Seven

2.8K 74 7
                                    


"DNA test is kind of final," Leandro said after a while. "Malalaman natin ang katotohanan kapag hawak na natin ang resulta. Totoong magtataka ako. I am too careful about my sex life. And though I hated marriage, I am a level-headed person. Marahil nga ay totoong may nangyari sa condom. Hindi ko man gusto ay wala akong magagawa kundi tanggapin ang bagay na ako ang ama ni Angeline."

"Kung ganoon ay kailangang magawa na natin kaagad ang DNA test," sabi ni Maxine na nakadama ng kasiyahan. "Pati ang trabaho ko'y nabibitin dahil sa nangyayaring ito. Gusto ko na ring umuwi kami sa Candelaria. Natitiyak kong nananabik na ang mama ko kay Angeline."

"Look, Maxine," he said. "Here's the deal. Kapag lumabas sa DNA test na ako ang ama ni Angeline, ipinapangako ko sa iyong wala kang maririnig na anuman mula sa akin. Ibibigay ko sa anak ko ang lahat ng nararapat para sa kanya. She would be my heir. Sa amin ng mama siya titira. You will no longer be Angeline's guardian."

She gasped. Hindi niya naisip iyon. Mawawala sa kanila si Angeline! Paano ang mama niya? Natitiyak niyang masasaktan ito... at siya. Paano ang pangako niya kay Agatha?

Hindi dapat ganoon ang mangyari!

"You're so transparent. You cannot have your cake and eat it, too, my dear," matabang nitong sabi.

"Ang... ang gusto ko lang naman ay may kilalaning ama si Angeline. At na ibigay mo sa kanya ang responsibilidad mo," she said in a voice that she thought wasn't hers.

"That is exactly what I would do. At magagawa ko lang iyon kung nasa akin ang anak ko. One thing you must know about me, my dear, is that I keep what is mine."

Hindi niya makuhang magsalita. Hindi ganoon ang inaasahan niyang mangyayari. Kikilalanin ni Leandro na anak si Angeline subalit mananatiling kanya ang bata, nila ng mama niya.

She made a promise to Agatha!

"Ilang taon ka na nga pala?" pag-iiba ni Leandro ng usapan na ikinagitla pa niya.

"Twenty-five," sagot niya na tila robot. Okupado ang isip niya sa huling ipinahayag nito.

But then what did she expect? Kahit si Mrs. Villarica ay nagpahayag na na mananatili sa piling nito si Angeline.

Had she made a mistake?

"You said you're a writer. What kind of things do you write?"

"Romance," awtomatiko niyang sagot.

"No shit!" he said unbelievingly. Sandaling tinapunan siya nito ng tingin. "How can you be a romance writer when, the way I take it, you hate men?"

Nagpakawala siya ng naiiritang ungol. "No shit, Leandro," she retorted sarcastically. "You see, sa mga kuwento ko, I am god. Doon ko binubuhay ang lahat ng mga katangiang siyang nararapat para sa isang lalaki."  

MALIIT lang ang may dalawang silid na apartment na pinagsamahan nina Maxine at Agatha. At nakarating na ring minsan doon si Leandro bagaman hindi niya gaanong natatandaan ang loob ng apartment.

He was too drunk to remember. Madaling-araw na siyang umalis doon nang sa tantiya niya ay nahimasmasan na siya. Nagmamadali siyang umalis at hindi pinag-ukulan ng pansin ang paligid. But looking at it now, he realized the apartment, though small, was kind of homey.

There were flowery curtains in every window. May mga flower vase na bagaman plastic ang mga bulaklak ay mahusay naman ang taste para sa arrangement. Katerno ng kurtina ang mga almohadon. It was so obvious that the ones living in the apartment were women. Predominant ang kulay-rosas na mga bagay.

All-Time Favorite: I'm Crazy For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon