01

41 6 2
                                    

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Any resemblance of the character's names of someone you know are purely coincidental.
This story is unedited, so if there's any errors in spellings and grammars, I deeply apologize.

Oh, and I changed it a little!

________________________
CHAPTER 1

Pauwi na ako galing ng school. Naglalakad lang ako pauwi, busy kasi si daddy at walang susundo sa'kin. Ai mommy naman ay overtime sa trabaho niya bilang doctor. Kaya't ako nalang muna ang uuwi mag-isa.

Pasimple lang akong naglalakad sa street namin at hawak ang strap ng backpack ko.

"Uy, Kheanne!"

Nataranta ako nang nakita ko si tita sa may hindi kalayuan. Mas nataranta pa ako nang nakita ko si Kian sa tabi niya. Si Kian, 'yung anak niyang snob at cocky. Mabuti nalang talaga at hindi na kami magkaklase ngayon. Tinawag ako ni tita at pinapalapit ako sa kaniya.

Ayoko sana! Kase nandyan 'yung bwiset na anak niya. Pero ayoko din magmukhang snob kaya nilapitan ko na kaagad si tita, mabait din naman kasi 'tong si tita.

"Hello po, good evening." I slightly bow and greeted them.

Tinignan ko saglit si Kian na wala pa ring expression ang mukha. Madalas ko namang nakikita si Kian dito sa neighborhood namin. Palagi kase 'tong lumalabas si Kian. May mga kasama pa siyang kaibigan. Nagulat lang ako, hindi naman kase siya ganto nung elem.

"Kamusta ang pag-aaral mo, Kheanne?" Ngumiti saakin si Tita.

"Okay naman po-"

"Top-1 ka na ba?"

Natigilan ako nang biglang nagsalita si Kian. Lumipat ang tingin ko sakanya. First time niya atang magsalita sa'kin for a long time. Kadalasan ay iniiwasan niya kasi ako. Snob talaga.

"Bakit?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

"Iwan muna namin kayo, ah. Mag usap muna kayo, magkaibigan naman kayo, e." Sabi ni tita tsaka hinawakan ang pulsada ni tito at pumasok na sa bahay nila.

Naiwan na kami ngayon ni Kian sa labas.

"So," Pagsimula niya. "how does it feel?"

Hindi muna ako sumagot. Hindi ko din kase alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Ang alin?" Tanong ko.

"To finally win first place." I can visibly see his lips smile a little. Oh, It wasn't a smile. It was a smile of mockery. Feeling niya ba na hindi ko kaya maging top-1?!

Nakakainis talaga siya!

"Masaya! Masayang-masaya!" Pang iirita ko sa kaniya. "Hindi ka naman talaga ganyan ka talino noon, sipsip kalang sa teachers natin." Dagdag ko pa.

"Ang hirap ba'ng paniwalaan na mas matalino talaga ako kaysa sayo?" Pang bwibwiset pa niya.

Aba!

"Hindi ka naman talaga ganyan ka talino. Ako isa lang ang tutor ko! Eh, ikaw? Baka lima 'yang tutor mo kaya't mas madami ang tumutulong sayo sa assignments!" Nagsisigawan na ako dito kahit gabi na. Hindi pa naman ganyan ka gabi, 6:00pm pa.

"I don't have any tutors," Mahina niyang sabi.

Wala siyang tutors? Imposible! E, ba't ang la-laki ng kuha ng assignments niya?!

"Imposible," I scoff.

"Doon ka pa rin nag aaral?" Biglang pag iba ng tanong niya.

"Oh bakit curious ka? Crush mo siguro ako." Pang-aasar ko. Syempre para tumigil na siya sa pangungulit!

Kumunot ang noo niya at umiwas ng tingin.

"Kapal ng mukha mo," Pabulong niyang sabi.

"Sus, kunwari ka pa." Pang-aasar ko pa. Hindi ko pa nakitang napikon 'toh, e!

"E, ikaw ata 'tong may crush sa'kin, e." Pang aasar din niya. Rinig ko pa ang mahina niyang tawa at kita ko din ang ngiti niya. Pero hindi ko makita ang kaniyang mata, ayaw niya talagang makipag eye-contact. Noon pa siyang ganyan.

"Yuck!" Pangdidiri ko. "Ikaw? Crush ko? Hindi ako ganyan ka babaw!"

"Hindi rin kita type 'noh," Pahabol din niyang sabi.

"Kheanne!"

"Kian!"

Parehas kaming lumingon sa likuran namin. Tinatawag na pala ako ni yaya! Baka hinahanap na ako nina daddy!

Tinawag na rin si Kian at pinapauwi na ata ni tita. Gabi na rin kase.

We both faced eachother at the same time. Ilang segundo muna naming tinitigan ang isa't isa bago siya nagsalita.

"Go in," Ngumuso siya sa gate namin.

"Papasok naman talaga ako," Tinarayan ko pa rin siya tsaka dahan dahang tumalikod at naglakad patungo sa gate namin.

Ramdam ko pa rin ang presensya niya sa likuran ko. He stood there watching me going in the gate. Mula sa pagpasok ko sa gate ay nandun pa rin siya at may katawag na sa cellphone niya. Nahuli ko siyang lumingon sa'kin. Umiwas agad siya ng tingin at nag-uusap ulit sa kung sino ang kausap niya sa telepono.

Hanggang sa patungo na ako ng door ng bahay. Tinignan ko ulit ang kinaroroonan niya bago pumasok.

And he wasn't there. Pumasok na rin ata.

Kaya't pumasok na rin ako nang tuluyan. This was the longest conversation we ever had since elementary.

Meet me in the golden sceneryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon