Hindi si Leandro ang ama ni Angeline kundi si Lorenzo Villar. Kung iuuwi ni Maxine ang bata ay maliligayahan ang mama niya. Pero kapalit naman ang kalungkutan ni Mrs. Villarica—na sana'y hindi mangyayari kung hindi niya inilapit dito si Angeline. Huwag nang sabihin pang hindi papayag si Mrs. Villarica na kunin niya ang bata at iuwi sa probinsiya.
At sa gulong dinala niya sa mag-ina, wala siyang magagawa kundi ipaubaya na sa mga ito si Angeline. Umaasa na lang siyang madadalaw niya paminsan-minsan ang bata. Hindi kailangang malaman ng mama niya ang katotohanang hindi si Leandro ang ama ni Angeline upang hindi na ito masaktan.
Ang lahat ay magiging maayos na rin para sa anak ni Agatha. At natitiyak niyang magiging isang mabuting ama si Leandro kay Angeline.
And as for her... uuwi na muna siya sa Candelaria. Pagkatapos ay ibabalik niya sa dati ang buhay niya. Kailangan niya ng isang lugar kung saan maaari siyang magsimulang magsulat ng panibagong nobela. Masakit man sa damdamin niya na malayo kay Angeline, nakatitiyak naman siyang mapapabuti ito.
And as for Leandro, well, maybe they would end up good friends. And she could visit Angeline sometimes.
"Hey..." Banayad na tinapik ni Leandro ang pisngi niya. "Are you all right?"
Tumango siya. Sapilitang ngumiti. "Nagkamali ako. But I think I just made Agatha the proudest friend."
Leandro smiled back. "Ano ang plano mo ngayon?"
Nagkibit siya ng mga balikat. "Pansamantala'y uuwi na muna ako sa Candelaria. Perhaps to start a new novel."
May ilang sandaling tinitigan siya ni Leandro bago, "Ang nangyari sa atin kagabi—"
"It was sex, Leandro." Pinutol niya ang gusto nitong sabihin. "Ginusto ko. Ginusto mo. Ginusto nating pareho. End of story."
He looked taken aback. "Iyon lang ba ang turing mo sa nangyari sa atin?"
"What else could it be?"
"Dammit, Maxine! It was... it was..." Hindi nito malaman ang sasabihin, then, "I didn't use protection."
Gusto niyang matawa sa kabila ng tila patalim sa puso niya ang sinabi nito. Iyon lang ang ipinag-aalala nito, na hindi ito gumamit ng proteksiyon. But if she would be honest to him, what they had shared last night was not just sex.
And it would be foolish to think that love had something to do with what happened between them. But there was something emotional, something complex and unexplainable.
"Yeah. So much for being so fanatic about protections," she teased. "Wala kang dapat alalahanin, safe ako." That was a lie. Malalaman lang niya iyon kung darating ang period niya sa susunod na dalawang linggo.
Inaasahan niyang ikagagaan ng kalooban ni Leandro na marinig iyon. Pero taliwas sa inaasahan niya ang reaksiyon nito. May kung anong bagay na hindi niya mailarawan ang sandaling nakiraan sa mga mata nito.
Tumango ito pagkatapos ng mahabang sandali. Then he looked straight at her. "We'll talk about this tonight. May meeting ako sa Westin Plaza..." Tinitigan nito ang relo sa braso, "nang alas-dos. Mamaya pag-uwi ko'y pag-usapan natin ang..." He paused, "... nangyari kagabi."
"ALAM ba ni Leandro na uuwi ka ngayon sa probinsiya, hija?" tanong ni Mrs. Villarica nang magsimula siyang mag-empake.
"Hindi ko po nasabi sa kanya dahil mahuhuli na siya sa meeting niya, Tita Angelina," Maxine said, it was a half lie. She was just too much of a coward to say good-bye. "Pero naipahiwatig ko."
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: I'm Crazy For You
Romance"Isusulat mo ito sa nobela mo, Maxine... 'She opened to him like a flower drinking in rain. Her mouth was soft and inviting. His tongue slid between her lips... And she was lost,'" he murmured as his mouth did what he just narrated. Kinasusuklaman n...