Mitang's POV
Ilang araw ko nang hindi nakikita si Alex.Mas malungkot pa ngayon at hindi kagaya ng dati na kahit papaano ay masulyapan ko man lang siya papasok ng kwarto niya galing paaralan.
Palagi ring wala si Daniel kapag bumibisita ang barkada dito. Masaya na rin kasi hindi ko nakikita ang Camerone na yun.
Yong mukhang melon na yun?
Nasisira lang ang araw ko kapag siya ang iniisip ko.
"Mitang... Kukuha ka ngayon ng pagsusulit hindi ba?Bakit andiyan ka pa?"tanong ng ina ni Alex.
Hala! Oo nga pala!
May pagsusulit pala ako ngayon para makapag aral na ako sa pinag aaralan din ni Alex at ng mga barkada niya.
"Ah. Tita sandali na lang po. Kinakabahan po kasi ako."sagot ko sa kanya kaya pumasok siya ng kwarto.
"Hija. Pagsusulit lang naman ito. Alam kong matalino ka anak."sabay tapik ng balikat ko.
"Salamat po. Pero kinakabahan po talaga ako eh. Paano po kapag hindi ako pumasa?"tanong ko sa kanya.
Napangiti siya at kinuha ang cellphone niya.Tumawag yata ito say isang tao.
"Anak... Gusto ka kasing makausap ng girlfriend mo dito."wika niya.
Kinabahan pa nga ako nang iabot niya sa akin ang cellphone niya.
"Hello? Mitang?"
Sinasabi na nga bang si Alex ito eh.
"Hello...andiyan ka ba?"tanong niya.
Napalunok ako at napabuntong hininga ng napakalalim.
"A-andito ako Alex."sagot ko habang hinahagilap ang sasabihin ko.
"Namiss mo'ko noh?" nakangiting tanong niya.
"Kunti lang. May pagsusulit kasi ako ngayon at...medyo kinakabahan ako."sagot ko.
"Ano ulit yun? Kinakabahan ka? Ano'ng meron?"halos kinakabahang tanong niya.
"Pagsusulit."sagot ko lang.
Hindi niya yata ako maintindihan dahil bigla na lang siyang natahimik.
"Tita...a-ano po yung pagsusulit?"tanong ko sa ina niya.
"Ahh. Exam sabihin mo."utos ni Tita Andrea.
Napangiti ako bilang pasalamat.
"Ah-"
Magsasalita pa sana ako nang may babaeng tumawag kay Alex.
"I'll be there for a minute!"sagot niya.
"Sorry Mitang.Medyo busy ako ngayon eh.Pwedeng mamaya na lang?"tanong niya.
"Oo. Mamaya na lang. Ingat ka."sagot ko lang kahit nalulungkot ako.
"I love you."wika niya.
Ano daw? Mahal niya daw ako?
Parang sumigla ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
Parang mapapasayaw ako ng tugtuging sinasayaw ni Yaya Dub kay Alden sad TV.
Oo. Marami na akong alam tungkol sa TV. Tili kasi ng tili ang mga katulong sa bahay. Syempre ako namang si usyusera. Makikipanood na din.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Dinner
FantasyPrologue Mitang was known as scary witch.She has the history being called aswang,manananggal or mangkukulam just because she lives in the mountain.Ano naman ang magagawa nya kung ganun ang buhay nya. Alex was known as the hottest hunk that all the g...