CHARLOTTE'S POV
Isang buntong hininga na lang ang nagawa ko nang mawala sa harap ko sila Engfa, Nahihiwagaan ako kung ano bang lihim ang bumabalot kanila Engfa at Cruze, iyong tingin ni Cruze sa akin, I know may something doon.
Hays! Bakit ba kasi ako napapagitnaan nilang lahat eh ang gusto ko lang naman eh mag-aral! Bumili lang ako ng tinapay since break time lang namin at nakita ko sila Kurt and Engfa sa likod ng cafeteria na nag-uusap, wala naman ako pakialam sa kanila kaya naman aalis na sana ako para bumalik sa loob ng room namin nang akbayan ako ni Sid at kasama niya si Cruze.
"Ang tanga noh?"
Sabi ni Sid na ikinataka ko.
"Ha?"
"Iyang si Kuya Kurt, gwapo nga medyo bobo lang!"
"Bakit naman?"
"Eh nagpapakatanga kay Engfa!"
"Hmmm mukha naman silang in love sa isat-isa eh, bagay naman sila kaya okay lang iyan"
Sabi ko nang biglang sumingit si Cruze sa usapan namin ni Sid na bihira niyang gawin.
"So you think they are looking good together?"
Seryoso at medyo taas kilay niyang sabi na sa totoo lang ikinabibigla ko.
"Eh ano, I mean kahit naman sinong dalawang taong nagmamahalan eh bagay sa isat-isa"
Sagot ko at doon eh lalo niya akong hinarap at nilapitan which parang biglang nawala ang Cruze na may maamong mukha.
"The way I noticed you, mukhang nagiging okay na kayo ni Engfa...tell me magkaibigan na ba kayo?"
Seryosong tanong niya na seryoso ko ring sasagutin, kung kanina naiinis ako dahil napapagitnaan ako sa kanila and how Engfa trying to stop me being friends dito kanila Cruze ay ngayon eh sila naman ang ganito, nakakairita na eh!
"Is there something wrong if maging okay kami ng amo ko and somehow be friends?"
Balik na tanong ko sa kaniya na lalong nagpaseryoso sa mata niya pero biglang ngumiti na talaga namang nakakawindang!
"Wala! Hahaha! Ang seryoso mo naman, well mas okay nga na magkasundo kayo since katulong ka at amo siya right?"
Sabi niya sabay niyaya na kaming bumalik sa room, sa totoo lang sa huli niyang sinabi, hindi ko alam pero she is trying to insinuate something to me and seriously gets ko iyon!
Nang makabalik na kami sa loob ng room ay agad nang nagsimula ang klase kahit sila Engfa ay wala pa, hays! Iba yata talaga ang nagagawa ng may jowa eh!
Lumipas ang sampong minuto ng discussion nang dumating si Engfa na hinatid pa ni Kurt na napatingin sa akin sabay nginitian ako kaya naman nginitian ko rin.
Mahaba-haba ang subject namin, history kasi kaya parang inaantok na ang iba though after naman nito eh lunch time na namin. Habang nagsusulat ako ay nag-vibrate ang cellphone ko at nakita kong may message na galing kay Sid kaya naman napatingin ako sa kaniya at sumesenyas siyang basahin ko ang message niya.
"Kita tayo sa student council room may in-order si Cruze na pagkain, kain daw tayo-Sid"
Sabi sa message kaya naman tumango na lang ako at ngumiti. Nang matapos ang subject naming ay kinausap ko sila Cruze.
"Pupunta na ba sa student council room?"
"Ah oo, pero pwede bang makiusap, kukunin namin kasi iyong in-order naming food, pwede paayos naman ng table doon kung okay lang, pauunahin ko rin doon ang ibang ka-officer namin at si Kuya Kurt"
BINABASA MO ANG
I Hate you...but I Love you...
FanfictionSi Engfa Dela Beuno the one and only heiress of Dela Bueno Corporation na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Lumaking bratty at walang pwedeng humindi sa gusto niya, she is the cruelest girl na kilala mismo sa sponsored school nila kaya naman walang...