Chapter 9

36 3 2
                                    


Mitang's POV

"L-layuan niyo sabi ako!"sigaw ko.

Hindi pa rin tumitigil ang mga lalaki sa pagsunod sa akin.Magtatawanan pa silang lahat kaya takot na takot na ako.

"Baka pwede naman tayong mag usap?Ang ganda mo eh."sabay hila sa braso ko.

"Ayoko!"naiiyak kong sigaw.Lumalapit na silang lahat.

"Mga hayop!"sigaw ng isang boses na tila kilala ko.

Si Daniel.Sinuntok niya ang isa sa mga ito.Palibhasa ay parang hilo ang mga ito kaya hindi makatama sa kanya ng suntok.

"Mitang!"tawag ni Kyle at nilapitan ako.

"Okay ka lang ba?"tanong nito.

Napahagulhol na ako ng sobra.Biglang may humila ng kamay ko at niyakap ako.

Natigilan ako at tumingala sa kanya bago umiyak ulit.

"I'm sorry..."mahigpit ang yakap na ginawa niya.

Naiintindihan ko ang sinabi niya.Palagi kasing sinasabi ng mga katulong sa bahay ang salitang iyon.

"Aray!"sambit ko.

Natigilan siya at tiningnan ako.Masakit kasi ang baywang ko tapos mahigpit pa ang pagkayakap niya.

"Bakit?"

"N-nabangga kasi ako ng sasakyan kanina."sagot ko.

Isinama niya ako pauwi ng bahay.Hindi ko na alam kung anong nangyari sa mga kaibigan niya pagkatapos.

Pinahiga niya ako sa higaan at kinumutan.

Nagtataka ako kung bakit ang bait bait niya ngayon.Naka tingin lang ako sa kanya.

"Ito ang ilagay mo sa isip mo huh? Wag na wag kang lalabas ng bahay na walang kasama naintindihan mo?"inis na utos nito.

"Sabi mo aalis ako..."

"Binibiro lang kita naniwala ka naman?Minsan mag isip ka rin kasi..."sagot niya at tila nag aalala.

"Salamat."

Napangiti siya at pinatay ang ilaw bago umalis na.

--------------------------------------------

Rocco's POV

Okay lang po ako kuya.Sanay naman po akong sinasaktan ng mga tao.

Hindi talaga mawala sa isipan ko ang batang iyon.Kahit ilang araw na rin ang nakaraan.

Paanong okay lang siyang masaktan ng mga tao?

"Sir..."tawag ng secretary kong si Jellaine.

"Yes?"napatayo ako sa swivel chair at humarap sa kanya.

"Pinapatanong po ni Mr.Hales kung kailan po kayo hindi busy?"

Hindi talaga ako tatantanan ng Hales na yan!Malaki talaga ang interest niya sa building ko.

"Tell him puno ang schedule ko and I don't waste time for such nonesense!"sagot ko.

"Okay sir!"then she closed the door.

I just sighed.

Mula nang mamatay ang ang anak ni Johanna ay pinutol na namin ang connection namin sa kanila.

Hindi naman namin sila sinisisi pero hindi sila bumisita nung kailangan namin sila.

********flashback*******

My Beautiful DinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon