"Ria...?" Pagtapos ng halos kalahating oras umakyat si Ace, dahil na-guilty siya sa sinabi nila kay Ria kanina, at alam naman niyang bawal ito maiwan mag-isa, dahil baka kung anong gawin nito. Lalo na ngayon mas lumala ang sakit nito.
"Chyndria? Asan ka, bakla?!" Nang hindi sumagot si Ria, panic ang bumalot bigla sa katawan ni Ace at chineck niya agad ang banyo. Nang mapansin na naka-lock ito, dali-dali niyang tinawag ang iba pa nilang kaibigan na nasa sala lang at humihinahon sa nangyari kanina.
"TULONG! SI CHYNDRIA!"
Nang marinig ang sigaw ni Ace, mabilis na nag si-akyatan ang lahat, at nagtaka kung bakit umiiyak si Ace.
"A-Ace... Anong meron? Ba't ka umiiyak?!" Takang tanong ni Fiona.
"Si R-Ria," Dinuro naman ni Ace yung pinto ng banyo, at nang maintindihan nila, dali-daling kinatok at pilit na binubuksan ang pinto ng banyo.
"RIA! MAG SALITA KA!"
"RIA, PLEASE LUMABAS KA NA D'YAN!"
At nang mabuksan nila, napatakip ng bibig at nagsisisigaw na ang lahat dahil sa nakita nila.
Si Chyndria, wala nang malay at namumutla na.
"CHYNDRIA!" Napa-iyak naman silang lahat sa nadatnan nila.
"C-Chyn, gumising ka please! Maawa ka naman sa amin." Iyak ni Kiara.
Si Riley kahit hindi makapaniwala at hindi na alam ang gagawin ay tumawag na ng ambulansya, at si Astrid ay tinawagan na si Tres.
"T-Tres..." Ani Astrid.
"Oh, Astrid, napatawag ka? Teka nga, umiiyak ka ba?" Nagtataka man, ngunit nag-aalala na tanong ni Tres.
"Si R-Ria, please pumunta ka ng hospital, ngayon din." Hindi na nakapag-paliwanag si Astrid, dahil dumating na ang ambulansya at kinuha si Ria.
---------------------
Si Tres naman na kasama nila Leo, ay bigla namang tumayo at dali-daling lumabas ng bahay. Nag-taka naman ang tatlo sa biglang asal ng kanilang kaibigan kaya tinawag nila ito. Ngunit nung hindi ito lumingon, hinawakan ni Leo ang braso nito at nagulat sila nang makita na umiiyak ito at parang hindi alam ang gagawin.
"P're! anong nangyayari sayo?" Tanong ni Carlos.
"Tumawag si Astrid, at sinabing sinugod si Ria sa hospital." Nang sinabi niya iyon, nagulat naman ang tatlo at sinabi na sasama daw sila kung saan man 'yon.
Dali-dali silang sumakay ng kotse at pinaharurot ang sasakyan papuntang hospital kung saan dinala si Ria.
Nang makarating sa hospital, pinauna na ni Leo ang tatlo, dahil maghahanap pa siya ng parking.
"Astrid!" Nakita naman din nila agad ang mga kaibigan nito. Nakita ni Tres na humahagulgol ang mga kaibigan ni Ria, at kahit gusto niya rin umiyak, tinanong muna nito si Astrid kung ano na balita kay Ria.
Ngumiti nalang ng malungkot si Astrid na sinasabi ba na 'Pasensya na, hindi namin naalagaan nang mabuti girlfriend mo.'
"A-Astrid, TANGINA SABIHIN MO NA! ANO NA ANG BALITA KAY RIA!" Naluluha na siya, dahil may kakaiba siyang nararamdaman, na para bang sobrang sakit ng balita na i-bibigay sa kanya ni Astrid.
"S-Sorry... Wala na si Chyndria..." Nakayuko at mahina na sabi ni Riley, dahil nakita niya na nahihirapan si Astrid na sabihin ang balita na iyon kay Tres.
"Haha, you're joking..." Mapaklang natawa si Tres, ngunit tumulo rin kinalaunan ang mga luha niya.
"Si Ria, ang pinaka-mamahal ko... Wala na..." Bigla naman siyang bumagsak sa sahig at doon umiyak nang umiyak.
Pati ang mga kaibigan nila, sumabay rin sa sakit, at dalamhati ng kaniyang nararamdaman.
-------------------
"P're, okay ka lang?" Makalipas ang ilang araw simula ang pagkamatay ni Ria, may nakita sila na isang letter na para kay Tres. At binasa rin agad ni Tres iyon baka sakaling may milagro na mangyari, ngunit wala...
"Oo..." Ngumiti nalang ng malungkot si Leo sa tropa niya.
"Maiwan muna kita, Par. Do'n muna ako sa kotse." Hindi na hinintay ni Leo ang tugon ni Tres at iniwan na ito.
Napangiti naman si Tres sa nakikita niya sa harapan niya.
Ang lapida ni Ria.
"Kumusta ka d'yan, mahal? Ayos ka lang ba?" Nag kwento naman si Tres sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Isa na rin siyang ganap na Civil Engineer.
Tumagal rin siya sa sementeryo, dahil ang dami niyang kinwento sa girlfriend niya. Kung hindi lang siya tinawag ni Leo, baka hanggang mamaya pa siya uuwi.
"P're! Tara na, gabi na oh!" Tapik ni Leo sa balikat niya.
Napatawa naman si Tres sa reklamo ni Leo, at pinauna na si Leo ulit sa sasakyan.
"Ano, mahal. Aalis na ako, bibisitahin nalang kita kasama ang pamilya ko." Nakangiting sambit ni Tres, at hinawakan nang huling beses ang lapida bago tumayo at nag lakad na papunta sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
Maybe In Another Life
RomansaChyndria "Ria" Del Carzo Dmitri "Tres" Montemayor A group project