CHAPTER 2

197 13 5
                                    

CHARLOTTE'S POV

Maaga akong nagising at halos malula ako sa biglang pagbangon ko dahil inalog ba naman ni Nanay ang higaan ng ganun ganun na lang!

"Diyos ko naman Cha! Alam mo naman trabaho ang pinunta mo rito eh! sinabi nang matulog ng maaga eh!"

Pagpapagalit pa ni Nanay sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ay mag-asikaso na.

Nang matapos akong makapag-toothbrush at maghilamos ay biglang inabot sa akin ni Nanay ang uniform na pang katulong kaya naman agad ko nang sinuot ito.

Sabay-sabay kaming lumabas na nang maid's quarter.

"Ano ba ang meron Manang Melda at ang aga naman tayo pinagising ?"

Tanong ni Ate Leny, so ibig sabihin pala eh hindi ito ang usual nila rito, tama si Ate, ano kaya ang meron at maagang pinagising kaming lahat?

Nang makarating kami sa Living area ay tumambad sa amin ang tila mag-asawa at ang demonyitang babae na iyon!

Nakatayo kami ngayon na parang akala mo mga sesentensiyahan.

"Pasensiya na kayo kung maaga namin kayo napagising, mayroon kasi kami mahalagang sasabihin ni Manolo sa inyong lahat"

Sabi ng asawang babae na amo yata namin.

"Totoo yan, bali aalis kasi kami pansamantala para sa isang malaking business meeting sa New York, at aking anak na muna ang mamahala sa lahat dito, at si Melba naman bilang ating punong katulong, napag-alaman ko sa aking iha na narito na ang iyong anak?"

"O-Opo sir, siya po si Charlotte ang panganay kong anak po"

Wala naman ako magagawa kung hindi ay pumagitna upang makita nila ako ng maayos, nakayuko ako dahil iba ang nakikita ko! Ang demonyitang babae na naka-cross legs ngayon at cross arms pa, kita ko ang matalas na tingin niya sa akin at nakataas pa ang kilay.

Diyos ko! ano ba ang problema ng bruhang ito! Inaano kaya siya!

"Naku Melba may maganda ka pa lang anak ah!"

Bati naman ng amo namin na babae kay Nanay at nakita ko naman ang pag-irap at pag-roll eyes nang bruhang maldita sa harap namin!

"Siyang tunay Melba, anyway, tulad ng pangako namin sa iyo, at naayos na rin naman namin ang lahat, doon na si Charlotte sa school ni Engfa papasok-"

"-what!? No! Hindi pwede na ang katulong eh nasa school! Hindi rin ako papayag makasabay yan!"

"Engfa! Mind your tongue!"

"Ahmm Sir at mga Ma'am, huwag po kayo mag-alala, ituturo ko na lang po sa anak ko kung paano papunta sa school huwag po kayo mag-alala Ma'am Engfa, hindi ko po siya pasasabayin sa inyo po"

Nakayukong sabi ni Nanay na sa totoo lang kinaiinisan ko! Parang takot na takot eh nagwo-work naman sila so give and take lang, work and pay so dapat walang kung sino ang mataas!

Habang napapaisip ako ay hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako nila.

"Iha? Ayos ka lang ba?"

"Ahm...opo, okay lang po sir"

"But obviously you are not listening!"

Sabat ng bruhang maldita!

"Narinig ko naman po lahat MA'AM"

Simpleng sabat ko naman at nakita ko na mukhang lalo siyang nainis sa akin.

Hindi ko na lang siya tinignan pang muli dahil nagsalita na si Maam ang Nanay niya.

I Hate you...but I Love you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon