(Lia)
FLASHBACK
Bigla naman akong niyakap ni Mike. "I love you babe."
A-ano!??
"Huh? P-para saan yun??" Tanong ko. "I'm sorry." He murmured then hinila ako palabas ng mall. Pagkasakay namin sa kotse niya. Hinawakan niya agad yung kamay ko at nag sorry. "I'm sorry. "
"Pero bakit mo ba ginawa yun?"
"Kasi... Yung girl.. She's my ex."
End of flashback
Nakwento niya kasi lahat ng nangyari sa kanila. Masyadong malubha.
Search: Ano ba ang love?
Search: Forever?
Did you mean: wala.
Search: Meaning of Love.
Search: break up
Search: how to move on?
Search Results:
Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Kailangang buwis buhay? Kailangan bigay lahat? Ganun ba talaga yun?
Sabi nila kapag inlove ka daw masaya ka. Pero sa nakikita ko ngayon kalahati ng populasyon sa mundo na nagmamahal,nasasaktan.
Maraming dumadaing kung may forever ba o wala? Laging may comparison. Kapag nagmahal ba dapat may label? Dapat ba may hangganan lamang?
Bakit kailangang kapag nagmahal ka masasaktan ka rin? Siguro you don't know if it's love if you don't feel hurt. Pero pwedeng bang may nagmamahal ng masaya, yung walang problema?
Yung walang gumugulong mga tanong. Kumbaga sa nga istorya. Walang kontrabida. Walang killer. Walang holdaper. Walang snatcher.
Pero sabi nila walang thrill. Kailangan ba ng thrill to know if the relationship is still working?Kailangan bang may mga bagay na pumupuno sa isang pagmamahalan ng dalawang tao? Diba kapag relationship only two people are there. Kasi kapag nagtatlo hindi na yun love?
Kailangan bang may third wheel? May kabit at sabit? Yung laging may palya. Laging may problema?
Pero kailangan ng broken pieces ng isang bagay para mabuo ito. Parang sa love kailangan ng struggles para maging strong.
Ang love kasi parang kanta hangga't intro palang damhin muna bago tumunog ang huling beat na nagsasabing the end na.
Ang love kasi parang teleserye kung hindi pa happy abangan bukas. Hanggat di pa masaya hindi pa ending.
Sa mga taong takot magmahal dahil takot masaktan. Huwag niyong isipin na masasakatan ka ang isipin mo kung paano ka liligaya sa piling niya.
Kapag nagmahal ka kailangan mong mahalin ang ibat ibang side nang buhay niya. Ang bawat letra ng pangalan niya. Ang bawat direction ng paniniwala niya. Because the memory of one great love lasts.
Ang pagmamahal para kang naglaro ng batobatopik di niyo alam kung ano nalang ang iform ng mga kamay mo. Pero handa kang tanggapin iyon kahit may pitik ka.
Ang pagmamahal para kang naglalaro ng taya tayaan. Kapag nataya ka bigay agad pero kahit alam mong sa sarili mong gagawin mo ang lahat huwag ka lang niya mataya. Pero dahil mahal mo, gagawin mo ang lahat wag lang siya mataya.
Ang love kasi maduga. Na out na tatakbo pa rin. Natalo na bibigyan pa ng 2nd try.
Ang love kasi madaya. Bakit kailangan may opposite pa ang lahat? Kung may left may right. Sunset to sunrise. Taas at baba. Oo at hindi. Hindi ba pwedeng isa nalang?
Madaling magmahal pero ang hirap mag move on. Paano kaya kung nauna yung move on sa pagmamahal? Pwede kaya yun. Para ready ka na kung mangyari ulit second time around.
---End of search---
Grabe humugot yung mga naglagay nun sa google. Pero may isang malaking tanong na iniwan sakin ni Mike kahapon eh.
FLASHBACK
Umiiyak sakin si Mike.
"Lia, *sob paano ba... *sob paano ba mag *sob... Paano ba mag move- on? *sob"
End of Flashback
Pero para sa akin....
Paano bang mag move on? Isa sa mga pinakamalaking katanungan ng mga kabataan sa mundo. Ang sagot para saakin eh kung paano ka nagmahal dapat ganun din kabalis mag move on kapag wala na siya. Kaya lang sabi nila madaling sabihin pero mahirap gawin. Puro nalang ba kasabihan at paniniwala? Walang mangyayari kung gayon. Kaya hanggat masakit pa sa kanya gawin mo na, mag move on ka na. Hanggat maaga pa at fresh pa yung sakit. The more na tumatagal the more it hurts. Pero meron ka ng iba siya pa move on palang. Kahit di ka makarevenge o kung anu mang pagpapaganda at pagababago sa sarili mo. O transformation pa iyan. At least sa sarili mo wala ng sakit, lungkot, pighati at bigat na nararamdaman mo. Nakaiyak ka na siya patulo pa lang. Sa huli, tatawanan mo lang yan. Dahil isa yan sa mga katangahan mo sa buhay mo! At kailangan nang kalimutan. Sana nga ang pag mo move on parang kayamanan para maibaon mo nang ganun agad kabilis. Buti naging tanga siya kasi kung naging matalino siya hindi niya naging girlfriend yun.
Ha?! San ko naman nakuha yun! Asar ka naman Mike eh.
---------------------------------
Thanks!
Vote and Comment !Read my stories:
•BITTEREYNA
http://w.tt/1afgLQU
•Strangers (12:51)
http://w.tt/1ECGaf1
•Crazy Love
http://w.tt/1K4LRH8
•Inlove In A Coffee Shop
http://w.tt/1POVxMX
BINABASA MO ANG
Inlove In A Coffee Shop
FanfictionMany people fall in love in different ways. Some are inlove to the people who make them happy. Sometimes the one who make them miserable. Sometimes the one who love them unconditionally. Sometimes the one with his/her opposite match. Many people fal...