ko magawang piliin kung ano ang gusto ko? Bakit pakiramdam ko iba ang nagmamaneho ng buhay ko ngayon? At dinadala ako nito sa direksyon kung saan hindi ako magiging masaya. Sa direksyon na para bang anytime ay p'wedeng may mangyaysa akin na kapahamakan.
Papasok na ako sa main door nang bigla akong matigilan dahil mula sa kanan ko, may naaninag akong bulto ng isang lalaking nakatayo roon at nakamasid sa akin. Ramdam ko kung kaninong presensya iyon at iyon din ang dahilan kaya natakot akong lumingon.
I just ignored it at tuluyang humakbang papasok sa loob kahit na kumakabog na naman ang dibdib ko sa takot.
But just breathe, self. I'm going to be okay. Breathe and remember that you've been in this place before. You've been this uncomfortable, anxious and scared, and you've survived. That's what matters.
***
Alas singko ng hapon, nakatayo ako sa harap ng salamin habang umaagos ang luha. Dahil tama si Monet. Hindi pumayag si Ate Bianca at Ate Sophie na umalis ako sa bahay nang hindi man lang nakaayos.
Kinontak pa nila ang sarili nilang make-up artist para lamang ayusan ako at gawing disente. I should be happy, right? Pero para saan?
"Ilang beses na kitang sinaway, Wynter! Hindi ka ba talaga titigil sa pag-iyak? Gusto mo bang masira 'yang make-up mo?!" sita ni Ate Sophie sa akin. Lumapit pa siya at dinampian ng tissue ang pisngi ko.
"Kung gusto mong maging maganda sa paningin ni Dela Cruz, tumahan ka! Mamumugto 'yang mga mata mo." Si Ate Bianca, na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama ko at pinagmamasdan din ako.
Pabor din kasi sila sa ideya ni daddy na ipagkasundo ako kay Ryan. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang dapat maunang magpakasal, samantalang sila ang mas may edad sa akin. Twenty-eight na si Ate Bianca at thirty si Ate Sophie. Si Kuya Hanz naman na siyang panganay ay thirty-three, ngunit may asawa naman na ito. At ako sa kasalukuyan ay twenty-five.
"Ayokong magpakasal kay Ryan, Ate." Naiiyak pa rin akong bumaling kay Ate Sophie na nasa tabi ko lamang, sunod kay Ate Bianca. "Tulungan n'yo akong kausapin si daddy para kumbinsihin na 'wag na lang nilang ituloy ang binabalak nilang arranged marriage. Sige na, please?" I begged, tears streaming down on my cheeks.
"Mas okay 'yon, Wynter." Tumayo si Ate Bianca mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko at lumapit na rin sa akin. "Hindi ba gusto mong umalis dito sa villa?" Hindi ako nakakibo. "Marrying Ryan Dela Cruz is a big shot opportunity for you to get yourself out of here. Isn't it?"
Bumaling din sa akin si Ate Sophie at hinaplos pa nito ang pisngi ko, hindi niya inalis doon ang kamay niya. "That's right, dear. Dahil oras na maikasal ka na kay Ryan—sa kan'ya ka na titira."
Natahimik ako at napaisip sa sinabi nila. Oo. Tama. Kapag pumayag ako na magpakasal kay Ryan, magagawa ko na'ng lumaya rito sa impyernong villa.
Pero ang tanong... paano ko magagawang kumbinsihin si Ryan?
BINABASA MO ANG
MARRYING RYAN DELA CRUZ (R18+)
Roman d'amourRyan Dela Cruz, the heartthrob clown. He loves to sing, dance, and play jokes on his friends. He is not a natural academic, but his thoughtful insight and surprising wisdom serve him and his friends well. As the second grandson of a wealthy family...