02

41 2 0
                                    

(Lia)

Kakapasok ko palang at wala pa masyadong tao. Yung dalawang mag syota. At may grupo ng babae. Pero yung isa solo flight lang. Paglingon. Ahh. Yung james! Sinabihan ako nh Die! Badtrip. -__-

"O, bat ganyan mukha mo?" Tanong ni Joel.

"Nakita kasi kita."

"Alam ko naman yun. Insecure ka kasi sa kagwapuhan ko." Inirapan ko nalang siya.

"Bakit ba babe?" Binatukan ko nga. Di ako pato para tawaging babe. -__- waley.

"Ahh alam ko na! Dahil yung kahapon!" Hula niya.

"Alin dun?"

"Yung lalaking hindi bumili ng joke mo! At hindi rin nagpauto sa mga bola mo!" Sabi niya habang nanglalaki yung mata.

"Oo. Pero hindi dahil dun."

"Hah? San? Wag mong sabihin crush mo?"

"Hindi! Ayan na naman eh. Papangunahan na naman ako eh" Sabi ko. Laging ganito toh eh.

"O sige bakit?"

"Sinabihan ako ng 'DIE' pagkabigay ko ng resibo!" Maktol ko.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Binatukan ko nga. "Aray!"

"Napaka supportive mo talaga!"

"Ehh. Hahahaha! Paano ba naman akong hindi matatawa mas malakas pa ata pandinig ng butete kesa sayo! Hahaha!"

"Ano!???"

"Aray naman! " binatukan ko ulit eh.

"Hahaha! Bingi ka kasi!"

"Bakit naman? Paano?"

"Kasi-- hahahaha! Putik nakakatawa talaga eh! Hahaha!"

"Ano nga!"

"Ang sabi kasi sayo 'smile' hindi 'die'. Syonga lang?" Ahh. Yun ba yun.

Akala ko naman eh die. Ako unang papatay sakanya pag nagkataon. -__-

"Oh tama na bangayan! Lia, bilin mo muna nga toh. Kulang tayo sa stock eh." Sabi ni manager namin at binigay yung listahan.

"Ahh sige po." sabi ko at pumunta sa locker namin. Alangan naman bumili ako ng naka apron at sumbrero ng may nakalagay na kape. Baka pagakamalan akong nagtitinda dun. Marami ng cases na ganun. Iiwas nalang ako. Kaya naka white at pants nalang ako.

Lumabas na ako at pumunta sa sakayan. Kaya lang naisip ko. Kung lalakarin ko. Aabutin ako 4 na oras balikan. 2 oras papunta. Kung jeep naman 45 minutes dahil puro hinto.
Kung taxi 30 minutes kaso delikado. Kung tricycle naman 45 minutes dahil mabagal. Kung motor 25 minutes. Ano kaya sasakyan ko! Hayy!

*beep beep

May bumusina sa akin. Isang bmw na itim. Wow sosyal. Biglang bumaba yung salamin.

Si James.... Bond.

Charing! Si customer! Bakit kaya?

"Sabay kana!" Sabi niya.

"Ahh wag na po."

"Sige na."

Pupunta na sana ako nang may biglang dumaan na babae sa akin at dumeretso papunta sa kotse. Ngek!?

Umiwas nalang ako at naglakad. Umasa ako dun ha! Paasa siya! Bwiset. Akala ko ako eh. Susme. -__- :((((

*beep beep

Ang kulit.

"Tara na." Kulet. Pero lumingon muna ako. Wala nambg tao sa likod at gilid ko lalo na sa harap ko. Pumasok ako at inikot yung mata ko sa buong kotse niya.

"What are you doing?"

"Ahh. Wala po sir." Nag drive nalang siya. "Sa supermarket po ako."

So, hindi yung babae . Ako yung inaaya niya. Psh. -_-

"Salamat po." Sabi ko at bumaba na.

Pumasok na ako at kumuha ng cart. Namili na ako. Konti nalang. Kaya lang nasa taas naman. Wala naman masyadong tao dito. Wala tuloy akong mautusan.

Pinipilit ko ng abutin. Naalala ko tuloy yung pang aasar sakin ni Joel.

May lalaki namang umabot nun. Kaya lang nilagay niya sa cart niya. Wow ah. -____-

Grabe! Nakakaasar! Psh. Thanks to you.

Wala namang tao dito. Tumungtong ako sa pinakababang section. Jusqo! Sana naman matibay toh.

Naabot ko na kaya lang nalalag yung paa ko sa tungtungan. Wahh! Masisira ang baby face ko!!!

Ahhhh!

P-pero bakit hindi matigas yung nalandingan ko? Pagdilat ko--- Ohmygod!!!!

Nakadagan ako kay James at nagtama yung mga labi namin!

Wahhh!!! Yung first kiss ko!! Huhuhuhuhuhuhuhuhu!

Bigla akong tumayo at nilagay yung kinuha ko sa cart. Tumayo naman siya.

"Thanks." I murmured.

"Are you okay? Clumsy." Nangaasar ba toh?

"Okay lang. Mauna na ako." Kaya dumeretso na ako sa cashier at nagbayad. Kukuhanin ko na sana yung mga pinamili ko kaya lang inagaw ni James. -__-

Pagkarating na namin sa kotse umupo na ako sa harap.

"Salamat." I mouthed.

First time! First time toh!! Araw araw ko siya nakikita sa coffee shop pero first time to!

He smiled.

---------------------------------

Thanks!
Vote and Comment !

Read my stories:
•BITTEREYNA
http://w.tt/1afgLQU
•Strangers (12:51)
http://w.tt/1ECGaf1
•Crazy Love
http://w.tt/1K4LRH8
•Inlove In A Coffee Shop
http://w.tt/1POVxMX

Inlove In A Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon