Eleven - Last Part

4.5K 118 12
                                    


"I shouldn't have left," usal ni Maxine habang nagbibiyahe sila patungo sa ospital. "Alam kong masama ang pakiramdam ni Angeline."

"Don't blame yourself." Sandali nitong inabot ang kamay niya at pinisil. "She'll be all right. She had the best doctors."

Nakatuon ang mga mata ni Leandro sa kalsada at nag-concentrate sa pagmamaneho. Sa loob ng ilang sandali'y nanatiling tahimik si Maxine. Panay ang hugot niya ng hininga. Hindi niya alam kung nananalangin siya o nag-iisip. Maybe she was praying.  


AGAD na napatayo si Mrs. Villarica mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa sa tapat ng ICU room nang makita ang pagdating nila. Lalo pa yatang lumalim ang mga gatla nito sa noo sa pag-aalala.

"Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari." mangiyak-ngiyak ang tinig ni Mrs. Villarica. "Hindi sana tumaas pa ang lagnat ni Angeline kung na-check ko siya sa crib niya. Hindi ko naisip na wala ka na at walang makaririnig sa iyak niya. Oh, god! Sa buong magdamag ay inaapoy ng lagnat ang apo ko at nalimutan kong nag-iisa siya sa nursery!"

"Wala kayong kasalanan, Tita," alo ni Maxine. "Walang may kagustuhan ng lahat ng ito."

"Nagkausap na ba kayong muli ni Dr. Chionglo, Mama? Maaari na ba naming makita si Angeline?"

"Kani-kanina lang pumasok sa loob uli si Doktor matapos mag-rounds. Pero kanina ay sinabi ng nurse na hindi pa bumababa ang lagnat ng apo ko."

Pinaglipat-lipat ni Leandro ang tingin sa dalawang babae. Both women had that haunted look. Nasa pinto ng ICU nakatuon ang mga mata. Napabuntong-hininga siya. Sa mga sandaling iyon ay gusto niyang kamuhian si Lorenzo Villar. Ito dapat ang makaramdam ng nararamdaman niya. Ito dapat ang mag-alala.

Hindi niya gusto ang takot na nasa dibdib niya. It was killing him. Daig pa niya ang totoong ama ni Angeline sa nararamdaman. May pakiramdam siyang pinarurusahan siya.

Hindi kaya pinarurusahan talaga siya? Because he had lied about the truth. Handa siyang itago kay Maxine ang katotohanang si Lorenzo Villar ang tunay na ama ni Angeline para sa pansariling kapakanan.

Ni hindi niya naisip na baka handa namang panagutan ni Lorenzo Villar ang responsibilidad nito sa bata. Sa records nito ay iisa lang ang anak nito sa asawa. Sa ginawa niya ay inilayo niya ang pagkakataong makilala ni Angeline ang tunay na ama na siya mismong gustong mangyari ni Maxine.

Sa kasinungalingan ni Leandro ay ang sanggol ang nagdurusa. Nanlulumong napaupo siya. Tumabi si Maxine at hinawakan ang kamay niya. Ikinulong niya ang kamay nito sa mga palad niya at tinitigan ito.

"May kasalanan ako sa iyo," mahinang usal niya, nasa tinig ang panlulumo. "Nagsinungaling ako nang sabihin kong—"

Hinatak ni Maxine ang kamay sa pagkakahawak niya at dinala iyon sa dibdib nito. "Hindi totoong mahal mo ako? Na sinabi mo lang iyon upang sumama ako rito?"

"I love you, Maxine. That, at least, is true. But I lied about Lorenzo Villar. Hindi totoong baog siya."

"Si... si Villar ang totoong ama ni Angeline?"

Tumango siya. "Hindi ko gustong malaman mo. Hindi ko rin sinabi kay Villar ang tungkol sa bata. I thought all you cared about was finding Angeline's father. And I thought being his father would help me win you."

"W-why are you telling me these?" naguguluhang tanong nito. "Bakit sa ganitong pagkakataon? Right now, ang buong pag-iisip ko'y nakatuon sa bata. Hindi ko kayang mag-isip ng iba pa..."

"I had this crazy idea that I am being punished for the lies I had you believed. And that maybe telling you the truth could make Angeline well. And then I thought I shouldn't have really lied at all. If I wanted a relationship with you, it shouldn't be built on lies and deceit."

"Hindi ikaw ang may kasalanan sa nangyayari kay Angeline, Leandro," she said softly, love for him in her eyes. "Hindi dahil nagsinungaling ka. At naniniwala akong mahal mo ako. Malalampasan ni Angeline ang lahat ng ito..." pagpapatibay nito sa kanya.

Then Maxine's arms were around him. "And I love you, too, Leandro. Alam kong mahal mo rin si Angeline. I saw it in your eyes every time you looked at her. Hindi kailangan ni Angeline ang biological father niya."

"Leandro... Maxine," wika ni Mrs. Villarica na mula sa pinto ng ICU ay lumapit sa kanila. "Sa nakikita ko sa inyo ay ako na sana ang pinakamaligayang ina kung hindi sa kasalukuyang kalagayan ng apo ko. Pero hindi ako makapaniwalang pinagdududahan mo pa ring ikaw ang tunay na ama ni Angeline, hijo..."

"Mama..."

"Okay, may aaminin ako sa inyo. Ang totoo niyan ay nagbayad ako ng malaki upang makuha kaagad ang resulta ng DNA test, Leandro. Hindi ko mahintay ang dalawang linggo pa bago ang resulta. Kailangan ko ang pataan na araw upang maipabago ang resulta ng DNA kung negatibo man ito. Magbabayad ako kahit na magkano..."

"Mama?"

"I am sorry. Kailangang makatiyak akong hindi mawawala sa akin ang apo ko. Bagaman sa puso ko'y alam kong ikaw talaga ang ama niya, Leandro, I am giving myself the benefits of the doubt. Kaninang umalis ka ay tinungo ko ang immunology at nasabi na sa akin ang resulta."

"Ano ang resulta, Mama?" he asked, wala siyang natatandaang bumilis nang ganoon ang tibok ng puso niya.

"Positive. Ikaw ang ama niya, Leandro. Hindi na kailangang dayain pa. At naalala ko nang dalhin natin si Angeline kaninang umaga, sa sasakyan ay napuna ko ang nunal niya sa likod ng kaliwang tainga. Pamilyar sa akin ang nunal pero hindi makapasok sa isip ko dahil nag-aalala ako sa bata..." Nilinga siya nito.

"Tulad... ng sa akin?" Pinakawalan niya ang hiningang kanina pa pinipigil.

Bago pa sila makahuma sa pagkamangha ay bumukas ang pinto ng ICU. Magkasabay silang tumayo ni Maxine.

"Dr. Chionglo?" ang salubong ni Mrs. Villarica. "Kumusta ang apo ko?"

Humugot muna ng malalim na hininga ang doktor bago sumagot. "Bumaba na ang lagnat niya. Thirty-seven point six. It's a good sign. She'll be fine, don't worry. Hindi delikado ang pneumonia basta naagapan. The antibiotics were working on your granddaughter, Mrs. Villarica."

"Can we see her?" Leandro asked, itinatago ng paglunok ang pagnanais na umiyak.

Tumango ang doktor. "Yes. And it would be better kung titimplahan n'yo na rin siya ng gatas."

Bago pa makakilos ang dalawang babae ay nauna na sa pagpasok sa ICU si Leandro. Nagkatinginan ang dalawang babae. It gave Maxine such pleasure to see this big macho man being so emotional and tender with his little daughter.

Napahugot siya ng hininga nang mapunang madaliang pinahid ni Leandro ang luha sa mga mata nito bago niyuko si Angeline at hinagkan sa noo.

"I love you, little one," he whispered.

Pagkatapos ay nilinga siya. He smiled at her. "Maxine, would you be the mother of my daughter?"

Napahugot siya ng hininga. "Absolutely," she said under her breath, unable to keep the smile from her face. What she would give to have Angeline for a daughter... and him for a husband.

"Teka nga muna," wika ni Mrs. Villarica sa kunwa'y seryosong tono. "Umalis kayong dalawa at bilhan ninyo ng gatas ang apo ko. Huwag mo ritong gawin sa ICU ang proposal mo, Leandro. How unromantic!"

Nagtawanan ang dalawa na agad namang napigil nang sawayin sila ng head nurse ng ICU. Hinawakan nito ang kamay ni Maxine at inakay palabas.

Then he held her in his arms. "Gusto kong sundan si Angeline. Kailangang mabigyan agad siya ng kapatid. Dalawa... no, tatlo... apat kaya?" Then he kissed her mouth.

"Ilan uli?" she murmured dreamily.


                                                           ****Wakas****

All-Time Favorite: I'm Crazy For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon