Ang sumunod na mga buwan ay naging mahirap para kay Agatha. Gayunma'y hindi ito nagrereklamo. Nakangiti pa rin ito tuwing kukumustahin niya ang nararamdaman. Nang dumating ang kabuwanan nito ay nangyari ang kinatatakutan ni Maxine.
"Hindi niya magagawang manganak nang normal. Kailangan ko siyang i-C-section," wika ng doktor. "You have to sign this paper, Miss Hizon. Ayon sa pasyente ay ikaw ang pinakamalapit niyang kamag-anak. She also designated you to be the guardian of her child."
Tinalikuran niya ang doktor at puno ng takot ang dibdib na tinakbo ang DR. "Agatha..."
Agatha smiled weakly. "Take care of Angeline, Maxine. Love her. And tell her I love her very much. Promise me..."
"Y-you'll be fine." Gumagaralgal ang tinig niya at naninikip ang lalamunan niya sa pagpipigil ng iyak.
"Promise me..."
She bit her lip to keep her from crying hysterically. Hinawakan niya ito sa kamay. "I... promise."
Hinawakan siya sa mga balikat ng attendant at inakay palabas. Hours later, she was told that Agatha died minutes after she gave birth. That the doctors couldn't stop the bleeding.
Hindi alam ni Maxine kung kailan huminto ang mga luha niya. Agatha was both a friend and sister rolled into one. They had met in college. Paaral ito ng mga madre. Pareho silang panggabi sa kolehiyo dahil nagtatrabaho siya bilang service crew sa araw at si Agatha naman ay sa kumbento.
Agad silang naging malapit sa isa't isa. Maraming mga bagay sa buhay ang magkatulad sila—isa na roon ang pareho silang walang nakilalang ama.
Hindi nakilala ni Maxine ang ama niya. Ayon kay Rebecca, ang mama niya, ay nagtrabaho sa Middle East ang father niya at nangako na magpapakasal sa sandaling makaipon. Hindi nangyari iyon dahil may nakilalang nurse sa Saudi ang kasintahan ni Rebecca. Naiwan itong nagdadalang-tao nang walang asawa.
Maxine was eleven when her mother married a businessman. Her stepfather was sweet and kind. Binubusog silang mag-ina sa materyal na mga bagay. Hanggang isang hapon ay dumating nang maaga ang stepfather niya. Ang mama niya'y kasalukuyang nasa groserya nila sa palengke. Nagulat pa siya nang sa paglabas niya ng banyo ay naroon ito.
Sa edad na onse ay malaking bulas si Maxine. Nagsisimula nang kakitaan ng pagdadalaga ang katawan. And she wasn't too innocent as not to recognize the dangerous looks in his stepfather's eyes as he surveyed her young body dripping with water and wrapped only in towel.
She had seen those looks before. Subalit hindi niya iyon binibigyan ng masamang kahulugan, kahit na nga ba tuwing naroroon ito'y lagi itong nakaakbay sa kanya, kinukumusta ang pag-aaral niya habang ang mga daliri nito'y humahaplos sa mga balikat at leeg niya.
Subalit kakaiba ang pagkakataong iyon. Nararamdaman niyang may masama itong binabalak. At wala ang mama niya. "T-Tito Raul..." Humakbang siya paatras.
"Kay ganda mo, Maxine..." he whispered. Then he had tried to seduce her by so many endearing words. Promising her with lots of money. Dumukot pa ito sa bulsa at ipinakita ang bungkos ng pera at iniaabot sa kanya.
But Maxine was so terrified that when he reached for her, she screamed the house down. Agad siyang dinaluhong ng ama-amahan at tinakpan ang bibig niya kasabay ng paghiklat ng tuwalya sa katawan niya.
Mapalad siya dahil nang sandaling iyon ay may dumaang kartero at sandaling huminto upang tingnan sa bag nito kung may mails silang mag-ina. Narinig nito ang sigaw niya bago iyon naawat ng stepfather niya.
Kumatok ito at tumawag. Lalong humigpit ang kamay ng stepfather niya sa bibig niya. Subalit hindi siya nasiraan ng loob, kinagat niya nang malakas ang kamay na tumatakip sa bibig niya at malakas na sumigaw. Scream that hurt her throat for days later.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: I'm Crazy For You
Romance"Isusulat mo ito sa nobela mo, Maxine... 'She opened to him like a flower drinking in rain. Her mouth was soft and inviting. His tongue slid between her lips... And she was lost,'" he murmured as his mouth did what he just narrated. Kinasusuklaman n...