Mitang's POV
"Wow!Congrats Mitang! Nakapasa ka!"sigaw ni Jad sa akin.
Napakasaya ko rin dahil pagbalik ni Alex ay magkakasama kami sa iisang paaralan.
"Salamat!"halos patalon kong sagot.
"Kailangang malaman ni Alex to!"excited na wika ni Kyle.
"Ah! Naku 'wag niyong sabihin!"pigil kong sagot kay Kyle.
Nagtaka ang mga kaibigan ni Alex maliban kay Daniel dahil wala na naman siya.
"Gusto ko kasing masurpresa si Alex.Pagdating niya."nahihiyang sabi ko.
Nagtinginan ang mga ito at napangiti sa akin.
"Diyan kami believe sa'yo Mitang. Iba ka talaga!"sabay tapik ni Oliver sa balikat ko.
"Kailangan nating mag celebrate!"sigaw ni Jad sabay taas ng isang kamay niya.
"Aba! Sang ayon ako diyan. Kung andito si Alex tiyak magpapakain sa labas iyon!"sagot ni Kyle na.
Napatingin silang dalawa kay Oliver.
"Oh sige. Labas tayo!"sagot niya kahit napipilitan lang.
Napangiti ako ng napakaluwag. Pumayag ako sa tatlo na magpaayos ng mukha at suot.
Nakasuot ako ngayon ng simpleng bestida na maiksi at kulay itim.Mataas din na tsinelas ang gamit ko. Tinalian nila ng patagilid ang buhok ko.
Pumasok kami sa isang nagkikislapang lugar na naman. Mahilig talaga ang mga ito sa ganitong lugar.
"Yoh dude! Buhay na naman ang nerve ko sa katawan!"sigaw ni Kyle sabay unat ng dalawang kamay niya.
"Hindi dapat pinaghihintay ang mga girls."sagot ni Jad.
"Mitang. Ano'ng gusto mong inumin ay! Pagkain pala at saka inumin na rin Syempre!"natatawang tanong ni Oliver.
Naupo ako sa upuan at palinga linga lang sa paligid.
"Wala ba'ng pagkain na may katchup dito?"tanong ko sa kanila.
Bigla silang nagtinginan at para ba'ng kinilabutan sa sinabi ko.
"Ahh...Mitang.Walang kagatan dito huh? Bibili na lang kami ng pagkain na masarap para sa'yo."wika ni Jad sa akin.
Halos matawa ako sa mga sinasabi nila. Akala talaga nila na totoong aswang ako.
"Jad. Wag kang mag alala.Wala akong matipuhang kainin dito.At saka sanay na rin akong kumain ng pagkain ng tao."sagot ko sa kanila.
Napahinga sila ng maluwag bago ngumiti sa akin.
Ang sarap talaga ng napakaraming pagkain na nasa harapan ko.Natakot siguro sila na baka may kainin akong tao.
Sana andito si Alex. Mas magiging masaya siguro ako ngayon.
Biglaang umalis si Kyle nang may kumindat na babae sa kanya.Napakaharot niya talaga.
Nasa harapan ko naman si Jad nang may lumapit na babaeng napaka sosyal tingnan.May ibinulong ito sa kanya.
"Guys... Wait lang huh?"paalam niya sa amin.
Napangiti lang ako at tumango. Ano ba naman ang gagawin ko kung gusto nila?
Napatayo ako dahil sa pakiramdam ko ay sasabog na ang tiyan ko sa kabusugan.
Dalidali akong tumakbo sa CR.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Dinner
خيال (فانتازيا)Prologue Mitang was known as scary witch.She has the history being called aswang,manananggal or mangkukulam just because she lives in the mountain.Ano naman ang magagawa nya kung ganun ang buhay nya. Alex was known as the hottest hunk that all the g...