CHARLOTTE'S POV
Ang sakit-sakit ng ulo ko nang bumangon ako, actually Sunday ngayon kaya wala kaming pasok pero si Nanay ewan ko ba bakit ako niyuyug-yug nanaman ngayong umaga!
"Nay naman eh! Linggo po ngayon! Bakit niyo po ba ako ginigising ng maaga?"
Pagrereklamo ko sabay batok niya sa akin na nakapagpagising ng buong sistema ko.
"Alam kong linggo ngayon! Alam ko ang ginagawa ko sa buhay pero ikaw? Alam mo ba ang pinaggagagawa mo sa buhay mo ah Charlotte!?"
Inis na sabi niya kaya nalito ako, ano naman kayang mali ang ginawa ko nanaman?
"Ano ho ba iyon? Ano bang ginawa ko?"
"Anong ginawa? Iyang pag-inum mo ng sobra nanaman! Alam mong hindi ka pwede makainom ng alak ng sobra!"
"Nay, sila ate Aileen lang ang kainuman ko kagabi ano ba!"
Pagrereklamo ko ulit habang napapakamot ng ulo ko.
"Okay sige, pagtapos ng inuman niyo, tanda mo ba ang pinaggagagawa mo?"
Sa punto nang tanong ni Nanay ay parang nagising ako sa katotohanan sabay lingon kay Nanay habang nag-iisip ako, mukha yatang may mali nanaman akong nagawa...
Shit! Ano ba ang nangyari kagabi, hindi ko matandaan—
"Si Ma'am Engfa ang naghatid sa iyo rito sa quarter, lasing na lasing ka!"
Sabi ni Nanay na naputol pa ang sinasabi ko sabay parang bumalik lahat sa akin ng nangyari kagabi kahit ang...hala!!! Patay! Diyos ko, kailangan kong makausap si Engfa!
Mabilis akong naghilamos at nag-toothbrush sabay takbo papunta sa kwarto ni Engfa na hindi ko na nagawang kumatok at napapihit ako agad ng pinto niya na bukas pala kaya naman diretso ako nakapasok at lumanding ako sa lapag ng kwarto niya habang siya ay busy lang na nakaupo habang nagbabasa ng libro niya, natulala ako kasi nakasuot siya ng salamin at iyong way ng upo niya, ang siga lang na ewan, parang hindi ko pa siya nakitang ganito ang kilos.
"What the hell are you trying to do this time? Don't tell me lasing ka pa rin?"
Taas kilay niyang sabi sabay inayos ang upo niya na naka-cross legs na ngayon. Mabilis akong tumayo sabay pag-pag ng short ko at humarap ako sa kaniya.
"H-Hindi na ah, ano kasi...iyong...I mean last night...ikaw daw ang naghatid sa akin sa quarter?"
"So?"
Sagot niya na parang wala lang at nakatingin pa rin sa libro niyang binabasa.
"G-Gusto ko lang malaman kung...may ginawa nanaman ba akong kakaiba?"
Sa tanong ko ay napansin kong napahinto siya sabay nilingon ako at nagtanggal pa ng salamin.
"Woah...so you really don't remember what you did last night?"
"Eh hindi nga eh, ano ba! Pwede mo naman sabihin na lang kasi!"
"Why? Are you sure hindi mo pagsisisihan once malaman mo?"
Sa sinabi niya ay natigilan ako, nako naman! Ano ba kasing kagagahan ang ginawa ko nanaman kagabi!
"M-May ginawa ba akong mali sa iyo? Para naman makahingi ako ng sorry..."
Nakayuko kong sabi pero siya ang natahimik kaya naman napalingon ako bigla at nakatitig lang siya sa akin na ipinagtaka ko naman.
Maya-maya ay bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sabay nagsalita.
BINABASA MO ANG
I Hate you...but I Love you...
FanfictionSi Engfa Dela Beuno the one and only heiress of Dela Bueno Corporation na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Lumaking bratty at walang pwedeng humindi sa gusto niya, she is the cruelest girl na kilala mismo sa sponsored school nila kaya naman walang...