Maxine hated this man. Hindi niya maintindihan kung paano nasangkot ang kaibigan sa isang tulad ni Leandro Villarica. Yes, he was handsome, gorgeous. Dahilan upang ang ilang mga babae ay sambahin ito. But she would never be any man's slave.
She wondered kung ilan pang ganitong uri ng lalaki ang nabubuhay sa mundo. At hindi niya matatagalan ang pag-atake nito sa pagkatao niya. She took a deep calming breath.
"Kahit anong uri pa ng pang-iinsulto ang maisip mo para sa akin, hindi niyon mababago na ikaw ang ama ni Angeline."
Mrs. Villarica turned to her son. "I still own this house, hijo. May karapatan akong patuluyin ang sino mang gusto kong patuluyin. Now, kung sa palagay mo ay hindi mo gustong makasama si Maxine sa loob ng tatlong linggo, marahil ay doon ka na muna sa condo mo. Tutal ay alikabok lang ang naninirahan sa condominium unit na iyon."
"I don't believe this, Mama!" he exclaimed in disbelief and frustration. Umiling, itinaas sa ere ang mga kamay. "Kung iyon ang gusto ninyo, fine with me!" He silently muttered a curse then he turned to leave.
"Wait," tawag ni Maxine dito. Kung aalis si Leandro, magkakaroon lang ito ng pagkakataon na matakasan ang lahat—matakasan ang responsibilidad kay Angeline.
"What?" he snapped.
"Sa isang banda ay may punto po ang anak ninyo, Mrs. Villarica," wika aniya sa ginang subalit ang mga mata niya ay nanatiling nakatuon kay Leandro. "Hindi nga naman maaalis sa kanya ang pagdududa na baka isa akong masamang tao. Para makatiyak ka, dala ko ang company ID ko. Maaari mong tawagan ang publishing company na pinagtatrabahuhan ko." Dinukot niya sa bulsa ng capri pants niya ang cell phone at iniabot dito.
"Maaari mong tawagan ang lahat ng mga pangalang nakalista riyan at itanong mo sa mga kaibigan at sa mga kakilala ko kung anong uri ng pagkatao mayroon ako... o kung miyembro ako ng isang sindikato." The last sentence was uttered with sarcasm.
"You said you're working in a publishing house?" he said, didn't bother to take her cell phone. Pinaraan nito ang sarkasmo sa tinig niya.
"She's a writer, hijo," pagbibigay-impormasyon ni Mrs. Villarica. "Nagsusulat siya ng mga kuwento sa pocketbook. Parang Mills and Boon. The ones you saw in my room." May ngiting nanilay sa mga labi ng matandang babae.
"Oh," he muttered in exasperation. Pagkatapos ay isang mapang-uyam na ngiti ang pinakawalan. "That explains it, Mama. Ang trabaho niya ay ang maghabi ng kuwento, mga kuwento para sa ikaaaliw ng mga mambabasa. Kaya paano tayo nakatitiyak na hindi ito isa sa mga kuwentong hinahabi niya?"
She clenched her teeth. She opened her mouth to say something, ngunit inunahan siya nito.
"You know what I think, Max—ine?" Sinadya nito ang paghiwalay ng mga letra. "Maaari ngang totoo ang ipinakikilala mo tungkol sa sarili mo. Maaaring kilala mo si Agatha at alam mong dati siyang nagtrabaho sa Vtex. But it's been more than a year nang huli kong makita si Agatha.
"And how would I know kung ano talaga ang nangyari sa kanya? Kung totoong patay na nga siya, at kung sa kanya talaga ang batang nasa loob ng silid na iyan?" Sinulyapan nito ang nakasarang pinto. "For all I know, baka ginagamit mo lang ang bata upang guluhin ang buhay ko. So why don't you just tell me what you want from me. Dahil..." He paused for a moment. His eyes on her were like laser. "Dahil kapag napatunayan kong hindi ako ang ama ng bata, I will have you arrested... sa lahat ng panggugulong ito," banta nito.
Hindi niya sinasadyang matawa. The man was impossible. Hahanap at hahanap ito ng butas malusutan lang nito ang lahat. Agatha might be many things but being a liar wasn't one of them. At hindi siya ang uring sumusugod sa giyera nang walang dalang sandata.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: I'm Crazy For You
Romance"Isusulat mo ito sa nobela mo, Maxine... 'She opened to him like a flower drinking in rain. Her mouth was soft and inviting. His tongue slid between her lips... And she was lost,'" he murmured as his mouth did what he just narrated. Kinasusuklaman n...