Chapter Four
The next week became hectic. Malapit na ang finals at talaga namang na busy talaga ako. Although Silvius and I are becoming closer, I cannot just lose to him and give him my position as the top student in our batch. Kaya naman nag-aral talaga ako nang mabuti.
"Hoy canteen tayo!" pag-aya ni Harriet sa akin.
"Mauna ka na, tatapusin ko lang itong notes ko para may pag-aaralan ako sa bahay."
She sighed exaggeratedly. Tinanong niya muna ako kung ano ang gusto ko bago lumabas para bumili. I don't know if she'll buy me anything kasi hindi naman ako nagpadala ng pera. Hopefully, she will kasi gutom na rin ako.
I closed my notebook and rub my eyes. Masakit ang mata ko because I was up all night, studying. I was really motivated to do this. Hindi ako magpapatalo kay Vanderbilt. Speaking of that guy, I never saw him exerting any effort. Medyo nairita ako dahil doon. Doesn't he find me an equal match to him? Does he think he's really a genius?
Ipinasok ko ang aking mga notebook sa bag para sana sundan si Harriet sa canteen ngunit may naglapag na ng isang chicken sandwich at orange juice sa aking desk. I looked up and saw that it was Silvius. Siguro ay padala ito ni Harriet.
"Pinadala ba ni Harriet? Thank you! At pasensiya na rin."
He looked at me seriously. Nakita kong nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang mukha ko.
"You look pale and you have bags under your eyes."
I smirked. This is to beat you, my dear. My hardwork will be the proof of my victory.
"Oh I've been up studying all night. Ikaw?"
His forehead creased. "You shouldn't push yourself too hard." Nagulat ako nang hinawakan niya ang aking pisngi. Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa aking mga mata. And in the blink of an eye, I became so lost in his wondrous dark orbs.
I tried to smirk to act cool but miserably failed. "I'm doing this so I could beat you. I know you're doing the same."
Mas lalong kumunot ang kanyang noo. Sobrang sama na ng mukha niya ngayon. May nasabi ba akong mali? He let out a sharp breath, he looked angry.
"Please don't exhaust yourself anymore, Courtney. Wala kang kalaban. Eat the food I bought you."
He said and went outside. My cheeks burned. Sa tingin ko ay sobrang pula na nito. He bought this food for me? Hindi ko alam kung bakit biglang sumakit ang puso ko. Sumakit na kinakabahan na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko sinundan si Harriet sa canteen dahil binilhan na ako ni Silvius. I never got to thank him. Maybe I will, later.
When afternoon came, sabay kaming dalawa ni Harriet na lumabas sa school. Hindi ko pa rin nakakausap si Silvius dahil nauna na siyang lumabas kanina.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah," pansin ni Harriet.
"Hindi kasi ako naka-thank you kay Silvius kanina. Alam mo namang ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa iba kaya hindi ako mapakali."
Harriet's brow raised. "Bakit?"
I rolled my eyes. Sasabihin ko ba? Kaso baka asarin niya ako.
"Binilhan niya kasi ako ng recess kanina tapos pagkatapos nun ay parang iniwasan niya na ako," malungkot kong saad. I don't even know why I am sad.
"Alam mo sabi ni Ivo nagtampo raw."
What she said caught my attention. Nagtatampo ba siya sa akin? Bakit? Did I do something wrong?
"Sa akin? Wala naman akong ginawa."
Harriet shrugged. "Baka may nasabi ka na naging dahilan para magtampo siya."
![](https://img.wattpad.com/cover/267373825-288-k175651.jpg)
BINABASA MO ANG
Whispers Of The Wind (COMPLETED)
General FictionWill she listen to the whispers of the wind that leads to her destiny?