chapter one

7 0 0
                                    

"Mahal, surprise!" Sorpresa ni Ria kay Tres.

"Oh? Anong meron, Mahal kong maganda." Takang tanong ni Tres, bago hinalikan ang talukip ng mata nito.

Ngumiti lang si Ria at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Tres, nasa park sila ngayon dahil kaarawan ngayon ng anibersaryo nila. At pinauna na ni Ria si Tres dahil meron pa s'yang kailangan tapusin.

"Wala lang, gusto lang kitang i-surprise." Natawa naman si Tres sa inasta ng nobya n'ya.

Nagkakilala sila Ria at Tres dahil ang mga kaibigan nila ay magkakakilala at naging close friends sila noong nasa kolehiyo palang sila. Kinuha nila ang kursong BS Civil Engineering at BS Accountancy. 

"Mahal, Happy Anniversary!" Ani Ria bago nilapag ang maliit na box ng cake sa lamesa na inukupa nila.

"Ba't nag-effort ka pa, sapat na sa'kin na nandito ka ngayon sa tabi ko. Pero salamat pa rin, happy anniversary rin, love." Bati rin ni Tres sabay yakap sa kasintahan nito.



"Ano na balita sa inyo ni Tres, bading?" Ani Zamiel, ang beki kong kaibigan.

"Ayos naman, busy pareho dahil sa nalalapit na finals." Tumango naman si Zamiel.

Nandito kami ngayon sa canteen kasama ang iba ko pang kaibigan, si Tres ay hindi pa lumalabas dahil mamaya ang oras ng break time nila.

Sila Fiona at Riley, as usual naglalambingan na naman sa tapat namin. Hindi sila mapag-hiwalay, sabagay magkasintahan kasi.

"Ano ba Riley, nasa canteen tayo! Baka may makakita sa'tin at matawag pa tayo na PDA ginagawa natin." Masungit na sabi ni Fiona kay Riley.

"Ano ba pake ko sa kanila, babe? Kaya kong bilhin tong school na'to para payagan tayong magganto." Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Riley, totoo naman dahil mayaman ang pamilya n'ya. Bigla namang hinampas ni Fiona ang balikat ni Riley dahil sa inasta nito.

"Ewan ko sayo, Riley!" Busangot na ani ni Fiona, natawa naman si Riley at hinugot paalis si Fiona papunta kung saan man.

"'Yung dalawang 'yon talaga, hindi mapag-hiwalay." Singit ni Astrid nung mawala na sa paningin namin yung dalawa. 

"Wews, parang kayo ni Kiara hindi ah?" Sagot agad ni Leo. 

"Syempre, kami pa ba? 'Di ba Kiara?" Sagot ni Astrid sabagay mahinang bangga sa balikat ng kasintahan n'yang nananahimik kumain.

"Oo na! Tigilan mo 'ko, Astrid, susungalngal ko 'tong pagkain ko sayo." Side eye na sagot ni Kiara na ikinatawa ng lahat.

Habang nagke-kwentuhan, ta-tawanan, ba-bangayan, ang mga kaibigan ni Ria. S'ya namang ngumingiti lang sa mga ginagawa ng kan'yang mga kaibigan, swerte talaga s'ya dahil natagpuan n'ya ang ganitong klaseng mga kaibigan na kahit anong mangyari lagi silang nandiyan para sayo.

"Hi..." Pagod na ani ni Ria kay Tres.

"Okay ka lang?" Tumango nalang si Ria sa tanong ni Tres, dahil inaantok na talaga s'ya, ang dami ba naman ng quizzes kanina, sino hindi mapapagod do'n?

"Sige, tulog ka muna d'yan. Ako na bahala sayo." Ani Tres sabay halik sa noo ni Ria, napangiti naman s'ya sa ginawa ni Tres at doon na tuluyan nakatulog sa bisig ng kanyang nobyo.



Maybe In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon