02

35 1 1
                                    

4 years later

There's something about Kian that I despise the most. Hindi ko alam, basta naiinis ako sa kaniya. Naiinis ako sa lahat ng ginawa niya sa'kin noon nung classmates pa kami.

Natatalo niya kasi ako palagi sa mga school contests at quiz bee's. Kahit anong gawin ko, talo pa rin ako.

It's been four years since the last I saw him. That night when we talked, iyon na ata ang pinakamatagal naming conversation. Kinabukasan non, lumipat sila ng bahay. I heard it was somewhere far away. 'Yan sabi ni mommy. Now I'm seventeen, and I would never forget what a jerk Kian is.

"Kheanneah!"

Napakurap ako nang marami. Tinatawag na pala ako ni Judy, ang best friend ko since highschool.

"Ha?" I faced her with my eyes confused as hell.

"Okay ka lang? Ang lutang mo ngayon, ah." Bulong niya. Siniko niya pa ako.

"Just tired," I shrugged.

I sit properly and fixed my posture. I cleared my throat and was trying to take note of the writings written on the board. Bumalik na rin sa pag ta-take note si Judy.

Nakikinig na kami pareho sa teacher na nagtuturo sa gitna. A lot of formulas were written on the board and I'm glad I understood it all. Math, I love math. It's one of the things that I'm good at.

"Okay, now, get one sheet of paper and close all your notes." Ms. Fendez clicked close her pen and sat down on her desk.

Everyone yawned. Puno ng reklamo ang classroom. Quiz nanaman kasi. First day of school palang at quiz na. Seriously, give us a break!

Nataranta kaagad ang mga kaklase ko. Nakakainis pa 'yung iba, walang mga dalang papel. Ubos nanaman ang papel ng isang kaklase ko.

I excused myself for a while, lumabas ako ng classroom at pumunta sa restroom. I did my thing there and fixed my makeup and hair. I retouched everything and sprayed perfume all over me.

"Perfect," I smiled on my reflection on the mirror. I went out the restroom and head back to the room.
Pagdating, umupo na kaagad ako sa upuan ko.

Laking pagtataka ko nang nakita kong may lalaking nakaupo sa harapan ko. That seat infront of me was supposed to be empty. Tinawag ko si Judy na nasa giliran ko na nakaupo. Magkatabi kasi kami ng upuan.

"Sino 'toh?" I pointed the guy's back infront of me.

"Transferee, kanina lang dumating nung pumunta ka ng Cr." Bulong niya pabalik at nagsosolve na ng equations na naka sulat sa pisara.

I shrugged and didn't mind the guy infront. Pero hindi ko mapigilang mapansin, his back and forearms are ideally muscular. Not too buff, but not too thin. He's pretty tall too. Nahihirapan kasi akong makita ang pisara dahil nakaharang ang likod niya.

I shook my head and focused on the equations written on the board. I managed to solve the equations on the board in just 15 minutes, nakita kong nagsusulat pa ang lalaki sa harapan ko. Guess he's having a hard time solving. Napangiti ako, I thanked god that this transferee isn't some competitive nerdy freak.

"Okay, pass your papers forward!" Ms. Fendez banged the table infront of her and started counting down from 10.

Kinuha ko ang papel ng kaklase ko sa likuran. I piled it evenly with my paper infront. I tapped the guy's back infront of me para ibigay ang papel sa kaniya.

But he just extended his arm on-top of his shoulders and reached out for the papers na nasa kamay ko pa. Inabot ko nalang sa kamay niya ang mga papel na hawak ko. Hindi manlang siya humarap para kunin, ang tamad niya naman.

Meet me in the golden sceneryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon