chapter three

1 0 0
                                    

"Ano na balita sa inyo ni Ace, Leo?" Tanong ni Tres sa kaibigan.

"Ayos lang 'tol, going strong kami." Sagot ni Leo sabay tawa nang malakas.

"'Wag mong lokohin 'yon ah? Kaibigan ni Ria 'yon." Tumango nalang si Leo at nag-paalam na na pupuntahan n'ya si Ace.

"Kayo ni Ria, Par? Goods pa?" Nagulat s'ya nang biglang may umakbay sa balikat n'ya at nakita nito na si Carlos.

"Sakit mo mang-akbay par, pero syempre, oo!" Proud na sabi ni Tres, kahit nitong mga nakaraang araw, dumidistansya si Ria sa kanya.

Nung tinanong naman n'ya ito nang makita n'ya one time sa hallway, sumagot lang naman ito ng 'Oo, okay lang ako.', sabay dali-dali nang nag lakad papunta sa room nito.

E, dati naman lagi n'yang hinahatid papuntang room si Ria, hindi na rin sila masyadong nagkakasama tulad ng dati.

"A'san si Frinn? Hindi ko pa nakikita  yung lalaking 'yon?" Tanong ni Carlos, huhugutin na sana nito ang selpon sa bulsa nang biglang may bumatok sa batok nito.

Napa-aray naman ito, at ako napa-tawa nang malakas sa ginawa ni Frinn dito.

"Aray! Kaibigan pa ba kita?!" Singhal ni Carlos dito kay Frinn.

"Abay syempre, hindi ka nakakatipid ng pera kung hindi lang kita pinapasakay sa kotse ko." Nagya-yabang na sabi ni Frinn.

"Kung hindi lang kita kaibigan na suntok na sana kita." Nag-iinarteng sabi ni Carlos.

Natawa nalang ako sa bangayan nitong dalawa na ito. Ganyan sila lagi pag nagkakasama, minsan na ngang inisip ko na may relasyon 'tong dalawang 'to, e'.

"Hoy, Montemayor! Anong tina-tawa-tawa mo d'yan?!" Tanong ni Frinn at biglang ginulo ang buhok nito at tumakbo paalis kasama si Carlos.

"Hoy! Mapapatay kita Frinn!" Tumakbo na rin s'ya para hulihin ang dalawa, ngunit kasama itong dalawa sa Basketball Team ng University nila. 

Napagod rin si Tres kinalaunan at nagpahinga na lamang sa labas ng room nila Ria. 

"Ilang minuto nalang uwian na rin ng Laloves ko." Ngumiti s'ya ng maliit nang makita na tatlong minuto nalang uwian na nila Ria.

"Love!" Tinaas naman ni Tres ang kamay nito at ngumiti para makita s'ya nang mabilis ni Ria, at hindi ito malagpasan.

Akala n'ya ngi-ngiti rin si Ria pabalik nang makita s'ya nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari imbis na dumiretso ito sa kanya, umiwas ito ng tingin at dire-diretsong umalis sa room.

Nawala naman ang ngiti n'ya sa labi, at nag-taka dahil ito ang unang beses na umiwas at hindi dumiretso si Ria sa kanya.

Nang makita ni Tres si Fiona na s'yang kaibigan nilang dalawa ni Ria, agad naman s'yang lumapit dito at nag tanong kung anong meron kay Ria at bakit nagkakagano'n ang dalaga.

"Hindi ko rin alam, e', baka meron lang s'ya kaya ganun. Alam mo naman ugali n'ya pag dinadatnan." Palusot ni Fiona, ngunit sa loob-loob ni Tres may tinatago silang magkakaibigan sakanya na ayaw nilang sabihin.

"Alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo per-" Hindi natapos ni Tres ang sinasabi niya dahil biglang nalang nagsalita si Riley at kinwelyuhan.

"Sinasabi mo bang sinungaling girlfriend ko?" Mahinahon ngunit nakataas ang kilay na tanong ni Riley.

"Wala akong sinasabi na sinungaling girlfriend mo! Ang sinasabi ko lang ay alam kong may tinatago kayo na ayaw n'yong sabihin sa'kin." Paliwanag ni Tres, at tinanggal ang kamay ni Riley sa kwelyo n'ya.

"Kung ayaw sabihin, ba't mo pinipilit?" 'Yon lang ang huling sinabi ni Riley bago hinawakan ang wrist ni Fiona at umalis.

Pinanood lang n'ya na umalis ang dalawa, natawa naman siya ng mahina at sinabi.

"Ano na nangyayari sa'tin, mahal ko?" Hindi n'ya namalayan may tumulo na palang luha sa mata niya.

Maybe In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon