CHAPTER 5

136 9 0
                                    

CHARLOTTE'S POV

Naguguluhan akong bumalik sa classroom mula nang bulungan ako ni Engfa ng pinagagawa niya sa akin. Hindi ko alam kung gagawin ko ba o hindi, gusto niya akong maging parte ng student council para lang mag-spy.

Nang makapasok ako ng room namin ay nangingiti lang ang Engfa and friends na nakakapikon! Wala akong choice kung hindi gawin ang gusto niya kaya tumabi ako kay Sid.

Gusto ko man magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko, hindi ko talaga kaya!

"Okay ka lang ba?"

Tanong ni Sid sa akin.

"Ayos lang...ano, ask ko lang sana kung ano-anong topic pa ang pwede kong mahabol?"

Pag-iiba ko ng tanong para hindi ko magawang magkamali, hindi talaga kaya ng konsensiya ko ang gustong mangyari ni Engfa!

Maayos naman na binigyan ako ng tips ni Sid at sobrang na-appreciate ko iyon kaya nga lalong mas determinado akong hindi gawin ang mali!

Nang magla-lunch na ay hindi pa ako nakakalabas ng room ay hinarang nanaman ako nila Engfa.

"So, may progress na ba? I saw you talking to Sid, is there anything you want to tell me?"

Taas kilay niyang sabi na nagpapalunok laway sa akin sa kaba.

"Ano kasi...Ma'am, hindi ko kasi talaga kaya ang pinagagawa mo, pwede bang iba na lang?"

Sa sinabi ko ay nakita ko ang biglang pagkunot ng noo niya sa akin at titig na titig siya sa akin na feeling ko biglang sasabog sa galit.

"Sinusubukan mo talaga ang pasensiya ko! Gagawin mo ang sinasabi ko or ang sahod ng nanay mo ang babawasan ko!"

"Hindi ko lang kasi talaga kaya! Hmmmm bahala ka na kung babawasan mo, sa tingin mo ba hindi ko kayang kausapin ang parents mo sa part na ito! Sorry, ayokong maging unfair sa deal natin pero hindi ko kayang mangtraydor ng mga kaibigan!"

Sabi ko na halos nakikiusap na ako pero nakita kong naging seryoso ang mukha niya at titig na titig pa rin sa akin, hindi ko mahulaan ang tumatakbo bigla sa isip niya, ang alam ko lang mas yari na ako ngayon lalo at mukhang mas ginalit ko siya big time!

"Ang lakas ng loob mong gamitin sa akin ang magulang ko! Sige, kung ayaw mo talagang kampihan ako, then simula ngayon, ako na ang matinding kaaway mo dito sa school!"

Sabi niya in cross arms at nilayasan ako, hindi ko alam kung ano ba ang mangyayari sa akin pero isa lang ang alam ko, hindi bali nang masaktan ako kaysa gumawa ako ng mali na pagsisisihan ko.

After nang pag-uusap namin ni Engfa ay nagmadali na akong pumunta sa canteen para kumain, nakapila na ako sa pag-order ng pagkain at nang hawak ko na ang tray para maghanap ng pupwestuhan kong upuan at lamesa ay biglang may dumaan sa harap ko sabay tinapik ang tray na dala ko kaya natapon ang mga pagkain.

Nang tignan ko kung sino ay isang studiyante pala na member ni Engfa, umupo ito sa pwesto nila Engfa na nakasandal lang at naka-cross legs at hindi ako tinapunan ng tingin.

Hindi ako papayag nang ganito, hindi ako pinalaking duwag ng tatay ko! Agad akong lumapit sa kanila at sa harap ng babaeng tumapik sa tray ko.

"Ano ba ang problema mo!?"

Galit na tanong ko sa studiyanteng babae na hindi naman namin ka-section, tumayo siya at tinapatan lang ako na tinaasang ng kilay.

"Bakit? Lalaban ka?"

"Eh kung sabihin ko sa'yong oo!"

Sabi ko sabay hatak ko sa buhok niya at magkakasunod na sampal ang ginawa ko sa kaniya kaya hindi siya nakaporma sa akin. Maya-maya ay tatayo na ang dalawa pa sa kanila para sugurin ako pero nahinto sila nang si Engfa ang tumayo at seryosong nilapitan ako.

I Hate you...but I Love you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon