CHAPTER 1

526 22 2
                                    

CHARLOTTE POV

"Ano ho Inay? Pero po hindi ko pwede iwan ang Tatay rito!"

"Ay nako ka bata ka! Alam mo ba na in-offer-an ako ng aking amo na pag-aaralin ka sa magandang eskwelahan, malaking oportunidad na iyon at hindi ba iyon naman ang pangarap mo? Gusto mong makarating dito sa Maynila at makapag-aral"

"Eh Nay naman, mag-third year na kaya ako next year, lilipat pa ba ako?"

"Ah basta! Pupunta ka rito sa Maynila sa ayaw at sa gusto mo!"

Sa sinabi ni Nanay ay wala naman na akong nagawa pa. Ilang araw pa ang lumipas ay nag-aayos na ako ng gamit ko paluwas ng Maynila.

Ilang oras din ang naging biyahe ko, medyo alam ko naman na ang Maynila dahil inuuwian naming dito si Nanany sa tuwing siya ang hindi nakakauwi sa amin.

Nasa bus station na ako ng alas-tres ng hapon at nag-aabang na ako ng dyip papunta sa village na pinagtatrabahuhan ni Nanay. Ilang sandal lang ay nasa harap na ako ng village, medyo mahigpit kasi may security guard na nasa pinakabukana papasok.

Agad kong tinext si Nanay para masundo ako rito pero hindi pa siya sumasagot kaya naman naghintay na lang ako at nag-abang. Halos magiisang oras na akong nag-aabang pero wala pa rin si Nanay kaya naman nasa bukana na ako papasok at walang tigil sa pagsilip at pag-aabang nang bumusina ng malakas ang isang kotse sa likuran ko.

Sumungaw ang driver na inis na inis sa akin.

"Iha kung magpapakamatay ka eh huwag naman dito!"

Sigaw ng manong sabay paandar ng sasakyan, kitang-kita ko ang babaeng nasa loob ng sasakyan na seryoso lang na nakatingin straight sa unahan at ni hindi nagtapon ng tingin sa akin pero nabigla ako nang bahagya siyang ngumiti...alam ko ang ganoong ngiti, iyong ngiting nakakaasar at nakakainsulto, ngiting bilib sa sarili!

Sa aura niya pa lang eh mukha na agad siyang mayabang...hays! Ang hirap talaga rito sa Maynila, halos iba-iba ang mga ugali pero karamihan katulad ng babaeng iyon!

Napaupo na lang ako pabalik sa batong inuupuan ko kanina nang tumunog ang cellphone, napangiti ako agad nang tumambad sa akin ang text ni Nanay na palabas na siya at susunduin na ako.

Ilang minuto pa at tama nga siya kasi nakikita ko na siyang ngiting-ngiti na papalapit sa akin.

"Nay!"

Nakangiting sigaw ko at nang makalapit si Nanay ay matinding yakap ang natanggap ko at kasunod ay ang luha niya na pumapatak na sa leeg ko.

Isang simpleng tapik na lang sa likod niya ang ginawa at para kumalma siya ay nagpatawa na lang ako.

"Ata garu aki ka naman Nay!"

Sabi ko sabay hinarap ako at bahagyang ngumiti sabay simpleng hampas sa balikat ko.

"Na-miss lang kita para na ba akong bata agad? Ikaw talagang bata ka!"

"Hahaha! pinatitigil ko lang po kayo sa pag-iyak! Eh maali pa ba tayo at maduman sa bahay ng amo mo o digdi na kita maistar?"

"Oo na! Talaga ka naman! Manang-mana ka sa tatay mo?"

Sambit ni Nanay na aminado naman ako, pati ang tapang at prinsipyo!

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa mansion, lagi naman ako narito tuwing umuuwi kami ng Maynila kaya kilala na ako rito.

Nang makapasok kami ay sa likod bahay kai dumaan dahil naroon ang maid's quarter, doon sila Nanay.

Pakapasok na pakapasok ay rinig namin ni Nanay ang kumosyon sa loob na tila may umiiyak.

"Oh anong nangyari? Bakit ka naman umiiyak Marisa?"

I Hate you...but I Love you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon