07

41 1 0
                                    

(Lia)

"Eto na!"

"This!"

"Sabing eto eh!"

"I said this."

"Eh bakit ba!? Ito nga!"

"This one!"

"Eh sabing ito nga eh! Kulet!" Nagaaway na naman kami kung anong isusuot ko eh. Gusto ko casual lang. Tee at jeans lang siya naman dress at heels.

"Mikaela! We're going to our house for Pete's sake! You're gonna meet my parents! And I'll present you as my girlfriend! Then that.... you're gonna wear that!?" -___-

"K." Yun nalang nasabi ko at kinuha yung hawak niya at dumeretso sa cr. Pinagtitripan ko lang naman siya. Grabe magalit haha! Parang batang inagawan ng bola. Haha! Dapat pala kinuhanan ko yun ng picture eh.

Nagbihis nalang ako. Bagay naman siya. New year na ba? Bakit polka? Pero okay nayan.
Lumabas na ako. Naabutan ko naman siyang nagbibihis. Di ko nalang pinansin at umupo sa kama.

"Ilan ba kayong magkakapatid?" Tanong ko. "You'll find out later." Okay. Sabi niya nang hindi nakatingin.

Nagpabango naman siya. "Pwe! Ang sangsang naman ng amoy nang pabango mo! Ang tapang! Pwe!" Sita ko nang medjo nauubo. Totoo naman. Duh? "Ang totoo kasi niyan kaya ako nagpapabango ng marami, para kapag kasama kita, nahahawaan ka!" Sigaw niya at nay kinuha saglit. "Wow ah." Bahala ka nga.

"Oh. Magpaganda ah, hindi magmukang tanga!" Inabot niya sakin ang isang kit ng make up. Nagtaka naman ako. "Bakla ka ba?" Tanong ko. Tumitig naman siya ng masama. Patay. "Joke lang! Ito naman!" -__-

Tiningnan ko yung make up kit. Kompleto ah. Sinimulan ko na magmakeup. Simple lang naman. Cheek tint. Eyebrows check! Then lipstick ok na.

May secret ako: Beauty Queen ako saamin. Secret lang ah!

Tumingin ako sa salamin at nagpabango. Gora na! Nakita ko yung reflection nang muka ni Mike sa salamin. Nakalipbite siyang nakatingin sa sahig.

Problema nun? Nagiisip kung paano ginagawa ang sapatos? Baka. XD.

Tumayo na ako. Para kuhanin yung heels. Humawak ako sa pader para suotin yung heels kaya lang hinila ako ni Mike paupo. Tapos sinuot niya saakin yung heels.

"Rami mong alam." Sabi ko habang sinusoot lang niya. "My mom said treat girls like a princess."

"Buti natandaan mo! Tsaka ngayon mo lang ginawa ha! Salamat!" Sigaw ko.

"Even if she's irritated at you." Dugtong niya. "Whatever." Sabi ko sabay tayo. Sumunod naman siya at lumabas narin.

Hinawakan niya ang kamay ko. Oo nga pala, rule #1. -___-
Pagdating namin sa elevator ganun parin siya hangang sa makasakay kami sa kotse.

"Nakadrugs ka ba?" Tanong ko. "Huh?" Pagtataka niya. "Ang sweet mo eh." Kumindat naman ang loko. Geh lang.

Lumapit naman siya unti unti. A-anong gagawin nito? A-ano? B-bakit? Pumikit ako. "Seatbelt." Ahh. Okay. Kinabit lang pala niya. -___-

Expectations hurt.
Really hurts.

"Feeler."

Narinig ko na bulong niya. Sa susunod pag bubulong ka siguraduhin mong yung ikaw lang ang nakakarinig ha!

"Sa susunod pag magsasalita ka sa isip mo nang masama, hihinaan mo rin ah."

O____O

-______-

*******

Nakarating kami dito at bubuksan ko na dapat kaya lang. "Stay there." Sabi niya at bumaba para pagbuksana ako.

Ngumiti nalang ako ng tipid. Hinawakan niya ako sa bewang papasok sa bahay nila. Malaki in fairness! May sumalubong saming dalawang babae. Isang babae mid 20's. At isang batang nasa 5 years old siguro.

Hinalikan niya yung dalawang babae sa noo. "Lia, this is my sisters. This is Ate Fia and this cute little girl is Max." Ngumiti ako. Nakipagbeso sakin si Ate Fia. "It seems like my brother is in love with you." bulong niya at umakyat pataas. Ang ganda niya.

"Hi Max." Bati ko sakanya.

"Hi.. I remember you. You're the girl who gave us umbrella. " English speaking. -_-

"Ahh oo." Pagsangayon ko. Nakakunot naman noo nito. "Kasi malapit na umulan nun. Eh pauwi na ako. Malapit naman ako sa apartments kaya binigay ko na yung payong sa kanila nang yaya niya." Explain ko. Tumango nalang siya at kumamot ng ulo.

Yung totoo may kuto ka ba? XD. ^__^

Hinila naman ako ni Max papunta sa hagdanan kaya lang pinigilan siya ng kuya niya. May sapi to eh. "Look, your ate have heels then you're asking her to play with you." Sermon nito. -__-

Nagpout si Max. "No. I can remove my heels. I'll play with you." Ngumiti naman ng todo si Max. Sinamaan ko naman ng tingin si Mike.

******

Nandito ako sa kwarto ni Max naglalaro kami. Masaya siya kalaro. Ang talino niya. 5 yrs. old palang. Mas mabait to kay Mike pangako sayo. ^__^

*tok tok

Tumakbo agad si Max papunta sa pinto. "Lia, nandito na sila dad." Sabi ni Mike. Sinarado ni Max yung pinto. Haha.

Tumayo ako at sinuot yung heels ko. Hinawakan naman ako sa kamay ni Max. Ang cute talaga ni Max. Pababa kaming magkahawak ng kamay. Para ko siyang little sister.

Pagkababa namin tumakbo si Max papunta sa parents niya. Inakbayan naman ako ni Mike. Hanggang sa hinila ako papunta sa parents niya. Nandun na rin si Ate Fia.

"Everyone this is Lia. My girlfriend." Pagpapakilala niya. Ngumiti naman ako. Lalapit sana ako para mag bless kaya lang nagbeso nalang kami nung mom niya. Yung dad naman niya nakipag- apir nalang.

Cool Parents. Cool Family.
Cool!

Umupo na kami para kumain. Katabi ko si Mike sa tapat naman niya yung mom niya then si ate Fia then si Max. Sa gitna naman Yung dad niya.

"First time nagpakilala ka ng babae dito ha." Sabi nang dad niya. "Kasi sabi nga ni mommy ang dadalin lang dito yung the one." Drama. Tumingin pa sakin. "I think I found her." Kung alam lang nila. Ngumiti nalang ako.

"I think so." Sangayon naman ng mom niya. Pinagpatuloy nalang namin yung pagkain namin.

"Ate ano po ang love story niyo?" Tanong ni Max. Shemay. Mag iibento nalang ako. Bahala na kung ano lumabas sa bibig ko. Nag search naman ako ng reasons nung nakaraang araw.

"Ang LOVE ay inumpisahan ni Eba at Adan sinundan ni Florente at Laura pinahaba ni Crisostomo at Maria Clara pinatibok ni Sir Chief at Maya pinakilig ni Chichay at Joaquin kinumpleto ni Mama at Papa at ngayon, itutuloy naming dalawa."

Jusme. Sana naman gumana. Yan nalang lumabas sa bibig ko rh. Corny.Ngumiti naman ang Mike. Jusme. Kaasar. Lumapit naman siya sakin at bumulong.

"Nice One."
_________________
2 chapters nalang siguro... Thanks! Vote and Comment! Thank yah!
----------------------------------

Please Check my other stories:

•BITTEREYNA

http://w.tt/1afgLQU

•Strangers (12:51)

http://w.tt/1ECGaf1

•Crazy Love

http://w.tt/1K4LRH8

•Inlove In A Coffee Shop

http://w.tt/1POVxMX

-djeiyapadilla

Inlove In A Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon