chapter two

2 0 0
                                    

"What if sabihin mo na kay Tres nangyayari sayo?" Banggit sa akin ni Ace, ang kaibigan ko na simula pa kinder ko.

"Ayoko! Ayoko mag-alala pa s'ya sa'kin..." Mahina ngunit may hinanakit na tugon ko.

"Eh kaysa naman na sa huli pa n'ya malaman?? Che, alam mo namang may taning ka sa buhay mo! Kahit anong oras pwede kang mamatay dahil sa sakit mong 'yan!" Galit at hindi na nakapag-timpi na sigaw ni Ace sa akin.

"Kahit na! Ayoko s'yang mag pokus lang sa akin! Mas gu-gustuhin ko pang ako nalang umintindi sa sakit ko kaysa mag-abala pa s'ya sa akin." Diin kong sagot sa kanya.

"Bahala ka na nga sa buhay mo." Seryosong sabi ni Ace.

Wala nang nagawa si Ace kung hindi umalis na lamang sa kwarto ng kaibigan n'ya, dahil alam n'yang hindi ito makikinig sa mga sinabi n'ya.

Humagulgol nalang ako, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung sasabihin ko nga ba kay Tres ang nangyayari sa'kin gaya ng sinabi ni Ace, o ita-tago ko na lamang para hindi s'ya mag-alala sa akin. At hindi rin ma-abala ang kan'yang pag-aaral, tutal graduating na naman din kami.

"Beh? Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Riley nang makita na mugto-mugto ang mata ko.

"Syempre, oo naman!" Naka-ngiti ngunit pilit na tugon ko. 

Alam kong pansin ng mga kaibigan ko na aligaga ako simula nung nakaraan pa, kaya kapag tinatanong nila ako ang lagi ko lang sagot ay 'Okay lang ako, wala lang 'to.'. Pero hindi na ata nakapag-pigil itong si Riley kaya nag tanong na s'ya. Siya at si Astrid ang hindi pala-tanong kong mga kaibigan, more on to observation sila kaysa salita.

Ika nga nilang dalawa dati, 'Mas okay nang manahimik nalang kaysa mag-sabi pa ng walang kwentang bagay.'

"Alam mo, Ria. Wala naman kaming kontrol sa ginagawa mo, e'. Pero patagal nang patagal lumalala lang sakit mo, hindi man namin sabihin pero kahit kami. Nahihirapan sa sitwasyon mo." Seryosong sabi ni Astrid, alam kong seryoso ito sa sinabi n'ya dahil minsan lang ito mag-seryoso, lagi s'yang pala-biro at hindi nagse-seryoso.

"Alam ko..." 

"Alam mo pala, e'. Ba't ayaw mong sabihin kay Tres?" Nangungutya na tanong ni Astrid, na s'yang pinigilan naman agad ni Kiara.

"Tama na 'yan, 'Rid." Bulong ni Kiara.

"Bakit? Totoo naman ah? Bakit ba takot kang mag-sabi kay Tres?" Taas kilay na tanong ulit ni Astrid.

Nakayuko na lamang ako at hindi maka-tingin sa kanila. Wala namang nagawa si Astrid nang hilahin s'ya ni Kiara paalis ng inuupuan naming table.

"Pasensya na." Sabi ni Kiara bago tuluyang umalis kasama si 'Rid.

Naging tahimik naman ang table namin, at dahil doon dali-dali akong nag paalam rin paalis, at dumiretso sa garden sa likod ng school.

Nang makarating ako doon, swerte dahil walang ni-isang tao na nando'n.

Mabilis naman akong umupo sa bench doon, at nilabas na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Ayoko na Lord... Bakit naman ako pa! Bakit?! Anong ginawa kong mali?! Nag-mahal lang naman ako!"  Malakas kong sigaw, walang pake kung may makarinig man sa'kin.

Lingid sa kaalaman ko, mas lalo pa palang lalala ang pakiramdam ko.









Maybe In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon