Chapter Five

12 1 0
                                    

Chapter Five

Kabado ako sa unang araw ng first quarter finals. I glared at Silvius when he told me na mas lalo raw akong kabahan dahil saulo niya ang buong lesson. God! Sobrang sakit ng mga mata ko kagabi. I stayed up all night para lang matapos ko ang lessons sa philosophy.

"Good luck, Court," Silvius whispered on my ear before walking away and sitting beside Ivo.

Si Harriet ay nag-aaral pa rin sa tabi ko. I took a deep breath. You can do this, Courtney.

Nang ipamigay ang mga test questionnaires ay halos maiyak ako. Sobrang dali lang ng questions! I studied so hard for these? Napalingon ako kay Silvius and I smirked while he just smiled.

"Ang hirap ng mathematics!" Harriet stretched her arms. Ivo took a sip of his chocolate milk drink and agreed to what Harriet said. Totoong medyo mahirap ang ibang subjects pero dahil nag-aral naman ako ay alam kong mataas ang makukuha kong marka.

"Sa tingin mo sino ang mas mataas sa exam ng grade 11?" rinig kong bulungan ng ibang section. Nasa library ako para magsauli ng mga librong ginamit ko para sa pagrereview when I heard them.
Hindi naman sa nakikiusyoso ako pero naririnig ko sila kahit nasa counter ako kaya wala akong choice.

"Siyempre si Courtney, siya pinakamatalino sa buong school, e."

My evil mind smirked. Lumalaki na naman ang ulo ko. This is why I sometimes hate listening to conversations I wasn't invited.

"Para sa akin si Courtney rin. Naalala mo ba noong natalo niya si Mortem sa quiz bee last year? Ang cool niya noon, hindi ba?"

Tumango ang kasama nilang babae na naka-uniform. "Pero narinig ko rin na matalino rin daw si Vanderbilt. With highest honors daw yan sa isang prestihiyosong paaralan sa Maynila."

I shrugged. I heard about that since the first time Silvius Vanderbilt stepped on this school. I was kind of obsessive back then. I did a background check at nalula lang ako sa mga awards and recognitions ni Vios.

Tumigil na ako sa pakikinig sa kanila at umalis na sa library. My perception of Silvius has changed now. Kung dati ay kaaway ang turing ko sa kanya, ngayon ay kaaway pa rin. Just kidding. We were both competitive in nature that's why we can't avoid it pero nagkasundo kami na walang mag-aaway at tatangapin namin kung sino man ang mangunguna sa aming dalawa. I didn't know if I can do that. I'm not a good sport. Pero tatanggapin ko pa rin ang pagkatalo ko dahil wala naman akong magagawa kung maging top 1 si Silvius.

"Kamusta ang exams?"

I was sitting on a bench under an Acacia tree when Silvius sat beside me. Hindi ko siya nilingon ngunit ang mga titig niya ay nasa akin.

"Madali," mayabang kong sagot. He chuckled and handed me a bottle of yakult.

"I know that it's a piece of cake for you. Narinig kong mayroong bet na nangyayari sa mga teachers kung sino daw ang magiging top sa ating dalawa."

I laughed. Seriously? Is that even legal? Ang akala ko kay ako lang ang nagiging obsessive sa rank namin ni Silvius ngunit mukhang ang buong school din pala.

"Anyway, Mr. San Diego is asking me if I have a club or a sport to join. Malapit na raw kasi ang foundation day, pati na rin ang intramurals."

I hummed.

"Anong club ka?" he asked innocently.

I gulped my yakult before responding. "Drama."

"Oh.." Napatingin ako sa kanya. He looked bothered.

"Bakit?"

Nag-aalinlangan pa siyang sumagot. "Gusto ko sanang kasama ka sa club but my talents doesn't have any relation to theatre."

Whispers Of The Wind (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon