"'Tol, what if 'wag mong dibdib-in?" Natatawa na sinabi ni Frinn, ngunit siniko naman s'ya ni Carlos at doon tumigil sa joke niya.
"Baka naman stress lang 'yon sa dami ng pinapagawa, graduating na tayo oh!" Dahilan naman ni Carlos, pero hindi pa rin natitinag si Tres kahit anong gawin nitong dalawa.
Pagtapos ng araw na 'yon, tinawagan niya si Ria pero hindi naman sumagot. Kahit sa mga texts at chats n'ya, hindi nito pinapansin, online naman s'ya.
"Kahit tawag at chats manlang, hindi niya masagot. Anong gagawin ko?" Sabi ni Tres, sabay gulo ng buhok n'ya.
Alam nila Carlos at Frinn na seryoso na talaga ang sitwasyon pag ginulo na ni Tres ang pinaka-iniingatan niyang buhok na laging naka-ayos sa paboritong style ni Ria.
"Dude, wala na kaming masabi kung hindi, baka busy lang si girlfriend, kahit si Ace nga busy dahil sa dami nang ginagawa, kaya pinabayaan ko muna para makapag-focus sa sarili." Sabi ni Leo, napatingin naman si Tres dito, kaya napataas ng dalawang kamay si Leo. Natawa naman sila Frinn sa ginawa nito.
"Kahit busy 'yon, hindi niya kakalimutan na mag update sa'kin." Ani Tres.
"You're toxic..." Biglang sabi ng tatlo.
Natawa nalang ng mapakla si Tres, sa dami ng iniisip niya, hindi na niya alam kung anong uunahin.
Kung si Ria ba o ang pag-aaral niya.
"Kung nakikita ka ni Ria sa itsura mo ngayon? Magagalit 'yon sayo, bro." Umagree naman ang dalawa sa sinabi ni Leo.
"Fine, let's go back to studying." Uminom naman ng kape si Tres bago sumandal ng maayos at nag highlight ng libro.
----------------
"Girl... Please, parang awa mo na! Sabihin mo na kay Tres!" Umiiyak na silang lahat sa paligid ko, ngunit naka-ngiti lang ako sa kanila.
"Maawa ka naman kay Tres, Chyndria." Nakayuko na sabi ni Zamiel.
"Ayoko... Makaka-abala pa ako sa pag-aara-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may biglang sumigaw.
"Putanginang pag-aaral 'yan! Pagdating sayo, hindi papansinin ni Tres pag-aaral niya!" Sigaw ni Kiara, nagulat naman ang lahat at inalalayan naman agad ni Astrid nobya niya.
"'Yon na nga, e'! Pagdating sa akin, wala na siyang pakialam sa pag-aaral niya. Kaya hindi ko sinasabi sa kanya, kasi ayaw kong maging hadlang sa pag-aaral niya." Hindi makapaniwala na tumingin ang mga kaibigan ko sa akin. Na para bang nasisiraan na ako ng utak sa mga pinagsasasabi ko...
"Hindi na namin alam ang sasabihin sayo, Chyndria." Dismayado na sabi ni Ace.
Iniwan na muna nila ako mag-isa dito sa kwarto ko, alam ko namang marami sa mga close ko na dismayado sa akin dahil sa ayaw kong abalahin si Tres sa pag-aaral niya.
Pero bakit ba hindi nila maintindihan na ayaw ko siyang guluhin? Graduating na kaming lahat, oo may sakit ako. Pero hindi ito sapat na para gambalahin ko siya, alam ko rin na busy siya sa dami ng workloads na binibigay sa'min, kaya mas pinili ko nalang na hindi sabihin para hindi mawala ng focus niya sa workloads.
Nang guminhawa ng onti pakiramdam ko, kumuha ako ng isang bondpaper at ballpen at nag sulat ako ng letter para sa kanya.
Pagtapos ko doon, pumunta ako sa bathroom, at kinuha sa maliit na cabinet sa may sink yung sleeping pills na ginagamit ko pag hindi ko talaga kayang matulog.
Kinuha ko lahat ng laman na meron doon, at bago ko pa naman inumin, ni-lock ko muna yung pinto at doon sumandal. Kumuha ako ng tubig sa sink at nilagay iyon sa baso.
"Maraming salamat sa lahat, paalam. Mahal ko." Naiyak na naman ako at mabilis na pinunasan iyong luhang tumulo, at sa huling pagkakataon, ininom ko na yung sleeping pills.
Mahal na mahal kita, Dmitri Montemayor, salamat sa lahat ng binigay mong pag-mamahal sa akin.
BINABASA MO ANG
Maybe In Another Life
RomanceChyndria "Ria" Del Carzo Dmitri "Tres" Montemayor A group project