Lumabas kaagad kami ni Judy ng classroom nang nag-ring yung bell. Sa wakas at tapos na rin ang klase.
Sabay kaming naglakad ni Judy patungo gate. Sabay rin kaming umupo sa bench ng guard house. Doon, nagchikahan lang kami hanggang sa tinawag na siya ng mommy niya.
"Uy, nandyan na raw si mommy sa labas. Mauna na ako, ah?" Tumayo si Judy at inayos ang bag niya.
I then saw Kian walking towards here. Pero hindi siya nagtungo sa bench namin. He sat on the bench beside ours. I pretended he wasn't there.
"O, sige, mauna ka na. Ingat ka!" I waved at her.
"Uy, Kian!" Judy turned her attention to Kian and waved at him. Kian just smiled and gave Judy a nod. What a snob.
"Ikaw? Wala pa ba 'yung daddy mo?" Binalik niya ule anv atensyon niya sa'kin.
I then swallowed the lump in my throat. Kumurot kaagad 'yung dibdib ko nang napagtanto ko na hindi nanaman ako masusundo ni daddy.
"Mag co-commute nalang siguro ako, may mga bus pa naman tuwing hapon." I smiled forcefully to assure her that I'll be fine.
"Sige, mag ingat ka, ha! Bye na, beh!"
I waved back at her as I watched her walking outside the gate. Naiwan nanaman akong mag-isa rito.
"Phew...init.." Rinig kong reklamo ni Kian.
Hindi pala ako mag-isa. May kasama pa akong demonyo. I secretly take glances of him. Gusto ko lang malaman kung anong ginagawa niya rito sa bench, e, may kotche naman 'toh kaya't imposible na nag-aantay 'toh ng sundo.
Tumayo na ako matapos kong chinat si mommy na mag co-commute ako pauwi para naman hindi siya mag-alala kung ba't late ako nakauwi.
Paglabas ko ng gate, mabuti nalang at may nakita kaagad akong bus kaya't pinara ko na. I went in and sat on the seat near the window. Magandang spot din 'toh, wala kase akong katabi sa upuan. I then placed my bag on top of my lap.
Huminga ako nang malalim habang nakapikit ang mata. I gave my head a massage while I closed my eyes. Sakit kase ng ulo ko, parang mabibiyak. Mas nabadtrip pa ako nang naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Akala ko good spot na 'toh, hays.
"Matutulog nalang muna ako-" I froze in my seat.
Parang naghalo ang mga dugo ko nang nakita ko si Kian sa tabi pagdilat ko. He looked back at me confused but not surprised. Sinadya niya ba talagang umupo sa tabi ko?!
"Ano?" He raised a brow at me.
I blinked to pour some sense in me. I rolled my eyes at him as I look away. Napabuntong hininga nalang ako, the thought of being next to him the entire ride is stressing me out.
I flushed in embarrassment when my tummy suddenly growled. Ang lakas pa! Huhu! Narinig kaya 'yon ni Kian? I cleared my throat and scoot over to the side, away from him. Ang dikit na tuloy ng mukha ko sa window ng bus.
"May nova nga pala ako dito sa bag," I heard him say.
Dahan-dahan kong ginalaw ang mga mata ko sa kaniya. I saw him taking out a bag of nova chips and opened it with his hands. Kumuha siya ng isang piraso atsaka dahan-dahang inilapit niya sa kaniyang bibig. My eyes followed the chip as it went in his mouth.
Napalunok ako at napadila sa labi ko.
"Hmm...yummy!" He closed his eyes and munch the chip.
"Nang-aasar ka ba?" I finally say.
Inis na ngayon ang na fe-feel ko at hindi na gutom.
"Sorry, I don't talk to strangers." Pag-ulit niya sa sinabi ko kanina. "Pero if gusto mo talaga akong kausapin, just introduce yourself to me." He looked at me and leaned in closer. His face is so so so close to mine. Suddenly I can't move and my heart's beating abnormally for some reason.
BINABASA MO ANG
Meet me in the golden scenery
RomanceKheanne has always been rivals with his classmate, Kian. She hated Kian. Simula bata pa ay ayaw na ayaw na niya kay Kian. Her parents would always compare her to the boy. And sometimes, she wish she could do better like how Kian always does. The tw...