01

54 3 0
                                    

(Lia)

FLASHBACK
Ngayon first day ko sa papasukan ko dito sa Manila.

Sana matanggap ako. Bihira na kasi ang undergraduates na nakakakuha ng magandang trabaho.

Pagbukas ng pintuan. Damang dama mo ang amoy ng kape. Nakakafresh. Ang daming tao. Kaya lang nakatitig lamang sila sa kanya kanya nilang gadgets.

Kapag ako ay natanggap dito. Sisiguraduhin ko na kaya maraming tao dito hindi lang dahil malakas ang sagap ng internet. Hindi lang dahil masarap ang binebenta rito. Kung 'di ay naeenjoy nila ang service ng coffee shop na ito. Na tuwing pupunta sila  wala silang ibang bukang bibig kung hindi:

"Dito tayo!"
"Bakit?"
"Masaya kapag pumasok ka dito."
"Pero kung titingnan mo sa labas isa siyang plain na coffee shop."
"Don't judge the book by its cover. Parang ganito lang hindi mo pwedeng husgahan hanggat hindi mo pa natitikman."
~~~
"Ms. Javier. Your hired!" Yey! Salamat! Magpapakain ako! Manlilibre ako! Kaya lang wala akong pera so wag nalang.

End of Flashback

"Yes ma'am. Can I take your order?"

"One frappé please."

"Alright. Anything else? You can try our new cinnamon roll. Fits the weather."

"Sure."

"How about upgrading the size of your frappé ?"

"No. It's okay."

"But ma'am it may add happiness to the world."

"How?"

"As I say, by upgrading it." Palusot.

"Sige na nga. Ikaw talaga. Kapag ikaw natatapat na cashier sakin. Napipilitan ako eh." Sabi ni ma'am.

"Syempre ma'am my powers ako eh. Anything else ma'am?"

"No. Wala na."

"Name please."

"Laureen."

"Unique." Pagpuri ko.

"Here's the change ma'am. Thank you. But please say thank you to your parents by giving you a unique name. See us again. :))" dami kong hanash

Siya pa lang ang unang costumer. Yung iba kasi sagap ng wifi lang pero kanina pa sila nakabili. Pero hindi sakin. Kakapasok ko lang eh.

"Puro pambobola ginagawa para mapamahal yung bibilin ng mga customers." Sita sakin ni Joel. Katrabaho ko. Actually the closest ko dito.

"Lj's style kasi yan. Wag ka mag alala. Sooner or Later kaya mo rin yan." Asar ko.

"Talaga lang ha." Sabi niya sabay kurot sa ilong ko.

"Aray naman!" Sigaw ko.

"Ang liit mo talaga!" Sabi niya.

"Anong maliit? Hindi noh! Tumataas na kaya ako oh!" Sabi ko habang tumitingkayad.

"Ano? Sa 3 years natin dito hanggang baba parin kita."

"At least hindi hanggang tuhod!"

"Pasalamat ka--"

"Saan?"

"na pogi ako."

"Huwaw! Kapal ha!"

"Mahal mo naman!" Sabi niya at niyakap ako. Napakaloko talaga nito. "Bitawan mo ko." Bulong ko. Ang lapit na talaga ng mukha namin. Nakatingala ako sakanya. Eh yumuko lang siya magdidikit na labi namin eh.

"Can I take my order now?"

"Y-yes. I-I'm sorry sir. Good morning."

Patay. Kanina pa siguro toh nanunuod ng patayan namin ni Joel. Nakatalikod kasi kami sa mga customers eh.

Pero pogi siya. Kaya lang masyadong English speaking eh. Baka ma nosebleed ako. Mataas pa. Malaki boses. Grabe pogi.

"One chocolate frappé ." He muttered.

"Sir. Sigurado ako pinagnanasahan ka na nito." Sabi ni joel sabay akbay sakin.

Tinulak ko siya. "Dun ka na oh. Sige na layas na."

"Sus. Totoo naman. Pero mahal mo naman ako eh." Inirapan ko na siya.

"I'm sorry sir. Anything else?"

"Nothing."

"If you want this day to be the best morning ever just add a muffin on your chocolate frappé . I promise it will make your morning extraordinary." Sana naman gumana yung kalokohan ko. -_-

"No." :(

"But sir--"

"NO."  edi wag.

"Okay. Name please."

"James."

"Wow. Huhulaan ko apyelido niyo sir! Bond! Diba sir!" Sabi ko habang nagsusulat.

"No." He said.

"Boom! Boom basag ka Lia! Hahaha!" Asar ni Joel.

"Ewan ko sayo. Oh!" Sabi ko sabay bato sakanya nung plastic cup.

"This is your receipt sir. Just wait to call your name, thanks." Sabi ko pero wala sa mood.

"Smile." He mouthed. O_O

Ha? Anudaw? Miles? Mile? Die? Ano???!!!! Die!??? Patay!!???

---------------------------------

Thanks!
Vote and Comment !

Read my stories:
•BITTEREYNA
http://w.tt/1afgLQU
•Strangers (12:51)
http://w.tt/1ECGaf1
•Crazy Love
http://w.tt/1K4LRH8

Inlove In A Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon